抖阴社区

#1

46 7 27
                                    

Napabuntong hininga si Lyzza at pabagsak na umupo. Nasa canteen siya ngayon at kakatapos lamang ng kanilang pagsusulit

"7 out of 20. Lyzza, ano ba naman yun? Terror na nga yung prof tapos hindi mo pa ginalingan" inis na ani niya sa sarili at bahagyang ginulo ang kanyang buhok

"Hingang malalim...okay lang yan...subukan mo nalang bumawi sa susunod" pagkausap niyang muli sa sarili at napatango-tango pa bilang pagsang-ayon

Nang magawa niyang kalmahin ang sarili ay nilagay niya sa lamesa ang kanyang bag at saka nagpasyang tumayo upang pumunta sa isa sa mga stalls at bumili ng paborito niyang dinakdakang baboy

"Ate, dinakdakan po with rice. Dine in" rinig niyang ani ng boses na kasabay niya lang din na nakarating sa stall

Nang tingnan niya ang may ari ng boses ay magkatabi na sila ngayon

"Ayra? Ayra Maverie Catacutan, noh?" pagkausap niya sa kaklaseng si Ayra, "Ako 'to si Lyzza. Xyra Elyzza Madrid hehe classmates tayo. Lagi nga lang akong late o kaya naman absent" pagpapakilala niya sa babae na sinagot naman siya ng ngiti

Tinanggap niyo ang order na dinakdakan at naroon ang tingin ni Lyzza

"Ay, favorite mo rin?" tanong ni Lyzza kay Ayra at saglit itong pinutol upang bumili rin ng pagkain

"Oo favorite ko" sagot naman ni Ayra sakanya

"Sameeee!" ani ni Lyzza at kinuha na rin ang binili niyang pagkain. Iniukbit niya ang braso sa braso ng dalaga, "parang we're besties na! Tara sabay na tayo kumain!" ani ni Lyzza at hindi na hinintay ang sagot ni Ayra para akayin ito papunta sa lamesang inuupuan niya kanina. Apat ang bakanteng upuan niyon kaya naman tama lang ito upang may mapaglagyan din sila ng kanya-kanyang bag

"Thank you, Lyzza. Buti nalang dinala mo 'ko dito sa table. Wala na kasing ibang bakante" ani ni Ayra sakanya

"Ay, nako! Wala yun. Ako ang dapat mag thank you sayo kasi ikaw ang first friend ko dito sa Blue and Gold"

Siguro, hindi naman considered na 'friend' iyong si Sir Danner? Tsaka hindi pa naman kami nagkikita dito sa campus

Nagpatuloy sila sa pagkain at pareho nilang nilalasap ang dinakdakan nang biglang may mapansin si Lyzza kay Ayra. Paminsan-minsan ay lumilingon ito sa bandang likod at tila may tinatapunan ng masamang tingin. Sinundan naman ni Lyzza  ang direksyon ng mga tingin ni Ayra at nakita niya doon ang isang lalaking OA kung mag kwento dahil may actions pang kasama, ang kaklase nila si Vinxer Dela Fuentes at si...

"Sir Danner!?" bulalas ni Lyzza nang makita ang lalaki. Prente itong nakaupo habang nakikinig sa kwento noong isang lalaking hindi niya alam ang pangalan. Nakasuot si Danner ng isang hoodie jacket. Dahil doon ay nanumbalik sa isipan ni Lyzza ng mga tattoo sa katawan ng binata na tila ikinukubli nito gamit ang hoodie.

Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata at bahagya itong kinusot ngunit kahit anong gawin niya ay hindi iyon nawawala

"Shet! Siya nga!" ani ni Lyzza at bahagya pang pinalo ang lamesa at napalatak

"Kilala mo si Danner?" kunot-noong tanong ni Ayra sa kanya

Gustong sabunutan ni Lyzza ang sarili. Wala kasing preno ang bibig niya

"A-ah...oo" tipid niyang sagot kay Ayra. Hinihiling niyang hindi na ito muling magtanong pa

"Paano?" tanong ni Ayra sa nanunudyong boses

Napatigil naman sandali si Lyzza at nag isip kung anong isasagot

"A-ah...ano kasi..."

Napapakamot ng ulo si Lyzza habang nag iisip. Ayaw niya namang ikwento kay Ayra ang nangyari kung paano sila nagkatagpo ni Danner. Hindi niya gustong may makaalam na kahit na sino tungkol sa trabaho niyang iyon

"Crush ko siya. Crush ko si Danner" ani ni Lyzza habang namumula

Totoo naman kasi! Ang pogi naman kasi ni Sir Danner kaya walang problema kung crush ko siya...crush ko naman talaga siya

"Ayunnnn naman pala. Pogi hunter ka pala ha. Siguro sinisid mo yung social media para lang mahanap yung pangalan niya noh?" ani ni Ayra habang nanunudyo kay Lyzza

Napahagikhik naman si Lyzza at tumango-tango

"Teka nga, ikaw naman ang iha-hot seat ko ngayon" ani ni Lyzza kay Ayra. Nanunudyo na rin ngayon ang kanyang mga tingin

"Bakit mo naman sinasamaan ng tingin si Vinxer? Siguro may LQ kayo noh?"

"Hoy wala ah! Buysit kasi siya. Ang yabang porket 19/20 siya dun sa exam kanina" sagot naman ni Ayra sa kanya at tinapunan ulit nito ng masamang tingin si Vinxer na nasa table na sinagot lang naman ng bahagyang pagtawa ng huli

"Asuuus. Dyan din nagsimula yung lolo't lola ko, mhie!" panunukso niya sa kaibigan

"Hay nako! Wag mo yun papansin si Vinxer. May dalang malas yun" ani ni Ayra habang napapairap sa hangin

"Kakastart palang ng classes ah. Magkakilala na ba kayo noon pa para masabi mo yan?" tanong naman ni Lyzza habang tinatanaw tanaw niya si Danner ngunit agad niya ring binawi iyon nang magtama ang kanilang mga mata. Ibinalik niya na lamang ang atensyon kay Ayra sa kanyang harapan

"Hmm...oo. Pati yun, nakikita mo yung madaldal na yun? Yun si Xenon Michael Orvilies tapos iyong crush mo naman na yun, yun si Grief Danner Hogan. Magkakaibigan kami since, I mean, noong junior highschool" pagpapaliwanag ni Ayra kay Lyzza

Napasinghap si Lyzza, "OH MY GHAD! Seryoso ka!? Ibig sabihin iyong tatlong gwapo at masasarap na yun, kaibigan mo!? PAKSHET! Ang swerte mooo!" bulalas niya kay Ayra at bahagyang pinalo palo ang braso nito

"Aray ko naman. Jusko ka, Lyzza! Oo kaibigan ko nga sila. May...something lang...kaya hindi ko sila pinapansin masyado" ani ni Ayra at pilit tinatanggal ang kamay ni Lyzza sa braso nito tuwing pinapalo palo nito iyon dahil sa kilig

"Mhie! Bakit kaibigan mo lang sila? Sa tatlong yan, lahat friend zoned mo lang? May pagka tanga ka pala" ani ni Lyzza at natawa sa sarili

"Gaga! Ewan ko sayo, Lyzza. Tara na nga. Malapit na mag ala-una baka ma-late tayo sa next sub" ani ni Ayra at tumayo na ito mula sa kinauupuan. Dala rin nito ang plato na ibabalik sa pinagbilhan nilang stall

Mabilis namang sumunod si Lyzza kay Ayra. Nang maisauli nila ang mga plato ay magkatabi silang naglakad papunta sa exit kung saan madadaanan ang lamesa nila Danner. Bigla niya tuloy naalala iyong jacket nito na kailangan niyang ibalik at ang naudlot niyang pagpapakilala sa lalaki kagabi

"Mhie, pakilala mo 'ko kay Danner pleaseeee" pagkausap niya kay Ayra na kakatapos lang irapan at bigyan ng patago na middle finger si Vinxer na tatawa tawa lamang sa sariling pwesto

"Ha? Ah...pag iisipan ko. Halika na nga malelate na tayo" ani ni Ayra at nagmadali nang maglakad

"Okay!" bungisngis ni Lyzza at sumunod na rin sa mabilis na paglakad ng kaibigan

Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami ni Sir Danner...after all, utang na loob ko sa kanya ang buhay ko

-
LunaToMySol

PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon