KHARL
"Psst!"
Napakunot ang noo ko at takang tiningnan si Clint.
"What?" inis kong tanong.
"Aga-aga, galit kaagad?"
"Busy ako. 'Wag kang sagabal," sabi ko sabay nagpatuloy sa pagdidikit ng mga campaign posters sa dingding.
As the election is fast approaching, mas lalo kami naging busy sa school. Halos gabi-gabi na rin ako umuuwi dahil sa extensive preparation na ginagawa namin.
After ng Recreational Activity namin, may two weeks pa before ang election. Less than a month nalang ang preparation namin kaya naman kailangan naming pag-igihan ang pangangampanya.
It is not always guaranteed na mananalo na naman kami ulit. But according sa recent survey yesterday, so far, most of the students prefer voting our party rather than the other by a wide margin.
Kahit ganyan ang survey, we still need to work harder kasi nga hindi pa naman guaranteed na mananalo kami. There might be an unforeseeable factor involved and it might be the reason na matalo kami.
"Pahinga ka nga muna. Porket wala tayong klase sa first period, campaign materials kaagad inaatupag mo."
'Di ko siya sinagot. Mangungulit lang naman 'yan eh. As always.
"Hoy!"
"Aray!" sigaw ko nang bigla nalang niyang pitikin ang kanang tenga ko.
"Cafeteria tayo," sabi niya.
"8:00 palang ng umaga. Busog pa ako."
"'Di ako kumain ng agahan eh. Tara na!" sabi niya sabay hinila ako.
Bwiset!
Wala akong nagawa kundi ang samahan nalang siya.
"Nice, wala masyadong tao," sabi niya nang makarating kami sa cafeteria.
"Treat kita," dagdag niya pa.
Pumasok kaming dalawa sa loob. Dumeretso siyang naglakad sa harap para mag-order habang ako naman ay naunang maupo sa usual spot namin.
Nag-facebook lang ako roon habang hinihintay na makabalik si Clint dala-dala 'yung order namin.
After mga 3 minutes, natapos na siyang mag-order at kasalukuyang naglalakad papunta sa akin dala-dala 'yung order niya.
"Pansin ko lang ha, parang may nagbago sayo," sabi niya sabay nilapag ang tray sa mesa.
Kumunot ang noo ko.
"Huh?" taka kong tanong.
"'Di na ikaw 'yung Kharl na masyadong talkative. Okay ka lang ba?"
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Paano naman ako 'di magiging okay?"
"Eh kasi parang may palaging bumabagabag sayo eh."
Pinagsasabi nito?
"Alam mo, kung ano-ano nalang 'yang naiisip mo. Kumain ka nalang kaya?" sabi ko at nauna nang nilantakan ang pagkain na nilibre niya.
"Actually, matagal na namin iyang napansin ni Arlo. Ako lang yata ang naglakas loob para i-open up ito sayo ngayon."
"Since when?"
"Since that Saturday."
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya.
"W-wala 'yun! Okay lang ako ngayon no!" sabi ko sabay tumawa nang mahina.
"That Saturday was the day when the Red Cross Training happened. Inaya ka namin ni Arlo pagkagabi na kumain sa labas. You look bothered. Hanggang ngayon, ganun ka parin. Tell me, did something happened during that time?"

YOU ARE READING
Captivated by Your Introverted Personality
RomanceYeshua "Jesh" de Mevius, a very intelligent and a well known son of the richest and most influential family in Los Angeles, California, failed his major subjects twice. Devastated by the news, his father, who is a well-known businessman, was forced...