抖阴社区

CHAPTER 2

322 21 0
                                        

TWO days had passed since Chloe had that close encounter with Melvin. Yun din ang pinakahuling araw na umapak sya sa basketball court.

Hindi na siya nag-abala pang manood ng tournament. Hindi dahil sa ayaw niyang manood o makita ang binata, sadyang nilalamon lang talaga sya ng hiya.

Iniisip nya pa lamang na dumampi ng kahit kaunti ang kamay nito sa dibdib nya, naninindig na ang kanyang mga balahibo sa katawan. Hayst! Nakakahiya talaga!

Maliban pa dyan, ilang araw na rin siyang napapaisip kung bakit alam nito ang pangalan nya. Hanggang ngayon ay tila natatandaan nya parin ang boses ng binata, at ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Hindi ko man lang natanong kung bakit!?

Or maybe because of her ID?

No! It's impossible! Tinawag sya nito ng nasa malayo pa sya, kaya naman walang kinalaman ang ID nya rito.

But, nevermind! Her assignment could distract her from those pesky thoughts. Katunayan, magda-dalawang oras na sya ngayong nakaupo sa library. Napag-desisyunan nyang mag-focus nalang munang gawin ang kanyang mga homeworks.

Walang matinong klase ngayong linggo, at maging sa susunod na linggo due to Intramural. Yet, tambak naman ang kanilang mga homework. So, she should seize the advantage of her free time to make significant progress on her homework. She knew that after intramurals, everything would return to normal, with a sparse schedule of classes filling her days.

'All I Ever Need' playing.

Halos mataranta si Chloe sa biglaang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad namang nagsitinginan ang ibang estudyante na malapit sa kanya, at halatang nagulat din sa pagkabasag ng katahimikan sa silid. Maging sya man ay nagulat din dahil wala naman syang inaasahang tawag.

Daglian syang nagbigay ng isang mabilis at kaunting pagyukod upang huminge ng pasensya sa disturbo.

Kinuha ni Chloe ang cellphone nya at tiningnan muna kung sino iyon bago sagutin. It was Fey.

"Hello, Fey? What's up?" wika ni Chloe sa halos pabulong na boses, upang hwag makagawa ng nakakadisturbong ingay.

"Nasaan ka? Punta ka rito! Dali" tila nagmamadaling wika nito sa kabilang linya.

"Nasa library ako, bakit?"

"Basta! Halika na rito, may good news ako para sayo!"

"Anong good news ba yan?" tanong nya. Wala syang idea kung anong tinutukoy nito.

"Basta, dali!"

Chloe sighed. "Puro ka dali, hindi mo naman sinasabi kung saan."

Tumawa ang dalaga sa kabilang linya. "Bad mood?" tanong nito.

Medyo natawa si Chloe sa naging tugon nya sa dalaga. "Sorry, hindi naman. Ahm, nasan ka pala?" tanong nya sa mahinahong boses.

"I'm at the nearest bulletin board in your department," sagot nito. "Pupuntahan kasi sana kita, kaso di ko naman alam kung nasan ka."

"Sorry, Fey. Sige papunta na ako dyan!"

Niligpit muna ni Chloe ang mga gamit nya bago tumayo at humarurot ng lakad papunta sa meeting spot nila ng kaibigan.

Nang makarating na sya roon, hindi nya agad matanaw ang dalaga sa dami ng mga estudyanteng naka standby roon.

May bagong announcement kaya?

"Chloe!" tawag sa kanya ni Fey, at winagayway pa ang kamay upang makuha ang kanyang pansin.

Agad naman syang lumapit sa kaibigan. "Anong meron? Ba't ang daming tao?" tanong nya nang magkalapit sila.

Beyond Control (A Reckless Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon