抖阴社区

#8 Part II

17 0 0
                                    

-
"Hey, D. It's your turn" ani ni Vinxer na nakaupo sa tabi ni Danner. Katulad niya ay may hawak itong bote ng beer.

"Oh, hell no" napatingin si Danner sa bote na nasa ibaba. Wala iyong laman at siyang gamit nila sa paglalaro ng Spin the Bottle.

"Come on. Wag 'kang KJ!" reklamo ni Xenon na nasa kabilang dulo. Kahit Tila naiinis ay naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

"Alam ko na kasi 'yang dare mo! I know how your mind works, X" reklamo ni Danner na napapailing-iling.

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa bago muling magsalita si Xenon.

"Nubayan! Sige na. I dare you to sleep in one room with Lyzza tonight" ani nito na binuntunan pa ng pagtawa.

"Hell no!" ani ni Danner at nagmamartsang tumayo paalis. Babalik na lamang siya sa mansyon dahil nahihilo na rin siya.

"Hey! Kill joy naman!"

"Oh, come on. Gentleman ka naman. Hindi ka basta may alak may balak!"

Rinig ni Danner na ani ng dalawang asungot sa kanyang likuran. Hinahabol siya ng dalawa at naghahalakhakan pa.

"I'm not doing it" ani ni Danner nang makapasok sa mansyon.

Naabutan niyang magkaharap na nakaupo sa isang lamesa sina Lyzza at Ayra.

Saglit na nagtama ang kanilang mga mata ni Lyzza. Nagtataka ang bukas ng sa dalaga.

Naunang mag iwas ng tingin si Danner ngunit nang makatapak sa unang baitang ng hagdan ay agad din siyang napatigil.

"Kung ayaw mo, ako nalang" rinig niyang ani ni Xenon mula sa kanyang likuran.

Tila pumintig ang ulo niya sa narinig. Naramdaman niya rin ang pag akyat ng dugo sa kanyang ulo.

Nang humarap siya sa mga kaibigang si Vinxer at Xenon ay pareho itong may nang aasar na ngiti sa mga labi ngunit iba iyon sa kanya. Alam niyang nag aapoy sa galit ang bukas ng kanyang mukha.

Halos patayin niya si Xenon sa kanyang isipan. Pigil na pigil niya ang sarili na sapakin ang kaibigan.

Saglit siyang huminga nang malalim at nagma-martsang pinuntahan ang direksyon ni Lyzza.

"Come with me" ani niya habang bahagyang hawak ang dalaga sa pulsuhan.

Hindi niya na ito hinintay makasagot. Nagmamartsang iginiya ni Danner si Lyzza papunta sa hardin ng mansyon.

"Danner! Danner, ano ka ba? Bitawan mo nga ko!" ani ni Lyzza ngunit tila wala man lang naririnig ang binata.

Hila pa rin siya nito sa pulsuhan papunta sa hardin.

Nang makarating sila doon ay pinaupo siya ng lalaki sa bench at tsaka lamang siya binitawan.

Napatanga naman si Lyzza habang nakatitig kay Danner. Mabigat ang paghinga ng binata. Inis ito at tila pinipigilan ang sarili na makagawa ng kung ano.

"Problema mo dyan?" tanong ni Lyzza. Inis din kasi siya dahil sa bigla nitong paghila sa kanya.

Ngunit imbis na makakuha ng sagot ay tinalikuran lamang siya ni Danner. Hinihilot ng lalaki ang sariling sentido.

Napataas naman ng kilay si Lyzza dahil doon ngunit ngayon na ang likod lamang ni Danner ang kanyang nakikita, hindi niya maiwasang pagmasdan iyon.

This man is really gorgeous. The broad shoulders are to die for. Tila inukit ng isang magaling na sculptor ang hubog ng katawan ni Danner.

His broad shoulders. Perfectly shaped back. Not to mention, his rounded butt that unexpectedly added to his masculinity.

Laki ng pwet. Kagatin ko yan eh! Hihi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Feb 23 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon