抖阴社区

Chapter 6

4 0 0
                                    

"My thoughts are destroying me. I try not to think, but the silence is a killer too."- Unknown

I just woke up with a heavy heart, feeling ko panibagong araw na naman para magpatuloy dahil kailangan.Hindi na masaya sa buhay pero kailangan mong kumita ng pera,yung maiiyak kanalang sa tuwing may gusto kang kainin or bilhin-hindi mo magawa kase wala talagang natitira sa sahod mo.
One time,wala talaga akong maiabot na pera sa parents ko dahil wala na talagang natira kulang pa sa mga utang at bills.Akala ko maiintindihan nila pero sumbat ang inabot ko dahil wala naman akong ibinibigay sa kanila pero kumakain ako.Alam mo yung pakiramdam na nasaktan ka pero wala kang magawa kase feeling mo totoo naman na wala kang silbi,na wala kang maitulong kase kahit para nga sa sarili mo walang-wala rin talaga.
Pero- nasaktan ka sa sinabi ng tatay mo kase pinaramdam nya sayo na wala kang kwentang anak.Inaasahan mo na may magtatanggol sayo mula sa nanay mo pero wala.Durog na durog ang puso mo ngunit wala kang mailabas na luha,pakiramdam mo namanhid buong katawan mo- ang dami mong gustong sabihin pero hindi mo nalang ginawa kase the more na nagpapaliwanag ka mas hindi ka nila maiintindihan.Sa tingin palagi ng mga magulang natin sila yun tama,sila yung dapat pakinggan - sila yung may alam ng lahat.Were in fact hindi lahat ng magulang ay dapat paniwalaan.Hindi pala masaya ang tumanda habang bitbit mo ang napakaraming problema,naiinggit ako sa mga kakilala ko sa tuwing nakikita ko yung posts or bonding nila with there family.Yung Bond na nabuo sa pagitan ng anak at ng magulang solid na hindi basta-bastang mawawala.Connection sa bawat isa na hindi kayang baliin ng kahit na sino.
Sabi nila- breakdown daw saglit tapos laban na ulit ngunit sana ganon lang kadali na bumangon pagkatapos mong madapa,yun may aalalay sayo sa bawat pagkadapa mo pero wala.Kailangan mong yakapin ang sarili mo sa tuwing naiiyak ka kase walang ibang magpapatahan sayo kundi ikaw lang mismo.
Habang nagdadrive ako kanina papasok ng work,patulo na ang luha ko kase gusto kong umiyak dahil sobrang bigat na- parang anytime pwede akong sumabog.Hindi ako makaiyak ng todo-ayaw lumabas ng mga luha ko na parang sinasabing "hoy,hindi kapa ba sanay?" Palagi ka namang nasasaktan pero bakit ngayon iiyak kapa??'
I felt so lost- wala akong lugar kung saan pwede akong lumuha.
Walang lugar kung saan tanggap ako.Hindi ako makatingin sa salamin sa sobrang awa ko sa sarili ko.Napabayaan ko na ang sarili ko para lang ibigay lahat ng pangangailangan nila na kahit hindi ko naman obligasyon yun. Pamilya mo kase sila kaya hindi mo matiis pero ayus lang sa kanila na pagsalitaan ka ng 'di magaganda.Ang buhay ko'y parang sugal,itinaya ko na lahat ng meron ako pero sa bandang huli natalo parin ako.
Hindi pisikal na pananakit lang ang pwede mong indahin sa maghapo't magdamag,kundi pati yun mga salitang tumatarak sa puso mong matagal ng sugatan.Kutsilyong paulit-ulit na ibinabaon hanggang sa akala mo'y manhid kana ngunit mas pinili mo nalang isawalang bahala.
Kung meron man sa mga anak ang halos magpakamatay na sa pagtulong sa pamilya-sila siguro yun mga panganay. Wala naman silang choice dahil sila lang ang maaasahan.Wala naman silang ate o kuyang matatawag na pwedeng pagsumbungan sa tuwing pinapahirapan sila ng mundo.Wala naman silang matatakbuhan sa tuwing kailangan nila magbreakdown.Wala silang kakampi kundi sarili lang nila.Kailangan nila magpakatatag kase yun lang yung choice na binigay sa kanila ang lumaban sa buhay kahit hindi na kaya.
Kagabi, habang nakahiga ako naiimagine ko yung sarili kong nakabigti sa sobrang bigat na.Nablangko ang utak ko at ang alam kolang kailangan ko ng wakasan ang buhay ko.Baka kung sakaling mawala ako ay mababawasan narin ang magiging pabigat sa mundo.
Ready na ako,sigurado na akong gusto ko ng mawala.Iniisip ko na makakaya rin nila ang mga sarili nila.Sa tingin ko,tapos na ang parte ko sa pamilya.Nakatulong na ako- naibigay kona halos ng gusto nila kahit mawalan ako.Hindi ko binilang or isinumbat sa kanila ang mga nagawa ko dahil para sa akin wala ako kung hindi nila ako binuhay. Pero, hindi ko rin pinili na ako ang maging anak nila.Hindi ko ginusto na sa ganitong klase ng buhay ang kapupuntahan ko.Walang anak ang kayang pumili ng magulang ngunit ang magulang pwede nila piliin yun makakasama nila kung makakabuti ba sa mga magiging anak nila.
Kaya bakit madalas ang naririnig namin ay "Utang na loob" namin ang mabuhay sa mundong ito. Dahil kung gugustuhin kolang 'wag nalang akong ilabas sa mundo kung ito lang ang bubungad sayo.
Ang swerte n'yo kung yung magulang nyo hindi kayo inuobliga magbigay,na kahit sa maliit na halaga lang na makayanan mo ay masaya na sila.Yung kontento na at hindi ka ikukumpara sa iba.
Ang saya sana mabuhay kung lahat ng mga mahal mo kaya karin ingatan.
Kase- ngayon pakiramdam ko parang nabubuhay nalang ako dahil sa mga responsibilidad na iniatang sa akin.Kaya lagi ko pinagdarasal na sana sa susunod kong buhay ako naman yung iispoil. Ako naman yung tatanungin kung ano mga gusto kong pagkain at kung ano mga kailangan ko.
Yung ako naman ang magkaroon ng ate o kuya na pagsusumbungan. Aayain kumain at magtravel sa kung saan.
Yung kahit maliit na bagay na magagawa ko-maaappreciate ako.Yung yayakapin ako sa tuwing malungkot ako.Yung magpapatahan sakin at sasabihing "ayos lang yan,makakabawi kapa",yung magsasabi ng "ang galing-galing mo".
Simpleng thankyou lang naman ang kailangan ko pangpa motivate lang para magpatuloy parin sa buhay-sa mundong nakakapagod na halos wala ng pahinga.
Sana,may isang tao ang magsasabi rin na kamahal-mahal ka at deserve mo lahat ng kabutihan na pwedeng matanggap mo.
Yung hindi ako iiwan kahit nakakasawa na akong pakinggan.Hindi mapapagod umalalay sa tuwing naliligaw nako ng landas dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay.
Yung ayos lang magkamali pero dapat matuto.
Minsan lang tayo maghangad,madalas pagmamahal lang sapat na sa atin.Maramdaman yung pakiramdam na hindi tayo nag-iisa.

Kaya sana,sa tulad kong naghahanap din ng kalinga.Sabay natin hanapin yung lugar kung saan merong pahingang payapa.

The Healing PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon