抖阴社区

Chapter 11: Too Deep

1 0 0
                                    

Pagbalik ko sa office. Buhay na buhay ako halos ako na ang gumawa ng lahat ng trabaho kaya takang-taka nanaman ang mga kaibigan ko. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura kanina ni Max.

Ang cute niya talaga.

Hanggang sa makauwi ako sa'min. Para akong baliw na nakaharap sa salamin habang nag-totoothbrush pagkatapos mag-dinner.

"Mas special ka daw, JC." napailing ako bago natawa. Bakit ganon, ang bilis kong maniwala sa mga sinasabi niya. Parang balewala sa'kin ang katotohanan na may nakakausap siyang iba bukod sa'kin. 

Sana kung may sagot man, sana sa akin lang. Sana ako na lang. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa kanya. Ganoon din kaya siya sa kanila?

Noong makita ko 'yong nasa mga kamay niya, alam ko na agad kung gaano kabigat lahat. Napepressure din kaya siya sa kanila sa pag-aaral? Pero di'ba magaling naman siya kaya paano? Anong problema, Max?

Certified Player: Laro lang akong ml, eat well.

Sa bawat sabi niya ba na naglalaro siya ng ml, naglalaro talaga siya o kausap niya naman ang iba? Isa yan sa mga iniisip ko ngayon.

Si Kenji ang hinala kong nakakausap niya, aaminin ko, nagselos ako noong makita ko 'yong story niya sa IG pero hindi ko na lang sinabi kasi natatakot ako na baka masakal siya at layuan niya na ako.

Pinasok mo 'to JC, panindigan mo. Kaya ko 'to, hindi ako mahuhulog ng sobrang lalim. Paano kung bumalik bigla si Sophia? Paano kung hindi ako makawala kay Max? Ayokong mahirapan sa dulo. Kailangan ko pa din isipin ang limitations ko, kailangan ko pa din maglagay ng harang sa pagitan naming dalawa. Para kapag kailangan na naming tumigil, hindi mahirap bumitaw.

Nagtimpla ako ng kape bago lumabas ng bahay para tumambay sa may duyan. Nakita ko naman doon si Cyrick na nakikisagap nanaman ng internet. Naglalaro siya ng ml. Pinalipat ko siya sa mono block para makahiga ako sa duyan.

"Nandito ka nanaman." pagbibiro ko.

"Huwag mo nga akong itaboy, pinaasa na nga ako nang nililigawan ko." nakanguso niyang sabi.

Wala na sila noong Renelie. Sabi niya ay pinatigil na siya noong isang araw. Tapos kahapon niya nalaman na binalikan ang ex kasi mahal pa daw.

"Ang swerte mo nga kasi binusted ka bago sumama sa iba. Ako nga nagpapaligaw pa may boyfriend na pala." 

"Kapag ayaw mo na kay Max, ibalik mo na sa'kin..." binatukan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Hindi siya bagay para hingin mo nang ganon-ganon lang!" humingi siya ng pasensya sa'kin. Humingi din naman ako ng pasensya sa kanya dahil napagtaasan ko siya ng boses.

"Alam mo ba? Balita siya ngayon sa school. Magkaibigan ang pareho niyang kausap. Hindi naman sa sinisiraan ko sa'yo si Max. Ayaw lang kita ulit makitang nagkukulong sa kwarto at hindi na halos kumain." ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.  Pero hindi niya kasi alam kung anong meron sa'min ni Max. Ang alam niya lang, nakakausap ko.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganoon siyang klase ng babae. Simula noong makita ko siya sa exhibit, ang dami kong naririnig na usapan tungkol sa kanya. Gaya ng ang dami niyang kaibigan dahil sobrang bait niya, sabi naman ng iba masama raw ang ugali niya.

"Sinong Max?" dumating bigla si Kuya Mark. Hindi sumagot si Cyrick at nagkunwaring busy sa cellphone niya kahit hindi na naman talaga siya naglalaro.

"S-Special friend." naguguluhan silang tumingin sa'kin.

"Ano?" tanong ulit ni Kuya Mark.

"Gusto namin ang isa't-isa...p-pero hindi kami. H-Hindi lang ako sigurado sa nararamdaman niya." malalim na bumuntong hininga si Kuya Mark.

Estranghero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon