Mabuti na lang at pinasa naman ako ng mga teachers namin. Ayon nga lang, hindi ako kasali sa mga honors. Mahina kasi talaga ako sa pag-aaral. Kahit anong subok ko, sa huli bagsak pa rin ako sa mga exams. Napepressure ako kaya nagso-sorry ako kayna Mama. Nahihiya kasi ako sa kanila na lahat naman ng hilingin ko binibigay nila sa'kin, pero hindi ko magawang galingan sa pag-aaral dahil una sa lahat, hindi naman talaga ako magaling.
'Ayos lang sa'min 'yon, ang mahalaga naman ay pumapasa ka'
Ito ang paulit-ulit na sinasabi nila sa'kin. Laking pasasalamat ko kasi sila ang mga magulang ko, pero mas lalo akong nahihiya sa kanila dahil sobrang bait nila ni Papa. Hindi ko rin maiwasang maikumpara ang sarili ko kay Ate dahil napakagaling niya, palagi siyang kasama sa honors, palagi kaming may dapat i-celebrate para sa kanya.
Gusto kong magpatulong kay Gefrey at Miah pero hindi naman ako seseryosohin ng dalawang 'yon. Sasabihin lang nila sa'kin na gumaya na lang ako sa kanila every examination.
Nakakalungkot lang na wala akong mapagsabihan ng lahat dahil ang tingin ng lahat, kapag lalaki ka, wala sa'yo ang mga bagay na 'yon. Pero kung alam lang nila ang insecurities ko lalo pa at matalino rin ang taong pinapangarap ko, mahihiya ka.
"Ang lalim ng iniisip mo ah..." bumalik ako sa wisyo noon lumapit si Cyrick sa'kin, kinakapatid ko. Noong lumipat kami sa Manila, siya ang unang nakasama ko sa lugar namin kaya naging sobrang malapit kami sa isa't-isa.
"Hinihintay ko lang reply ni Sophia." tumango siya bago sinubukang makiupo sa duyan kung saan ako nakahiga pero tinulak ko siya.
"Aray, h*yop ka!" tinawanan ko siya dahil nahulog siya sa lupa.
"Maganda ba sa school mo? Doon na lang siguro ako papasok para libre ang tuition."
Senior High School na nga pala ang mokong na 'to sa pasukan. May voucher kasi na binibigay ang school namin kapag graduate ka sa public. Hindi na kailangan magbayad ng tuition, pero kailangan magbigay ng 100 pesos para sa registration form.
Nagbabayad ako ng tuition dahil graduate ako sa private noong high school. Wala naman akong scholarship dahil nga mga palakol ang grades ko kaya binabayaran ko ng buo ang tuition sa school ko.
"Maraming maganda doon, Boyet." hinampas niya ng damit na nakasabit sa balikat niya si Kuya Mark na kakarating lang.
Dito nanaman nakatambay ang dalawang 'to sa bahay. Ang lalakas naman kumain. Pinsan ko si Kuya Mark, siya ang nag-suggest kay Mama sa school ko kaya doon ako napapasok. Doon rin kasi siya graduate at malapit na rin siyang sumampa sa barko.
"Makikita mo na doon ang Obrie mo." sabay kaming tumawa ni Kuya Mark dahil mukhang napipikpon na si Cyrick. Paano para siyang si Boyet magsalita at kumilos. Mas malala pa sa'kin ang isang 'to. Kaya rin siguro ganoon kami kabilis nagkasundo.
"At least hindi ako nagtitiis sa LDR... Ay waittt hindi pa nga pala kayo!" tumigil ako sa pagtawa kaya sila naman ang tumatawa sa'kin ngayon.
"Sasagutin rin ako ni Sophia. Hindi pa lang siya handa kasi priority niya ang studies niya." pagpapaliwanag ko.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo at kasama na doon ang mga biruan namin. Mabuti na lang dumating silang dalawa, baka pumuti na ang mata ko kahihintay sa reply niya. Hindi niya rin naman ako rereplyan.
Ayos lang 'yon, JC. Mahalaga sa kanya ang future niya kaya dapat nauunawaan mo siya hindi ba?
Kinabukasan ay maaga kaming gumising nina Mama Mitzy at Ate Jai para mag-prepare sa pagdating ni Papa. Seaman si Papa at bakasyon niya ng isang buwan dahil nga magbibirthday si Mama.

BINABASA MO ANG
Estranghero
Teen Fiction"Take the risk or lose the chance?". There were so many people around the world who has the same question. This is a story of a special girl who's trying to be brave enough to conquer her fears. She's hard as rock as if she built a wall that no one...