CHLOE was confused as she woke up in the University Clinic's regular bed. Hindi nya alam kung bakit sya naroon, at kung sinong nagdala sa kanya roon. Ang tanging alam nya lamang ay nakakaramdam parin sya ng hilo.
Bumangon sya mula sa pagkakahiga at marahang minasahe ang sariling batok.
"Oh, good, you're awake, Ms. Chloe." Anang boses ng nurse ng mapansin ang pagising nya. "Sabi ni Doktora Gwen, bago ka raw umalis ng clinic, dalhin mo raw itong mga gamot," anito at iniabot ang isang maliit na karton ng gamot.
Napakunot-noo sya. "B-Bakit? May sakit ba ako?"
"We tested your blood, mabuti nalang at may doctor dito kanina. At sabi ni dok, medyo mababa daw ang blood counts mo——masama para sa baby mo."
"What?" Napamulagat sya sa gulat.
"Yes, you are one month pregnant. Didn't you take a home pregnancy test?" Tanong nito.
Lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. She thought her delayed period was just due to stress, and was too afraid to take a pregnancy test at home.
"How did you know? I mean, hindi naman ako nagpa beta-hCG——"
"Oh, good question. Your boyfriend requested it, as Doctor Gwen suggested," she answered.
I don't have a boyfriend! Nais nyang sabihin iyon pero minagaling nyang wag nalang. Marahil ay si Melvin ang tinutukoy nito, at wala na syang ibang ideya pa liban sa binata.
"Congratulations, Chloe. Anyway, iwan na kita uh, marami pa kaming gagawin dito. Hwag mo nalang kalimutang dalhin ang mga gamot mo," anito bago lumayo.
Kakagising nya palang pero nanghihina na kaagad ang katawan nya. She didn't understand why these things were happening to her. Samantalang naging mabuti naman syang tao.
Tumayo sya at lumabas ng clinic. Ibig nyang umiyak, pero parang nauubusan na sya ng mga butil ng luha. Tanging sakit na lamang sa dibdib ang nararamdaman nya.
Nagpatuloy sya sa paghakbang habang naglalayag ang kanyang isipan. Hindi nya alam kung saan sya patungo, at wala syang pakialam kung saan sya dadalhin ng kanyang mga paa. She was completely disoriented. Naliligaw na ang kanyang utak.
Mula sa pagkakanulo ng kanyang nag-iisa't itinuring na matalik na kaibigan. Sa lalaking inakala nyang isang inspirasyon, ngunit magagawa lang pala syang pagsamantalahan. Sa kanyang pangarap na halos buong buhay nya ay iginugol nya para rito, ngunit mawawala lang pala at masisira ng isang gabi!
And now, she carries a life in her womb, a life she doesn't feel prepared to give a good life to. Her dream of escaping the squatter's area was now hopeless.
Pakiramdam nya ay pinagpi-piraso ang kanyang puso. Paano ba maging manhid? Ibig nya sanang maging manhid nalang para hwag ng maramdaman ang kirot na nagpapahirap sa kanyang puso.
What would her parents say if they find out? Ano nalang kaya ang sasabihin nila sakin? How could she tell them that their only child had been expelled from school for a scandalous video and was now pregnant? Paano nya iyon sasabihin sa mga magulang nya na palaging galit?!
Sa layo ng kanyang hinakbang, hindi nya kaagad napagtanto na dinala na pala sya ng kanyang mga sariling paa sa rooftop ng isang building ng skwelahan.
Why am I here? Nakatayo sya ngayon sa tapat ng railings ng rooftop. Pinagmamasdan ang malawak at magandang tanawin mula sa itaas.
Ang mga naglalakihang gusali ng unibersidad, para silang mga laruang nakakalat ng maayos. Samantalang, nagmistula namang mga langgam ang pigura ng mga taong naglalakad mula sa ibaba. At ang asul na kalangitan na may katangiang magpakalma ng damdamin, ay tila naging katuwang ng mga luntiang damo't puno na sumasayaw sa bawat pag-ihip ng hangin.

BINABASA MO ANG
Beyond Control (A Reckless Desire)
Romance18+ For how long could you adhere to your principles when faced with lustful desire? This story delves into the complexities of unhealthy attachments and the destructive potential of unchecked desires. I hope you find it thought-provoking, even if...