THIS IS A T x S M STORY.
Jan Aldriz Borja x Seth Adriel Del Prado.
NOTE: If this story or my writing style doesn't resonate with you, feel free to move on and seek something that aligns more with your preferences. and hypocrites are not allowed here...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 25
Pangalawang beses ko na makatanggap ng text message galing sa hindi ko kilala. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng kaba lalo pa't sa pagkakataon na 'to ay pamilya ko na ang pinag-uusapan.
Puwede ko naman baliwalain. Oo, maaari ko nga baliwalain. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong maapektohan sa mga nabasa ko.
My hands were trembling as I maneuvered the screen of my phone to open the messenger app. From there, a message appeared before me—sent by someone I didn't know, a name familiar to me, clearly made up, and whose identity was clearly not real.
Jun Jun: Kung ako sau mag-iisip na ako nang gagawin ko.
It was the only message but it is enough for me to know what he meant. Alam kong tinutukoy niya ang text message na 'yon.
I clicked the profile picture to try to stalk him, just to know a little bit about the account. But to my surprise, the account was newly made and it was made yesterday.
Sa kaba ko ay mabilis kong tinawagan ang numero ng aking nanay. Alam kong gising pa sila dahil maaga pa ngunit nang hindi niya sinagot ang tawag ay mas lalong lumakas ang pagtambol ng puso ko sa kaba.
I tried to dial her number again but she didn't answer it. Dahil sa kaba ay hindi ko na inintindi ang aking niluluto at basta ko na lamang pinatay ang kalan. I quickly ran to my room and snatched out a jacket. Mabilis akong lumabas habang ang sunod ko naman na tinatawagan ay ang kay Ramon.
And by god's grace, Ramon answered the phone after it rang three times.
"Ate, napatawag ka? May problema ba?" Nagtataka niyang tanong.
Tila isang malaking bara ang natanggal sa dibdib ko nang sagutin niya ang tawag. Hawak hawak ko na ang busol ng pinto upang buksan, handa na sanang lisanin at puntahan sila sa bahay.
"K-Kumusta kayo diyan?" Pilit kong pinatatag at pinadiretso ang aking boses para hindi niya mahalata ang kaba at pagiging balisa ko.
"Opo, Ate. Ayos lang kami, ikaw? Kumusta ka diyan?"
"M-Mabuti naman... Oo, Ayos lang din ako. Si Nanay at Tatay kumusta?"
Ramon didn't answer me right away, there was dead air for how many seconds before he spoke.
"Oo, Ate. Tulog na si Nanay, si Tatay naman nanonood ng TikTok."
Tuluyang nawala ang bigat at bara sa aking dibdib ng makumpirma ko iyon sa kapatid. I shut my eyes tightly and took a deep breath, I'd make sure that my brother wouldn't hear the unsteadiness in my voice.