抖阴社区

Chapter 2: Little Glance

4 0 0
                                    

"Patrick pakidala naman nito sa 4th floor, kay Ma'am Rhianne" rinig kong utos ni Sir Danny sa kaibigan ko.

"Samahan niyo ako" tumunghay ako bago umunat. Hindi ako makatulog, ang init.

"Ayoko, naglalaro kaming Uno." ramdam kong nakatingin sa'kin si Patrick kaya napatingin din ako sa kanya.

"Samahan mo na ako." nagdalawang isip pa muna ako bago tumayo. Tinatamad ako pero kawawa naman 'tong si Patrick kung walang sasama sa kanya.

"Tataas ka JC?" napatingin ako kay Miah bago tumango.

"Bago 'yan ah, mukhang tinamaan ka tol!" nagtataka ko silang tiningnan.

Pinagsasasabi nito?

"Sasamahan ko lang si Patrick. Ayaw niyo samahan di'ba?" lumapit sa'min si Sir Danny.

"Hoy sino? May sinisilayan ka sa 4th?" tanong niya kaya umiling ako. Baka magselos pa siya at ibagsak ako, tsk!

Hindi lingid sa kaalaman naming magkakaibigan na bisexual siya. Balita rin na may niyaya siya sa ibang strand pero hindi ko kilala kung sino. Wala namang makapagsumbong sa'min dahil nabalitaan lang namin. Baka mamaya ay chismis lang pala, mapapahamak lang kami.

"Meron po, Sir. Sa HUMSS 1." si Jefrey

"Sa HUMSS 1? Sino doon?" huminga ako ng malalim, nagtitimpi na.

Sarap banatan, king*na.

"Tigilan niyo ako. Si Sophia lang ang gusto ko." sabay-sabay nila akong tinalikuran at bumalik sa nilalaro nila pati si Sir. Parang nauumay na sila sa sinasabi ko.

Wala akong pakialam, handa akong ipagmalaki ang taong gusto ko hangga't gusto ko. Kahit pa nagmumukha na akong t*nga sa mga nasa paligid ko.

Pinipilit nila ako sa Maxine na 'yon kahit hindi ko naman type. Pati sa kanila na rin mismo nanggaling na may boyfriend 'yong tao. Itong si Miah ang nagsabi na nagkakagusto siya sa pandak na 'yon pero ako 'tong inaasar nila.

Umalis na kami ni Patrick at pagdating namin sa 4th floor ay puro busy sa klase ang bawat rooms. Academic Track e, hasang-hasa talaga sila sa acads kahit bakasyon na kami next week. Pagka-take namin ng exams pwedeng hindi na kami pumasok.

Sa ICT, hindi na kami nagkaklase sa ibang subjects 1 week before exam. Mas tinururo nila sa amin kung anong dapat naming malaman sa computers bago kami mag-Grade 12.

Tiningnan din namin kung nasaang room si Ma'am Rhianne hanggang sa makita namin siya sa room ng HUMSS 11-1  hindi kami makapag-excuse dahil bawat upo ng isang estudyante ay may kasunod nang magtataas ng kamay nila para sumagot. Ang competitive pala talaga ng mga estudyante ng section na 'to.

"Okay, malapit na. Konti na lang" may nagtaas ng kamay sa may bandang likuran.

"Yes, Maxine?" napataas ang kilay ko noong tumingin siya sa gawi namin.

"Ma'am may tao po." nagtawanan ang mga kaklase niya dahil sa sinabi niya. Akala ko rin sasagot siya kaya siya nagtaas ng kamay.

"Hala, kanina pa kayo dyan? Bakit hindi kayo kumakatok?" inabot ni Patrick 'yong paper na pinabibigay ni Sir Danny.

"Bunso, hintayin niyo na." tumango si Patrick kay Ma'am Rhianne.

"Akala ko naman sasagutin mo Max." tumatawang sabi ni Ma'am Rhianne kaya nagtawanan din ang mga kaklase niya.

"Sasagutin ko nga po." tumigil sila sa pagtawa noong tumayo ulit si Max.

"Phenomenological is a type of Qualitative research which is an appropriate qualitative method when you want to describe an event, activity or a phenomenon."

Estranghero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon