TAKOT at pangamba ang bumabalot kay Chloe sa bawat hakbang nya sa hallway ng campus. Maliwanag naman ang daan, at may iilang estudyante din syang nakakasalubong, pero hindi niya parin maiwasan sa kanyang sarili ang makaramdam ng kakaiba.
She already had a phone call with Fey, and knew that Fey was locked inside the Dean's office because the bullies had locked her in. Ayon pa nito: inakala nyang pinatawag sya sa Dean's office, ngunit nang magpunta sya roon, ay nasaksihan nya na isa lang pala iyong patibong upang maikulong sya sa loob.
Hanggang ngayon ay tila umaalingawngaw parin sa kanyang tenga ang mga sinabi ng kaibigan sa kabilang linya.
"Chloe! Tulungan mo akong makalabas!"
Ito ang pinakaunang pagkakataon na humingi sa kanya ng tulong ang kaibigan, kaya naman hindi sya papayag na mabigo ito ngayon sa kanya. Ilang beses na syang naipagtanggol ni Fey, kaya siguro ito narin ang pagkakataon nya para makabawi sa kaibigan.
Noong una, natatakot pa syang puntahan ang dalaga dahil baka sya naman ang mapagtripan, pero sinigurado naman ni Fey na wala na ang mga ito. Katunayan, kanina pa pala nakakulong ang kaibigan nya sa office, at hinintay munang lumisan ang mga ito bago humingi ng tulong.
Naiinis sya sa kanyang sarili at nag-aalala para kay Fey. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ito nangyayari ngayon! Hindi nya lubos maisip na pati ba naman ngayon ay pagti-tripan parin ng mga lalaking nambastos sa kanya noon si Fey? They are indeed troublemakers!
Nang medyo kakaunti na lang ang ilaw sa hallway, nilamon si Chloe ng matinding kaba at takot. Kinagat nya ang pang-ibabang labi at naglabas ng isang malalim na hininga. Can I handle this?
Kinuha ni Chloe ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaibigan.
"Hello Fey?" panimula nya nang sagutin nito ang tawag.
"Nasan ka?" tanong ng nasa kabilang linya sa mahinang boses, bakas ang kaba sa tinig nito.
"Nandito nako--"
"Nasa labas kana?" mabilis na tanong nito.
"Ahm, hindi, wala pa! Pero malapit na ako."
Fey sighed in relief. "Hayst, salamat!"
"Fey, natatakot ako!" pag-amin nya.
"I understand, normal lang yan," anito na tila sinusubukan syang pakalmahin.
"Pero--"
"May iilang ilaw naman dyan sa hallway, or maybe use your phone flashlight para hindi ka talaga masyadong matakot," mungkahi ng kaibigan.
Bumuntong hininga sya at nagpatuloy sa paglalakad. Oo, may iilang ilaw naman sa daan pero parang hindi parin ganoon kaliwanag ang hallway.
Chloe turned on her phone's flashlight and put the phone call on loudspeaker.
"Chloe, nandyan ka pa ba?" pukaw sa kanya ng dalaga nang hindi na sya kumibo.
"Ahm, oo! Papunta na ako dyan," she answered.
"Thank you," naramdaman nya ang pagngiti nito sa kabilang linya.
Nagpatuloy lang si Chloe sa paglalakad hanggang sa marating nya na ang labas ng Dean's office.
"Fey?" tawag nya sa kaibigan.
"Bakit?" tanong ni Fey sa kabilang linya.
Medyo nagtaka sya. "Nandito na ako sa labas, diba nasa loob--"
"May padlock dyan, subukan mong gibain," may pagmamadaling wika ni Fey.
Ibinaling ni Chloe ang kanyang phone flashlight sa padlock na tinutukoy ni Fey, at napakunot noo sya nang makita iyon.

BINABASA MO ANG
Beyond Control (A Reckless Desire)
Romance18+ For how long could you adhere to your principles when faced with lustful desire? This story delves into the complexities of unhealthy attachments and the destructive potential of unchecked desires. I hope you find it thought-provoking, even if...