抖阴社区

Chapter 4

11 0 0
                                    

"If you're going through hell, keep going." — Winston Churchill

Walang humpay ang lakas ng ulan,kanina pako nag aantay dito ng masasakyan. Kanina pa sana ako nakauwi,kinakabahan narin ako baka nauna pa sila mama sakin at makatanggap na naman ako ng maraming tanong at masasakit na salita. Kakasahod lang namin pero heto ako pinagkakasya ang three hundred para sa dalawang linggo.
Maraming bayarin sa skwelahan ng kapatid kong nasa college na kaya hindi na ako kumontra pa nun kinuha sakin halos lahat ng sahod ko swerte ko nalang may natira pang three hundred dahil umekstra akong maglinis ng bahay nung boss namin.
"Uyy sumabay kana samin doon din naman ang daan namin sa Inyo" pagtawag sakin ng katrabaho namin.

Ayoko sana kase ang sama ng tingin nung iba na parang sinasabi na 'wag kong subukan kaso dahil nakakahiya rin tumanggi at kailangan ko magtipid kaya nakisabay na ako.

"Ano bayan! Ang sikip nanga 'di na nahiya sumabay pa talaga" parinig ni tessa sa akin yun nabalitang may kabet daw sa mga katrabaho namin.
" pasensya na kanina parin kase ako nag aantay ng masasakyan kaso hanggang ngayon wala pa kaya nakisabay narin talaga ko baka gabihin na kase ako sa daan" paliwanag ko pa
Pero inirapan niya lang ako at hinayaan ko nalang hindi naman siya yun may ari ng sasakyan.

Kung mamalasin kanga naman nasiraan pa kami at napilitan tuloy akong umalis dahil nagsisigaw sığaw na naman si tessa.

" malas ka talaga ! Kahit Kelan kaya kahit magulang mo sinusuka kana!! Umalis kana nga !" Sığaw pa niya.

Wala akong magawa at naglakad nalang palayo dahil wala man lang may umawat sa kanya kahit isa. Baka nga malas talaga ako? Baka nga tama si tessa na Kahit magulang ko sinusuka na ako?. Masakit man pero alam ko na may katotohanan din naman ang sinabi nya sa akin kaya para saan pa ang magalit?

Wala ng sasakyan at kahit pumara ako hindi ako pinapasakay. Kaya isang oras din akong naglalakad at basang basa na ako sa ulan.

"Magandang gab- hindi ko na natapos dahil sa nadatnan ko. May kahalikang ibang babae si papa. Hindi nila ako pinansin kaya kahit naiiyak na ako ay dumiretso nalang ako sa loob ng kwarto ko.

Naiisip ko palang na talagang masisira na ang pamilya namin parang mamamatay ako. Sobrang sakit sa dibdib,minsan ko ng naitanong sa Panginoon kung bakit pa ako nabuhay kung ganito rin naman ang aking madadatnan.

Sobrang sama ng loob ko at 'di ko mapigilang maiyak. Pagod na pagod na ako. Parang sasabog na sa sakit ang puso ko. Paano na ang mga kapatid ko? Hindi ko na matanggap na ang dating nagsilbing aking tahanan ay unti-unti naring mawawala. Bakit ba ang hirap mabuhay sa mundong ito?

Nakakapgod na habulin yun mga taong hindi ka naman nakita bilang tao. Bakit pa iniluwal sa mundo kung ganito din naman ang pamilyang iaabot sayo? Maraming tanong ang nabuo hanggang sa pagtanda ko. May mga tanong na Kahit alam mo na ang sagot ay gusto mo paring malaman. Dahil ba gusto mo na namang masaktan at mag ipon ng sakit?
Kahit kailan hindi naman tayo huminto mahalin yung mga taong hindi makita kung gaano tayo ka importante sa buhay nila.Napagod lang siguro tayo iparamdam na may mga bagay na ginagawa nila na nasasaktan tayo.Kapag sinabi kase natin minsan yung nararamdaman natin baka masamain lang nila.Kahit malabo na maranasan na mahalin at tanggapin kahit sa huling pagkakataon gusto ko paring subukan.Kung alam mo lang kung gaano kahirap 'to habang sinusulat ko sana naabot ng mensahe ko ang puso mo,sana kahit sa pamamagitan nito ay nalaman mong hindi ako okay.

The Healing PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon