THIS IS A T x S M STORY.
Jan Aldriz Borja x Seth Adriel Del Prado.
NOTE: If this story or my writing style doesn't resonate with you, feel free to move on and seek something that aligns more with your preferences. and hypocrites are not allowed here...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 27
Nang-igayak ako ni Seth upang sundan si Tito Seb papasok sa dining area, ganun na lamang ang panlalaki at pagkamangha ko sa sumalubong sa akin.
Their dining area here was like the whole coffee shop I work at. Sa gitna ay may marmol na lamesa at hugis parehaba ito, bawat sulok ng lamesa ay may disenyo ng maliliit na anghel. At sa bawat gilid naman nito ay ang mga upuan na hindi ko mawari kung gawa rin ba sa marmol. In the middle of the ceiling, there's a white and golden chandelier that hangs proudly as if it knew its purpose to be nothing but the pride of this dining room.
"Magandang tanghali po, Sir at Ma'am." sabay sabay na bumati ang mga kasambahay nila sa amin.
Tumango si Tito Seb sa mga kasambahay habang si Seth naman ay kinumpas lang ang kaniyang kamay.
"M-Magandang umaga ho." Pagbabalik ko ng pagbati sakanila na ikinangiti nila.
Tito Seb went straight to the far-center corner of this rectangular table. He stood on the back of the chair and looked at us. He then smiled at me before looking at his son, who was standing beside me, while his big, veiny hands were relaxingly anchored around my waist.
"Son, Riz. Have a sit." Tito Seb said. The way he spoke the word 'sit' was friendly, yet there was a tinge of command in his tone.
"Yeah, Dad." Seth pulled a chair for me. Mabilis naman akong umupo ro'n dahil siguro sa kaba na kanina pa tumatambol sa puso ko.
I don't know but the very moment I stepped into this mansion, there's this thought inside my head that rang me like a damn alarm. It was like I shouldn't make any mistakes as this was a formal for me, for us, as I would be introduced to his parents. Para tuloy akong isang robot na nakaprogram sa akin na hindi dapat ako gumawa ng kahit anong pagkakamali o kahit anong nakakahiyang galaw.
I roamed my eyes once again through the whole room. Sobrang ganda talaga ng dining area nila, at mahahalata mo rin sa mga gamit nila na hindi basta basta ang mga halaga nito. Kahit nga ang mga suot ng mga kasambahay nila ay parang gawa rin sa isang mamahaling tela.
Isa nga lang ang napansin ko na kakaiba, yun ay ang mga kilos ng mga tao rito. Sabay sabay at sobrang linis nila gumalaw, na para bang pinagpraktisan nila iyon ng ilang buwan. Pero kung ako rin naman kasi ang magtatrabago sa ganitong klaseng pamilya ay siguro ganun rin ang gagawin ko.
"So, hija. Ilang taon ka na?" Napabaling ang tingin ko kay Tito Seb mula sa pag-iikot nito sa buong silid-kainan nila.
Hindi na kumalma ang puso ko sa kaba kahit pa nahihigaan ko naman na mabait ang Tatay ni Seth.
I looked at him, trying hard not to show him that I was too nervous.
"Uh... 20 years old po." Sagot ko. Gusto kong pangaralan ang sarili ko dahil hindi man lang ako nautal.