抖阴社区

#4

26 6 0
                                    

"I'm sorry, I'm late. Kanina pa kayo?" ani ni Danner na kakapasok pa lamang sa back seat. Katabi na ito ni Lyzza ngayon

Napatitig naman dito ang dalaga. Hindi niya kasi akalain na sasama talaga ang binata sa plano nilang shopping ngayon

Kani-kanina lamang ay biniro niya si Vinxer na pasamahin si Danner. Balak niya kasi itong tanungin tungkol sa offer nitong pakikipag kaibigan sa kanya pero ito siya ngayon at nakatulala sa gwapo nitong mukha

"It's fine kakarating lang din namin dito sa kotse. By the way, Danner this is Lyzza, Ayra's friend. This is Danner, our friend" wika ni Vinxer mula sa driver's seat bilang pagpapakilala sa kanilang dalawa ni Danner

"Grief Danner Hogan. We already met but this is the first time we were introduced properly" wika ni Danner habang hawak ang kamay ni Lyzza

Habang nangyayari iyon ay nakatitig lamang si Lyzza. Hindi niya magawang dalhin ang sarili na magsalita. Madaldal siyang tao ngunit pagdating kay Danner ay palagi siyang natatameme

"A-ah....ugh. Ugh" wika ni Lyzza na agad niya rin namang pinagsisihan. Namulat ang kanyang mukha at gusto niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan

Bakit mo inungulan!? Gaga ka talaga, Xyra Elyzza!

"Danner, siya si Lyzza. Pag pasensiyahan mo na yan ganyan lang yan pag pagod hehe" wika ni Ayra mula sa shot gun seat. Napapikit nalang din naman si Lyzza nang matauhan

Si Lyzza na ang unang bumitaw mula sa pagkakahawak ni Danner sa kanyang kamay. Umiwas na lamang siya ng tingin at isinandal ang sarili sa pintuan ng kotse. Tanaw niya ang paligid sa labas ng bintana na tila ba mayroong kapansin-pansin Doon kahit na wala naman

"Ay ang ganda nung poste...pantay yung pagkakatayo" pagkausap niya sa sarili habang pilit pa rin na itinatago ang kanyang mukha dahil sa hiya

Kalaunan nang makarating sila sa mall ay hindi na siya humiwalay kay Ayra. Nililibang ni Lyzza ang sarili sa pagwiwindow shopping at paminsang ay pagbili

Ang dalawang binata ay nakasulod lang din naman sa kanilang likuran. Ang mga ito ang taga bitbit ng bawat bibilhin nila

Hindi tuloy mawari ni Lyzza kung tama ba na ipinasama niya si Danner sa lakad na iyon. Naiilang na kasi siya dito dahil sa tuwing dadalhin niya ang sarili upang tingnan ito ay nahuhuli niya itong nakatitig na sa kanya

Kahit ngayon na nasa likuran ang binata. Alam ni Lyzza na nakatitig pa rin ito sa kanya kaya naman nang makakita ng bookstore ay agad niyang hinila papasok si Ayra

Laking pasalamat ni Lyzza nang magpasyang hindi sumunod ang dalawang binata papasok ng book store. Nanatili ang mga iyon sa labas katabi ng entrance

Nang sila na lamang ni Ayra ay hindi nakaligtas si Lyzza sa pang aasar ng kaibigan tungkol sa naging reaksyon niya kanina nang makipag kamay si Danner sa kanya

"Mhie! 'Wag ka nga! First time ko kasing marinig ng ganon yung boses niya. First time niyang may sinabi sa akin na mahaba. Feeling ko tuloy mahaba rin yung t-"

"Hep! Okay...okay. Gets na kitang mahalay ka" putol ni Ayra sa sasabihin ni Lyzza

Naghagikhikan ang dalawa at bumili ng tig dalawang libro. Nang makabalik sila sa dalawang binata ay sinabihan na nila ito na uwian na dahil tapos na ang shopping spree nila ni Lyzza.

"Ay, mhie. Sa bahay pala ako magpapahatid. May kailangan lang akong asikasuhin doon sandali pero doon pa rin ako sa boarding house mo uuwi. Hinihintay din kasi ako ni Lester doon" ani ni Lyzza kay Ayra nang makasakay sila sa kotse

Nang magpatuloy ang biyahe ay si Lyzza na mismo ang nagturo ng direksyon kay Vinxer kung saan banda ang kanilang bahay. Hindi rin naman nagtagal ay nasa tapat na ang sasakyan ng kanilang bahay

Binuksan na ni Lyzza ang pinto at pumihit paharap kay Danner

"Bye, Danner! I'm Xyra Elyzza Madrid! Future Mrs.Hogan mo! Mwamwa!" malakas na ani ni Lyzza at diretso nang isinara ang pinto ng back seat. Kumaripas na rin siya ng takbo papasok ng bahay

-
"Xyra Elyzza Madrid" pag uulit ni Danner sa narinig

Kanina pa siya naihatid nila Vinxer dito sa kanyang bahay. Hindi niya na rin alam kung ilang oras na ba ang lumipas simula noon dahil okupado ang utak niya ng iisang bagay lamang

He cannot fathom how crazy it felt for him to finally know Lyzza's full name. May kung ano sa loob niya na tila nabuhayan dahil doon and hearing her name come from her mouth made Danner's heart dance in glee

"I finally know your name...fucking finally" Danner mumbled to himself and took a sip of water from the glass he is currently holding

"Well...now what?" tanong ni Danner sa sarili

Ngayon na alam niya na ang pangalan ni Lyzza ay iniisip niya kung anong kailangan niyang gawin sa impormasyon na iyon.

"How do I befriend her? Damn...I really don't have social skills huh" inis na ani ni Danner, "Damn it. Bahala na" dagdag niyang ani at mabilis na kinuha ang susi ng sasakyan mula sa center table

Dali-dali siyang lumabas ng bahay at sinimulang imaneho ang kanyang sasakyan papunta kay Lyzza

Tahimik na nagmamaneho si Danner nang bigla siyang mapa-preno. Natanaw niya mula sa hindi kalayuan si Lyzza. Kakalabas pa lamang nito mula sa loob ng night club.  Lakad-takbo ang babae palayo mula roon papunta sa direksyon kung nasaan ang bahay nito

Gabi na noong mga oras na iyon. Nakasuot ng maikling dress si Lyzza at humahangos habang yakap ang sarili

Tila kinurot naman ang puso ni Danner sa kasalukuyang nasasaksihan. Nagtagis ang kanyang bagang at mahigpit na naikuyom ang kanyang mga kamao na nakahawak parin sa manibela ng sasakyan

Akmang lalabas na sana si Danner mula sa kotse nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan

"Shit!" ani niya sa sarili. Agad niyang hinanap ang payong sa kanyang kotse ngunit bigla niyang naalala na naiwanan niya iyon sa bahay

Tuluyan na lamang siyang lumabas mula sa sasakyan at hinayaan ang sarili na mabasa ng ulan. Sinuong niya ang paligid kahit na mahirap makaaninag dahil sa lakas ng ulan

Paminsan niyang kinukusot ang mga mata upang tanggalin ang tubig na nakakapagpa labo sa mga iyon. Wala rin siyang pakialam sa lamig ng paligid. Ang tanging nasa isip niya lamang noong oras na iyon ay ang mahabol si Lyzza

-
Yakap ni Lyzza ang sarili habang sinusuong ang malakas na ulan. Patuloy parin siya sa paghagulhol. Ang mga luhang umaagos sa kanyang mga pisngi ay hindi magawas pawiin ng malamig na mga patak ng ulan

"Putangina!! Pagod na pagod na ako!" sigaw ni Lyzza ngunit kahit siya ay tila hindi iyon narinig dahil sa malakas na tunog ng ulan sa paligid

"Pagod na akong maging mahirap!!"

Pagod na pagod na siya dahil sa pananakit ng kanilang Mama Minda. Pagod na pagod na siyang sumubok para makaahon sa kahirapan. Pagod na si Lyzza na umasa sa bukas na masagana

Sa gitna ng kanyang pagtangis ay bigla na lamang may bumalot sa kanyang katawan na mga bisig. Ikinabigla iyon ni Lyzza ngunit bago pa man siya makapagbigay ng reaksyon ay pinihit siya ng bulto paharap dito

"It's me, Lyzza. It's Danner" ani ng baritonong nitong boses at iginiya siyang muli paloob sa mga bisig ng binata

Ramdam na ramdam ni Lyzza ang init ng katawan ni Danner. Ramdam niya rin ang masuyo nitong pagkakayakap sa nilalamig niyang katawan. Ang isang kamay ng binata ay humahaplos sa kanyang buhok

Habang nangyayari iyon ay walang nagawa si Lyzza kung hindi ay yakapin pabalik ang binata. Muli siyang humagulhol sa mga bisig ni Danner

Ang alam lamang ni Lyzza noong mga oras na iyon ay kampante siya sa loob ng mga bisig ng binata. Ang masuyo nitong pagyakap ay tila sinasabihan siya na magiging maayos din ang lahat. Ang yakap ni Danner ay tila isang yakap na matagal nang hinahanap-hanap ni Lyzza

Masuyo. Kampante. Ligtas

"Marry me...marry me, Lyzza and you will never have to endure any of this pain anymore"

-
LunaToMySol

PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon