PHEEM'S P.O.VMalapit na kaming makarating ni Prescious sa entrance ng Serenity nang unti-unting bumagal ang lakad ko.
Nagkakagulo kasi sa labas. Parang mayr'ong gustong pumasok na hindi pinapapasok.
"I think there's a chaos outside, mommy." komento ni Prescious.
Humigpit ang hawak ko kay Prescious ng marahan pa akong umabante para makita ko ang nangyayari sa labas. Bigla akong napahinto sa aking paghakbang at naging seryoso ang aking mukha.
"What the! Ano ba? Gusto ko lang naman makita ang mag-ina ko. Papasukin ni'yo ako." malakas na wika mula sa labas.
Binuhat ko si Prescious at tumingin sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Narlyn at si mommy. Palapit din siya sa amin.
"That man again?" Rinig kong wika pa ni Prescious saka yumakap siya sa aking leeg, habang ang kaniyang mga tingin ay nasa labas din.
Pagbaling ko ulit ng tingin sa labas sakto ring nakita kami ni Chant.
Oo, si Chant ang nanggugulo sa labas. Tunay ngang sinundan niya kami. At talagang hindi siya titigil sa gusto niyang mangyari.
Ano ba ang gusto niya?
Lumapit ako sa kaniya at sumama na para bang walang nangyari. Na para bang wala akong masakit na pinagdaanan sa kaniya. Tapos ano? Dahil lang sa gusto niyang bumawi ay bibigay kaagad ako at kalilimutan lahat ng mga nangyari.
Siguro kung ang dating Pheem ang siyang kaharap niya ngayon, puwede pang mangyari, pero hindi, e. Hindi na ako ang Pheem na kilala niya, na ex-wife niya. Dahil natuto na ako. Hindi sa lahat ng bagay ay magiging mabait ka na lamang at tatanggapin at kalilimutan ang lahat.
Kahit pa hindi ko nakilala si Noryan. Iisa at iisa pa rin ang desisyon ko. Kailanman ay hindi na ako magpapauto sa kaniya. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil dumating sa buhay ko si Noryan.
"Pheem! Prescious!" malakas na bigkas sa pangalan ko ni Chant.
Ang lahat ng nakarinig ay napalingon sa aking gawi.
"What is going on? Why is that man calling your name?" mommy asked.
"Mommy, puwede ko po bang iwan ko po muna sa inyo si Prescious?" pakiusap ko.
"Of course," mabilis na tugon ni Mommy.
Tumingin siya kay Prescious. "Come here, baby. Let's get out of here. There's an adult chaos here. Kids are not allowed to gossip." wika ni Mommy habang marahan niyang kinukuha mula sa pagkakarga ko si Prescious.
"Kay Mamita ka na muna, my princess. Be good with Mamita, okay? Don't dare to escape or leave on her side. Don't ever come here." paalala ko kay Prescious.
Bakas sa mukha niya ang pagtutol na umalis sa tabi ko. Tumingin siya sa paligid at tila mayr'ong hinahanap.
"Where's daddy, Tita, Mamita?" tanong niya habang hinahanap niya ang Daddy niya.
"I won't leave here mommy hangga't hindi po ako nakasisiguro na kasama mo si Daddy. I don't trust that man, mommy." nag-aalalang ani pa ni Prescious.
Hindi binibitawan ni Prescious ang kamay ko kahit pa karga-karga na siya ni Mommy at hindi siya tumitigil sa paghahanap kay Noryan.
"Kakausapin ko lang siya para umalis na siya. Para wala ng gulo pa. Look! He's occupying the entrance of the hospital. I promise I'll be fine." malambing kong pangungumbinsi.
"Don't worry, walang mangyayari masama kay Mommy. She's a big girl na." singit ni Narlyn.
Tumango-tango ako para sang-ayunan ang sinabi ni Narlyn.

BINABASA MO ANG
First And Forever (COMPLETED)
RandomPheem and Chant have been married for six years. During that year, she never received love from Chant because the only woman he loves is her stepsister, who suddenly disappeared. When her stepsister came back. Chant didn't hesitate to divorce Pheem...