Wala akong gana mag-exam kaya 'yong mga natitirang subjects sa 3rd day ay mababa ang mga scores ko. Naramdaman din siguro ng apat na wala ako sa mood kaya hindi naman nila ako kinukulit.
"Hoy kain tayo sa sm, tagal na natin hindi nagbobonding magbabakasyon na." si Miah. Pumayag naman silang lahat kaya wala akong ibang nagawa kung hindi pumayag na din.
Pababa na kami ng room noong biglang mag-flash ang cellphone ko. Binuksan ko 'yon at nakita ang chat ni Max.
Certified Player: Bebe ko ice cream ko huh! Treat din kita, nasa quadrangle na ako
Napakamot ako sa ulo ko dahil nakalimutan ko ang plano namin ni Max. Malalim akong napabuntong hininga kaya nagtinginan sa'kin 'yong apat.
"Bakit? Kanina ka pa ganyan" si Christian.
"May usapan nga pala kami ni Max. Pasensya na hindi ako makakasama sa inyo." paalam ko pero hindi sila pumayag.
"Kami naman, minsan lang e. Ipapaalam ka namin..." pamimilit ni Gefrey.
Umiling ako kahit alam kong magtatampo sa'kin ang apat na 'to. Si Patrick kasi mas piniling hindi sumama kay Jhea, may lakad din daw kasi si Jhea kasama ang mga kaibigan niya kaya makakasama siya sa'min.
"Tara na. Babawi sa'tin si JC di'ba?" ngumiti ako kay Patrick bago tumango.
"Bahala ka, tara na nga!" tiningnan ko sina Christian pero umiwas na sila ng tingin at dumiretso na pababa kaya bumaba na din ako. Nagpaalam pa ulit ako sa kanila bago sila lumabas ng gate.
"Bebe ko!" pilit akong ngumiti kay Max bago umiwas ng tingin. Maraming tao, baka makita pa kami ng mga nakakausap niya di'ba?
Lumabas na kami ng school at sa sm din kami nagpunta dahil may bagong bukas na ice cream shop na gusto niya ma-try. Wala talaga akong gana ngayon, sobrang bigat ng pakiramdam ko.
"O-Okay ka lang?" tumango ako sa kanya bago ngumiti ulit. Niyaya ko na siya maghanap ng table para makaupo na kaming dalawa.
"Sure ka?" tumingin ako kay Max bago napabuntong hininga.
"Oo nga, ang kulit mo naman." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandito nanaman ako. Hindi ko nanaman mapigilan ang mga sinasabi ko. Ganito rin ako noong masaktan ako kay Sophia, mabuti na lang nandoon si Kuya Mark na pilit na inintindi ang sitwasyon ko.
"S-Sorry..." sabi niya bago kuhanin ang cellphone. Nagcecellphone lang siya habang hinihintay namin ang order namin na ice cream. Bigla ko namang nakita ang mga kaibigan ko na kumakain sa Pizza Haus. Naiinggit ako dahil halatang nag-eenjoy sila doong apat.
"You can join them, Jhaycee" bumalik ang tingin ko kay Max. Nahuli niya yata akong nakatitig sa mga kaibigan ko.
"H-Ha?" maang-maangan kong tanong at ngumiti siya, pero gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. Totoo ba ang nararamdaman ko o pinapaasa ko lang ang sarili ko.
"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo pagdating sa'kin." nagbaba siya ng tingin pero nakangiti pa din.
"H-Hindi, mas nauna kasi akong nakapagsabi sa'yo. Nagyaya lang sila kanina kaya hindi ako sumam-" hindi niya na ako pinatapos magpaliwanag.
"Hindi mo kailangang tuparin lahat ng sinabi mo. Hindi naman tayo, wala kang obligasyon sa'kin. Hindi rin ako magagalit sa'yo dahil lang sa umatras ka sa plano natin. We don't have to limit each other for the sake of this game." dedepensahan ko pa sana ang sarili ko pero biglang dumating 'yong ice cream na order namin.
"Ate, pwede po pa-take out na lang?" nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"M-Max?" hinawakan niya ang kamay ko.
"Okay lang, JC. May next time pa naman e, next time na lang tayo. No worries!" malawal siyang ngumiti bago kinuha niya na ang ice cream niya at binigay 'yong ice cream ko at umalis na. Naiwan akong nakatulala sa table. Hindi pa din nag-sisink in sa'kin ang nangyari. Noong matauhan ako ay lumabas na din ako nang shop bago lumapit sa mga kaibigan ko.
"Tapos na kayo agad?" tanong ni Patrick.
"T-Tapos? Sinabi niya ba 'yon?" wala sa sarili kong sabi. Napahilamos ako sa mukha ko bago umupo sa tabi ni Miah.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Naguguluhan ako, gulong-gulo na ako. Gusto ko ng tumigil, pero ayaw ko siyang mawala. Mahal ko na si Max, hindi ko kaya.
"Mag-usap nga tayo ng maayos. Anong nangyayari sa'yo?" tumingin ako kay Christian.
"Naguguluhan ako, kung mahal ko ba talaga si Max o nandyan lang siya kaya pakiramdam ko mahal ko siya at ang totoo mahal ko pa din si Sophia." kinuyom ko ang kamay ko, gusto kong sapakin ang sarili ko dahil alam kong masakit para sa kanya ang ginawa ko. Dapat hinabol ko siya, dapat pinigilan ko siya.
"Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo mahal si Max..." tumingin ako kay Patrick.
"Kami, magtatampo kami pero hindi kami mawawala sa'yo. Kahit ilang beses mo kaming hindi samahan sa gala para kay Max, kaibigan ka pa din namin." sabi ni Miah.
"Sabi ng girlfriend ko, mabait daw 'yong Max na 'yon. Kapag daw may nagpapatulong sa mga activities, projects at reviewers tinutulungan n'on. Kaya hindi na kami magtataka kung mahuhulog ka sa kanya, JC" si Christian.
"Ang sa amin lang. Linawin mo muna kung anong meron kayo. Sabihin mo sa kanya na mahal mo siya, huwag kang torpe!" tumingin ako kay Gefrey.
"Hindi ganoon kadali 'yon..." napuno ng pagtataka ang mga mukha nila kaya sinabi ko na sa kanila kung anong status namin ni Max. Kung paano nag-umpisa lahat.
"Sabihin mo pa din, paano kung mahal ka na?" si Miah
"Huwag! Paano kung laro lang lahat kay Max. Di'ba nga maraming nakakausap 'yon. Magmumukhang laruan 'tong kaibigan natin." si Christian.
Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa kanilang apat. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Kung ako sa'yo, ipapakita kong totoo ang nararamdaman ko kay Max hanggang sa siya na mismo ang makapansin n'on. Malay mo sa gitna ng larong ginawa niya, nahuhulog na din pala siya sa'yo. Hindi niya lang masabi dahil nakukulangan siya sa pinapakita mo." si Patrick.
Tama siya, dapat hindi ako tumigil. Kung mahal ko si Max dapat ipakita ko sa kanya 'yon. Dapat ipakita ko sa kanya na kung para sa kanya laro lang lahat. Sa akin hindi. Mahal ko siya at gusto ko siyang mahalin dahil kamahal-mahal siya.
Na sa kabila ng lahat ng sakit na napagdaanan at pinagdadaanan niya ngayon. May isang taong mamahalin siya at sasamahan siyang harapin 'yon.
"Pero kapag napagod ka na at wala pa ring nangyari. Tumigil ka na, kasi mahirap umasa. Baka maubos ka lang ulit, JC" sabi ni Gefrey.
Natatakot man ako na baka mangyari lang ulit sa'kin ang nangyari noon. Pero kakayanin kong labanan ang takot na 'yon, kasi gusto kong sumugal. Handa akong itaya lahat, kahit pa maubos ulit ako. Kahit ubusin ko lahat kay Max. She's worth it, she's too valuable that I am willing to spend everything to her. Kahit pa magmukha na akong talunan.

BINABASA MO ANG
Estranghero
Teen Fiction"Take the risk or lose the chance?". There were so many people around the world who has the same question. This is a story of a special girl who's trying to be brave enough to conquer her fears. She's hard as rock as if she built a wall that no one...