•
Mag isa na ngayon si Lyzza sa isang silid. Nang makarating kasi sila sa "bahay" nila Vinxer kung saan gaganapin ang birthday party nito bukas as nalula siya dahil isa iyong mansyon.Nasa loob ito ng isang napakalaking Villa at doon niya napag alaman na buong angkan ng mga Dela Fuentes pala ang naroon.
Ngayon ay narito siya sa isang silid na kung susumahin ay kasing laki na ng isang buong bahay. Halos hindi nagkalahati ng kwarto na iyon ang bahay nila doon sa squatters area ng Pasig.
Kakatapos niya lamang tawagan si Vinxer na kasama ngayon ni Ayra sa Tagaytay. Sinabihan niya lamang ito na okay na ang lahat at plantsado na ang sorpresa para sa kaibigan.
Napag utusan kasi siya ni Danner na siya ang gumawa niyon dahil matapos siyang ihatid ng dalawang kasama kanina ay nagpaalam ito sa kanya na lalabas lamang sandali dahil napag utusan sila ng ina ni Vinxer na si Mrs.Victoria Dela Fuentes.
"Oh my god...siguro namatay na ako at nasa langit na ako ngayon..." ani ni Lyzza nang mahiga sa malaking kama. Nakatihaya siya at pinagmamasdan ang kisame na may nakaukit na mga pattern.
Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa kasalukuyang sitwasyon kung saan nakahiga siya sa malambot na kama, nananatili sa malaking kwarto, at may mga kaibigan na hindi siya pinababayaan.
"Sana nandito ka rin baby Lester...pero 'wag kang mag alala. Magsisikap si Ate para magkaroon ka ng komportable na buhay. Kahit hindi ko man magawang maibigay sayo ang ganito kalaking mansyon ay magkaroon ka lamang ng komportableng matitirhan ay okay na okay na sa akin" pagkausap ni Lyzza sa naiwang kapatid sa Maynila na si Lester na para bang maririnig siya nito.
Napabuntong hininga siya nang pumilig ng pwesto patagilid. Niyakap niya ang napakalambot na unan.
Muling nanumbalik sa alaala ni Lyzza ang iniaalok ni Danner sa kanya. Hindi siya pini-pressure ng binata at ni banggitin iyon ay hindi nito ginagawa. Simula noong usapan nila sa boarding house ay hindi na iyon na-open pa sakanya ni Danner.
Sa totoo lamang ay hindi niya pa rin alam ang isasagot sa lalaki. Siguro sasabihin ng iba na wala naman siyang dapat ipagdalawang isip dahil kung tutuusin ay pabor sa kanya ang magiging set up niyon pero puno pa rin siya ng pag aalinlangan.
"Kaya ko ba yun? Kaya ko 'bang ipagpalit ang kabuoan ng buhay ko para sa pera?" tanong ni Lyzza sa sarili at binalot ng katahimikan ang paligid. Wala rin siyang nakuhang sagot.
Nagdesisyon siyang matulog na lamang. Tsaka niya na lamang iyon iisipin ulit.
-
Napakagara ng birthday party ni Vinxer. Kasalukuyang nililibot ni Lyzza ang buffet table upang kumuha ng iba't-ibang pagkain. Dinamihan niya ang kuha ng ubas at keso dahil noong natikman niya ang mga iyon kanina ay sadya siyang nasarapan."That's called a charcuterie board" ani ng baritonong boses mula sa likuran.
Nang mapatingin si Lyzza ay katabi niya na ngayon ang may ari ng boses. Tulad niya ay abala ito sa pagkuha ng pagkain papunta sa sariling plato.
Natulos sa kinatatayuan si Lyzza. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makilala ang lalaking katabi. Halos manglambot din ang kanyang tuhod at pinagpawisan siya ng malagkit.
Diyos ko...'wag naman sana akong mapahiya dito. Gusto ko 'nang kalimutan ang parteng iyon ng pagkatao ko...
"I-ikaw?" utal niyang ani at muntik nang mabitawan ang plato na hawak.
"Relax, Xyra. I'm a friend of Danner and the others and I'm actually here to personally apologize. I'm Niccolo. Eros Niccolo Salvador." ani ng lalaki at inilahad ang kamay nito sa harapan ni Lyzza.

BINABASA MO ANG
PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]
RomanceFOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED ? Hope you enjoy! ? Xyra Elyzza Madrid. Baklang babae. Kalog. Maingay. Those are the words that perfectly describe her but behind the bubbly and cheerful personality lies the dark truth of her str...