抖阴社区

Chapter #33

3.2K 61 4
                                        


PHEEM'S P.O.V

The moment na naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa kamay ko ni Noryan. Iminulat ko ang aking mga mata sabay harap kay Chant saka binigyan siya ng isang ubod lakas ng sampal sa kaniyang pisngi.

Rinig na rinig ang tunog ng sampal ko sa kaniya. Pumutok at dumugo kaagad ang gilid ng kaniyang labi.

"Karapatan? Naririnig mo ba ang mga sinabi mo? Ha? Ikaw ang siyang nagtanggal ng karapatan mo sa bata, hindi ako. Hindi ako, Chant. HINDI AKO!" nanggigigil kong sumbat sa kaniya.

Gustong-gusto kong itatak at ibaon sa utak niya ang mga katagang 'yon.

"Tapos ngayon, igigiit, pinagpipilitan at pinagyayabang mong mayr'on kang karapatan? Anong karapatan ba ang pinagmamalaki mo? Dahil ikaw ang ama? Kailan ka ba naging ama sa kaniya, huh? KAILAN?" saad ko,

"Paulit-ulit tayo, e. Ikaw na rin ang nagsabi na hinding-hindi ka magiging ama sa kaniya. Na kahit anong mangyari hindi ka magiging ama sa kaniya, and now what? You're here claiming her as your daughter? For what, Chant? FOR FUCKING WHAT?" sigaw ko sa kaniya.

"Nakatatak sa utak ko ang lahat ng sinabi mo. Na kahit pitong taon na ang lumipas pero ang mga salita mo ay malinaw na malinaw pang nasa isipan ko. Hindi ba nakuha mo na ang gusto mo? Malaya ka na kaya ano pang ginagawa mo sa harapan ko?" patuloy na wika ko sa kaniya.

"Ang kapal ng mukha mong ipagdikdikan ang karapatan mo sa bata. Ang kapal ng mukha mong ipaalala at humarap sa akin na para bang wala kang ginawa. Ang kapal ng mukha mong sirain ang pamilya ko. Ang kapal-kapal ng mukha mong kunin ako sa taong siyang dahilan kung bakit ako narito, kaharap mo." dagdag ko pang sumbat sa kaniya.

"Bakit Chant? Nasaan ka ba no'ng oras na kailangan kita? No'ng oras na ikaw dapat ang kasama ko. Hindi ba nagpapakasaya ka kasama ang taong mahal mo. Ni minsan ba sa oras na 'yon ay naisip mo ako, o kahit man lang ang anak ko? Hindi di ba? Ni katiting diyan sa makitid mong utak, hinding-hindi sumagi ang anak ko sa'yo. Tapos ano? Ngayon dahil lang sa tinanggap na ng sistema mo ang bata. Lalapit ka sa akin at igigiit mo sa akin ang karapatan mo bilang ama?" walang patid na panumnumbat ko sa kaniya.

"Ni katiting, na kahit dulo ng buhok ng anak ko ay wala kang karapatan. WALANG-WALA, Chant. WALA!" ani ko pa,

Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili ko dahil hindi lang simple ang gusto kong gawin sa kaniya.

GUSTO KO SIYANG PATAYIN!

"B-Babaw-----" giit niya.

"Babawi?" pagputol ko sa kaniya.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na walang nangangailangan ng pagbawi mo. Gusto mo bang ipukpok ko pa sa ulo mo ang mga salitang iyon ng maunawaan mo? For freaking sake, Mr. Ellison!" galit na galit kong dagdag.

Tiningnan ko siya ng ubod lamig at blangkong-blangko.

"Naaalala mo pa ba ang mga katagang binitiwan ko sa'yo the day that I signed the divorced paper?" pagpapaalala ko.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at tila inalala pa niya.

"Let me remind you. Let me say those words again." mariin kong wika.

"Kapag dumating iyong araw na ang lahat ng sinabi ko ay totoo at ma-realize mong ikaw ay nagkamali. Ipinapangako kong lumuhod, magmakaawa at mamamatay ka man sa harapan ko. Hinding-hindi mo makikita o mahahawakan ang batang itinanggi mo ng paulit-ulit. At kahit kailan ay hinding-hindi mo ring mararanasan na maging ama sa kaniya." malamig kong sambit.

Bawat salita ay winika ko ng mayr'ong diin at malinaw na malinaw kong itong inilahad sa kaniya. Ang pangakong 'yon ay nakaselyado sa puso't kakuluwa ko na kahit sa kamatayan ko ay dadalhin ko. Hindi ko bibiguin ang anak ko.

"H-Hindi ka naman s----" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil nakita niya kung gaano ako kaseryosong nakatingin sa kaniya.

"At sa oras na hawakan muli ng anak mo ang anak ko. Hindi lang impyernong buhay ang ibibigay ko sa kaniya. Tandaan mo 'yan!" Tinalikuran ko na siya at humakbang na muli papasok sa loob ng hospital.

Ayokong madamay ang isang batang paslit. Ayoko ring manakit ng bata pero kung anak ko na ang inaagrabyado. Pasensiyahan tayo, wala akong sinasanto at wala akong paki kung sino ang masasagasaan ko.

Malalaking hakbang ang ginawa ko. Ang mga paa ko ay kusa na lamang humahakbang patungo sa hindi ko alam na lugar. My mind is fully empty. Blangkong-blangko ang utak ko.

Unti-unti ring bumibigat ang pakiramdam ko. Naninikip ang aking dibdib at halos hindi na ako makahinga ng maayos.

Nagbukas ako ng pinto saka mabilis na naupo sa nakita kong couch. Humawak ako sa aking dibdib at pilit na huminga pero hindi ko magawa.

"Pheem," tawag sa akin ng kung sino.

Yumuko ako habang hawak ko pa rin ang aking dibdib at pilit na kinakalma ang galit na nararamdaman ko.

"Wife, do you hear me?" Patuloy kong naririnig ang isang boses na umeecho lang sa aking pandinig.

Ipinikit ko ang aking mga mata at patuloy na kinapa ang aking sariling hininga. Para akong inaatake ng asthma sa condition ko. Kahit wala naman ako nito.

Mayr'ong humawak sa aking mukha. Inangat at pinaharap ako sa kaniya. Doon ko lang nakita na si Noryan ang nasa harapan ko. Kita kong bumubuka ang kaniyang bibig pero hindi ko siya naririnig.

Kung kanina ay mayr'on pa akong naririnig pero ngayon ay wala na.

Niyakap niya ako. Inilapat niya ako sa kaniyang dibdib.

Nanghihinang ipinikit ko ang aking mga mata. Ngunit kalaunan ay tila narinig ko ang boses ng anak ko. Tatlong beses ko itong narinig. Doon lang ako natauhan at bigla kong naimulat ang aking mga mata. Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakita.

"Shit! Pheem! Don't scare me. Please come down." Rinig kong wika ni Noryan na ikinalingon ko sa kaniya.

"N-Noryan?" pagtataka kong saad.

"I'm here! I'm here! I'm here, wife. I'm here." paulit-ulit niyang tugon sa akin.

Nangilid ang aking mga luha hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo nito sa aking pisngi. Mula sa iyak na naging malakas na hagulhol ang nagawa ko. Yumakap ako sa kaniya at patuloy na umiyak nang umiyak.

"Just let it out. Just cry, wife." Rinig kong wika ni Noryan habang paulit-ulit niya akong nilalapatan ng halik at hinahaplos ang aking ulo.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya at mas lalo pa akong umiyak. Hinayaan ko talagang bumuhos nang bumuhos ang mga luha ko. Gusto kong ilabas lahat ng emotions na mayr'on ako. Kahit ang paraan ay sa pag-iyak.



TheKnightQueen 🍀

First And Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon