抖阴社区

#7

14 0 0
                                    


"Yow, yow, yow! Kala ko di mo na 'ko dadaanan, brad" ani ng maingay na lalaki mula sa labas ng kotse.

Binuksan nito ang pintuan sa shot gun seat ngunit nagkatinginan lamang sila ni Lyzza na nakaupo na doon. Kumunot ang noo ng lalaki kaya kinunutan lang din ito ng noo ni Lyzza.

"Ay, kasama ka nga pala pero bakit dyan ka? Ako dapat dyan eh" napapangusong ani nito at kulang nalang ay mag tantrums ito dahil naunahan sa gustong pwestuhan.

"Lilipat nalang ako sa likod" ani ni Lyzza na akmang bababa na ng kotse mula sa shot gun seat upang lumipat sa passengers' seat ngunit agad naman siyang nakaramdan ng maiinit na palad sa kanyang pulsuhan.

"She stays here. You'd take the back, X" ani ni Danner.

Sabay namang napatingin si Lyzza at Xenon dito. Hawak parin ng binata ang pulsuhan ni Lyzza kaya napababa siya ng tingin doon.

"Nubayan! Pang asawa 'yang pwesto na yan eh. Asawa ka ba?" ungot na reklamo ni Xenon. Para itong batang inagawan ng lollipop.

"Hindi pero alangan namang ikaw?" masungit na sagot ni Lyzza sa lalaki at inirapan ito.

Naiinis kasi siya kay Xenon dahil maingay ito. Sa tatlong magkakaibigan na sina Danner, Vinxer, at Xenon ay si Xenon lang talaga ang hindi niya masyadong feel ang ugali. Kahit na mahilig itong magpatawa ay hindi ito nakakatawa para sa kanya. Gwapo nga pero maingay naman ito tapos palaging OA.

"Epal naman. Tsk!" ani ni Xenon nang makasakay na sa passenger's seat sa likod nila ni Danner. Pabagsak pa nitong isinara ang pinto.

"Cut it, X! O mas mabuti pa mag commute ka nalang pauwi ng Santa Fe kung ganyan ka lang din" ani ni Danner na nakapagpasikdo naman sa katabi nitong si Lyzza.

Gulat at nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Danner. Namumula ang gwapo nitong mukha at masama ang tingin nito kay Xenon.

Malaki ang gulat niya dahil iyon ang unang beses na narinig niyang sumigaw nang ganon si Danner. Nakita niya na itong galit noong iniligtas siya nito sa night club ngunit dahil malakas ang tugtugin doon ay ngayon ang first time na narinig niya ang tila tigre na pag roar na boses nito.

Tila naramdaman niya pa ang pag vibrate ng sound waves dahil sa pagsigaw nito.

Nagpalipat-lipat ang mga tingin ni Lyzza sa dalawa. Nagtatagisan ito ng tinginan at halos makita niya ang kuryente sa pagitan niyon.

"U-uy. Okay lang naman yun. Hindi naman yun seryoso, eh. Biruan lang yun, di'ba Xenon? Ganon lang mag biruan pang kalye" ani ni Lyzza habang nagpapaliwanag kay Danner. Tiningnan niya rin si Xenon habang nginingitian ito at si Danner upang pakalmahin ang sitwasyon.

Mamaya dito pa mag pang-abot 'tong dalawang maton na 'to eh. Anong laban ng maliit 'kong katawan sa pag awat kung sakali?

"Oo. Sorry naman. Di mo kasi gets humor namin ni Lyzza, bro. Biruan lang yun" ani ni Xenon na napapakamot sa ulo.

Hindi naman na sumagot si Danner pagkatapos nun. Nagsimula na lamang itong mag maneho papunta sa probinsya ng Santa Fe.

Hindi naman alam ni Lyzza ang ieexpect sa lugar dahil laking Maynila siya kaya nakatulong din ang pagkekwento ni Xenon. Simula kasi nagsimula ang biyahe ay pasulpot-sulpot na ito sa pagke-kwento tungkol sa kanilang probinsya mula sa tourist spots at mga pangunahing pangkabuhayan ng mga tao na pangingisda.

Pati rin ang mga mayayamang pamilya doon ay kinwento niya ang pinagmumulan ng mga yaman tulad na lamang ng pamilya mismo ni Xenon na mga Orvilies kung saan nasa industriya sila ng politika at talagang family of lawyers at mga judge.

PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon