抖阴社区

CHAPTER 4

147 19 0
                                        

CHLOE arrived at their university at eight in the morning. Ayaw nya sanang pumasok dahil medyo masakit ang kanyang ulo. Oo, wala ngang matinong klase, subalit kailangan nya paring bumalik sa library para sa libro ni Albert Camus.

Pagkarating na pagkarating nya sa campus, hindi na sya dumaan pa kung saan-saan, at dumiretso na kaagad sa library.

Subalit sa kabila ng kanyang pagsisikap na pilitin ang sariling pumasok, wala parin iyong saysay, dahil sa hanggang ngayon ay wala paring nagsasauli ng libro. Hindi parin available ang librong kanyang kailangan.

Siguro, wala na talaga akong pag-asang makasali sa competition. Nalulungkot sya, pero wala naman syang magagawa. And Yes! Ibig nyang sumali dahil sa pera, at hindi nya 'yun ipinagkakaila.

Pero sasali parin naman sya eh kahit pa walang money prize, sadyang mas motivated lang syang sumali ngayon dahil sa papremyo.

Money is everything! Kung papalarin sya, ipambibili nya sana iyon ng laptop para sa studies nya. Kaso, ni pagsali nga'y parang hindi sya mapalad, manalo pa kaya.

Uuwi nalang siguro sya, total wala namang proper class ngayon. Tsaka medyo masama rin ang pakiramdam nya. Gusto nyang magpahinga nalang muna.

Pero nag-aalala naman sya na baka pag-uwi nya ay mas lalo lang sasakit ang kanyang ulo, dahil sa mga magulang nya na laging nag-aaway.

Hayst! Tapos si Fey, hanggang ngayon ay hindi parin nagpaparamdam. Kahapon pa sya naghihintay ng tawag nito, pero hanggang ngayon ay wala parin syang balita rito.

Minasahe nya ng dahan-dahan ang kanyang noo. Mas lalo lang sumasakit iyon kakaisip nya ng mga bagay-bagay.

"Hello, good morning!" pagbati sa kanya ng isang librarian na pumukaw sa gitna ng kanyang pag-iisip. "Oh, ano? May available na ba?" tanong nito.

It was the same librarian she had spoken to yesterday, and he actually remembered her! Nakaupo lang kasi sya sa isang bench sa labas ng library kaya siguro napansin sya kaagad nito.

"Good morning sir," pagbating tugon nya rito. "Wala parin po eh," malungkot na sagot nya sa tanong nito.

"Ganun ba? Balik ka nalang siguro ulit bukas?" pagmumungkahi nito na tila gustong matawa.

Hindi nalang sya sumagot, parang tinatamad na kasi syang umasa.

"Don't worry, magtatabi ako pag may nagsauli," alok nito.

Chloe's eyes widened in surprise at the offer. "Seryoso po?" tanong nya na parang sinisigurado baka nagbibiro lang ito.

Binigyan sya nito ng isang ngiti. "Yes, but make sure na babalik ka. Pero baka hindi kana bumalik?" tila may kakulitan nitong sabi.

"Yes po sir, babalik ako for sure." Sinuklian din nya ang ngiti nito ng isang malapad na ngiti. "Pero kailan po sir?" tanong nya.

"Siguro mga bukas na para sure talaga," sagot nito.

"Okay po sir. Thank you so much," pagpapasalamat nya rito at bigla agad tumunog ang cellphone nya.

'All I ever need' playing.

"Excuse me po sir, sasagutin ko lang," pagpapa-alam nya rito.

Tumango lang ang librarian at pumasok na ito sa loob ng library. Sya naman, kinuha nya agad ang cellphone nya sa kanyang bag, at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Well, speaking of 'hindi nagpaparamdam', sa wakas at nagparamdam narin ito! At itong ringtone na 'to, papalitan nya nalang siguro. Naalala nya lang tuloy si Melvin.

Beyond Control (A Reckless Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon