抖阴社区

Chapter #24

4K 80 8
                                        


PHEEM'S P.O.V

Pagkahinto ng kotse ay agad na lumabas si Noryan. Tinanggal ko na rin ang suot kong seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng nauna na itong bumukas.

Nagulat ako ng binuhat ako ni Noryan ng pa-bridestyle carry. Nanlaki ang aking mga matang papasok kami ng Serenity Hospital.

"Noryan, put me down. I can walk." pabulong na usal ko sa kaniya na hindi naman niya ako pinakinggan.

Tumago at sumiksik tuloy ako kay Noryan dahil sa hiyang nararamdaman ko. Lumilingon kasi sa gawi namin ang lahat ng taong narito.

Nang maramdaman kong parang walang nakatingin na sa amin ay umalis ako sa pagkakatago. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa loob na kami ng elevator.

"Hon, you can now put me down. I can stand." saad ko,

Wala pa rin akong nakuhang sagot mula kay Noryan kaya napasimangot ako.

Is he mad?

Wala na akong nagawa at hinayaan na lamang siya. Ipinatong ko na lamang ang aking ulo sa kaniyang balikat.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng elevator. Humakbang palabas si Noryan.

"Dr. Quin---ly?" Hindi natuloy ng nurse na lumapit sa amin ang kaniyang sasabihin nang makita ako.

Nang tumingin siya ulit kay Noryan. Marahan na siyang tumalikod at umalis na.

"Hon, baka tungkol sa pasyente ang sasabihin niya. You can go. Kaya ko namang maglakad patungo sa office room mo. Hindi naman malala ang kalagayan ko, e." sambit ko,

Simpleng mga sugat lang naman mayr'on ako.

Wala pa rin talaga akong narinig na sagot or tugon mula sa kaniya kahit pa narating na namin ang kaniyang office.

Pinasok namin iyong loob ng green curtain saka inupo niya ako sa kama. Pagkatapos, tinalikuran niya ako at hinawi ang kulay green na kurtina. Kumuha na rin siya ng mga gagamitin niya sa paglinis ng sugat ko.

Sa paglapit niya sa akin ulit. Iyong sa pisngi ko ang una niyang nilinisan at ginamot. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan at umupo. Kinuha niya naman ang binti ko at ipinatong sa kandungan niya.

Mga daplis lang naman talaga ang nakuha ko kaya lang madami ito. Para nga lang mga guhit lang na namumula. Sa harapan at malapit sa akin binasag ni Alerya ang ilang babasaging lalagyan ng mga flowers ko.

"Why do you let yourself get hurt by that woman?" sermon ni Noryan.

Finally! Nagsalita na rin siya.

"Hindi ko talaga napansin na mayr'on na akong mga ganiyan sa binti ko. Akala ko kasi talaga ay sa pisngi lang." paliwanag ko.

"Sorry," habol ko pang saad.

Marahan niyang nililinisan ang mga sugat sa binti ko.

"You know that I hate seeing you get hurt." sermon niya ulit.

"I know," guilty na tugon ko.

"Hindi na po mauulit. Please don't be mad at me." paglalambing kong dagdag.

"I'm not mad at you." mabilis niyang wika.

I pouted my lips.

"Then why are you so silent? You ignored me." nakasimangot kong sambit.

"Because you let yourself get hurt." he quickly answered.

"Kunti lang naman, e. It's not serious." mabilis kong saad.

First And Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon