"It is not the bruises on the body that hurt. It is the wounds of the heart and the scars on the mind." — Aisha Mirza
Akala ng iba hindi tayo takot mamatay kaya sumasagi sa isip nating mawala nalang sa mundo,akala ba ng iba ginusto din natin na mag iba ang tingin natin sa buhay? Ni minsan may nagtanong ba kung ayos lang tayo ng 'di na kailangan sundan ng sermon at mga walang kabuluhang payo.
Sabi nila ang una nating magiging guro ay ang ating mga magulang at unang tahanan na ating masisilungan. Ngunit, pwede rin sila ang una nating kabiguan. Kung ang magigisnan lang ng ating mga mata ay puno na ng 'di pagkakaunawaan at wala ng pagmamahalan, magiging bagahe natin ito hanggang sa ating pagtanda.
Sa isang pamilya hindi nawawala na may isang anak ang magiging paborito ni ina at ama. Kahit ayaw aminin satin,mararamdaman naman natin. Alam mo ba kung bakit nawawalan tayo ng tiwala sa sarili? Madalas kase sa bahay palang pinapaiwan na agad satin yun "kaya moyan,Ikaw paba"
Wala sanang may nahihiya kung pinabaon lang satin yun mga gusto natin madinig na salıta.
Akala ng iba pabaya lang tayo kaya tayo nahihirapan umusad, hindi nila alam araw-araw nasa gitna tayo ng digmaan- laban sa maraming salita na nakikipagtalo sa ating mga utak. Bata palang ako pero parang ang tagal ko ng paikot-ikot hanggang sa hindi ko na alam kung alin ba sa lahat ng iyon ang tama.
Nakakatakot mawala sa sarili at tuluyang iwan na ng katinuan. Tatawagin kapang madrama at oa ng mga inakalang mong totoong kaibigan. İlan beses ko ng narinig yung mga katagang " libangin mo kase ang sarili mo at mag ehersisyo" ano akala mo sa isipan ko nagjojoke lang?
Sa sobrang uhaw mo sa atensyon lahat ng nagpapakita ng kabutihan sayo ay akala mo totoo. Mabilis ka mahulog dahil bihira mo lang maranasan yun tratuhin kang tao. Ang bilis mo mag mahal kase akala mo palagi ayun na pero hindi pa pala. Takot kang maiwan ng iba kase pakiramdam mo sobrang lungkot mo na. Pero hindi mo lang matanggap sa sarili mo na matagal ka ng nag iisa at malungkot. Halo-halo na yun nararamdaman mo kaya ayaw mong masobrahan sa saya kase alam mong kasunod nun ay malungkot na.
Nakakatakot hindi ba? yun unang aruga na dapat mo sanang matamasa ay hindi nagawa. Uto-uto ka dahil akala mo lahat ng darating sayo ay tatratuhin ka ng tama pero sa huli lagi kaparin naloloko. Ang dami ng oras at panahon ang nasayang dahil sa kalungkutan na iyong pasan?
Sino ba ang may kasalanan? Ikaw na hindi naging madamot sa lahat nang aspeto ng bagay o yun mga nakapaligid sayo na ni minsan hindi nakita ang halaga mo? Ang dami mo ng trauma sa buhay pero patuloy ka paring naglalakbay kahit yun kaisa isahang liwanag na nagbibigay sayo ay unti-unti naring nagiging abo. Masakit na Matutulog kanalang iiyak kapa maiisip mo pa kung ano ba yun mga mali sayo. Yun iyak at hagulgol na walang tinig pero ramdam mo yung sakit. Sana lahat ay napapawi ng salitang "kaya moyan" kase kung ganoon lang wala na sanang may namamatayan.
Araw-araw mo nalang pinaglalabanan yung kaba at takot na nararamdaman mo.Sa mata ng maraming mapanghusga swerte mo nalang kung makalagpas ka.Palaging kailangan mong patunayan na karapat-dapat ka sa buhay nila.Nakakapagod yun hindi ba?Minsan yung nararamdaman mo hindi mo narin alam kase kahit ikaw hindi mo narin talaga kilala ang sarili mo.Magpakatatag ka self marami pa tayong laban na ipapanalo.Kaya kumapit kapa konteng tiis pa.

BINABASA MO ANG
The Healing Path
Poetry"You are not your illness. You have an individual story to tell. You have a name, a history, a personality. Staying yourself is part of the battle." - Julian Seifter