THIS IS A T x S M STORY.
Jan Aldriz Borja x Seth Adriel Del Prado.
NOTE: If this story or my writing style doesn't resonate with you, feel free to move on and seek something that aligns more with your preferences. and hypocrites are not allowed here...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 1
"Pasensya kana, hija. Wala nang bakante rito na puwede mong maupahan. Nakuha na kanina, naunahan ka niya magbigay ng paunang bayad," The old landlady said with an apologetic tone. Her face shows that she is indeed sorry for what happened.
"No po, Lola. It's fine po. Thank you." I said. I gave her my sweetest smile just to assure her that it was indeed fine with me. Hindi naman niya kasalanan na nakuha na ang bakanteng paupahan rito sa masukal at masikip na lugar na ito. Hindi na rin naman ako nagtataka na mababakante ito ng matagal dahil bukod sa mura ay malawak at convenient din ito sa mga students lalo pa't malapit ito sa university kung saan ko napiling mag aral.
I walked out of that apartment with shoulder loosened dahil ito nanaman ako, maghahanap ng puwedeng maupahan dahil need ko talaga ang malapit sa school upang madali at malapit lang ang aking lalakarin papunta sa aking paaralan. Hindi ko na mabilang sa kamay ko ang ilang paupahan na ang aking napuntahan just to get a place to stay with for my whole college life, because if I were to stay with our house, I need to travel 3 hours early every day just to attend my class.
Sa totoo lang halos lahat na ata ng mga paupahan rito sa San Fuego ay napuntahan ko na even the places that offer bedspace for rent. Nawawalan na rin ako ng pag-asa dahil yung apartment na iyon ay ang last hope ko.
Earlier when I talked to Lola, we already agreed that I would take the space as I really need it for my studies, I just need to do some very important errands. Pero ano ang nangyari? Naagawan pa ako ng puwesto, ako na dapat 'yon eh at nag aayos na siguro ako ng mga gamit sa oras na'to. Hindi ko alam na need pala mag downpayment just to secure na ako ang makakakuha roon.
It's not that na galit ako or what, I'm just kinda disappointed kasi naman napagusapan naman na. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, the space is already taken by someone.
I sighed as I walked around to find another bedspace or apartment that I could check if there was some space I could take. Maybe I missed some places, maybe I missed checking somewhere here.
However, after how many hours of roaming around, riding jeepneys and tricycles to get somewhere just to check if may bakante ba, I decided to stop and just go home with nothing but tiredness.
Nakaupo ako rito sa kanang banda ng UV express pauwi sa amin nang maisip kong mag hanap online, hoping na may makikita akong mga post sa mga group page sa FB na available for rent kahit bahay pa'yan tapos yung room lang yung ire-rent kukunin ko na. I am that desperate. Nahahagard na ako kakahanap sana naman diba. Ibigay na ites sa akin.
Nang makababa na ako sa SUV na aking sinakyan ay naglakad na ako papasok sa eskinita kung saan kami naninirahan. Malayo palang ay kita ko na ang malaki't pahabang bahay na hinati sa apat para maging isang apartment. Maraming mga batang naglalaro sa harap nito at may mga tambay na nakaupo na ang iba ay naninigarilyo. Ang iba sa mga tambay ay binati pa ako ngunit tamang tango lamang ang aking tugon sa kanila dahil sa pagod.