抖阴社区

                                    

"Ito naman si Danner di namin nakakasama yan noon paglaki. Lagi lang kasi yan nasa loob ng bahay. Nakikita lang namin yan pag may party-party yung mga tanders na mayayaman kasi sinasama siya dun ng lolo't lola niya tsaka mama niya. Nakasama na namin yan nung senior high school na. Gulat nga kami na nasa Santa Fe pa pala siya nun. Kala kasi namin nag migrate na sa kung saan pagkatapos nung Moving Up nung Grade 10"

Pagke-kwento ni Xenon kay Lyzza. Tiningnan niya naman si Danner na tahimik lamang na nagmamaneho. Madilim parin ang bukas ng mukha nito at umiigting ang panga

Problema nito? May topak nanaman yata. Bahala siya.

"Ah. Edi bale kayo lang pala ni Vinxer ang magkasamang lumaki noon?" tanong naman ni Lyzza kay Xenon.

Lilibangin niya nalang ang sarili sa pakikipag kwentuhan kay Xenon tutal ay para namang yelo itong katabi niyang driver.

"Hindi naman. Nung mga elementary apat kami nun tapos nung junior high school na naging lima kami kasi naging kaibigan na namin si Ayra kaso naging dalawa bigla kasi...basta may nangyari kaya nawala yung isa tapos lumayo sa'min yung loob ni Ayra tapos nag decide si Niccolo sa states magpatuloy ng pag aaral" pagkekwento naman ni Xenon. Prente itong kumakain ng kakabukas lamang na pack ng popcorn.

Inalok naman nito si Lyzza kaya kumuha siya ng popcorn ngunit bigla na lamang silang halos mapa tumbling dahil sa malakas na pag preno ni Danner.

"Ay! Pakshet!" bulalas ni Lyzza. Mabuti na lamang ay naka seat belt siya.

"Tangina naman, Danner! Papatayin mo 'ba tayong tatlo? Uuwi pa ko kay Lester ha! Ayokong maging ulila yung kapatid ko" singhal ni Lyzza kay Danner nang makabawi.

Inis parin ang bukas ng mukha ng lalaki.

"Not my fault. Bigla lang nag break yung sasakyan sa harap kaya napa-preno rin ako. S-sorry..." paliwanag naman ni Danner sa halos pabulong na boses.

"Kapatid mo si Lester?" tanong naman ni Xenon na nakadungaw mula sa passenger's seat. May kakaibang ngiti na naglalaro sa mga labi ng binata.

"Oo...kapatid kong 8 years old. Grade 2" sagot naman ni Lyzza dito na may pagtataka.

"Ah...gege" sagot ni Xenon. Hindi parin mawala ang ngiti ng lalaki at saglit na tinapunan ng tingin ang nagmamanehong si Danner bago ito bumalik sa pagsandal sa passenger's seat.

-

Nang makarating sila sa Santa Fe ay huminto sila sa isang bahay. Payak lamang iyon ngunit dalawang palapag at gawa sa semento.

Sabay-sabay silang bumaba mula sa sasakyan at inalalayan siya ni Danner.

"Nandito na ba tayo?" tanong ni Lyzza nang tuluyang makatapak sa lupa.

"Nope. Not yet. Dadaan lang muna tayo dito kasi may iniutos si Vinxer" paliwanag ni Danner na sinagot naman ni Lyzza ng pagtango.

Nang kumatok si Xenon sa pintuan ay saglit lamang silang naghintay. Bumukas din agad iyon at sinalubong sila ng isang babaeng may malawak na ngiti.

"Kayo pala mga poging hijo! Tuloy kayo. Pasok dali at saktong naghanda ako ng meryenda" paanyaya ng babae sa kanila.

Marahan namang iginiya ni Danner si Lyzza habang hawak ang kanyang beywang. Nasa unahan nila si Xenon na naunang pumasok.

"Hi, Tita Agnes. This is Lyzza po pala. She's Ayra's friend" ani ni Danner sa tabi ni Lyzza.

"Ay, kay gandang bata tulad ng Ayra ko. Gerlpren mo na ba ito, Danner? Asawahin mo na agad, hijo" ani naman ng ginang at niyakap-yakap si Lyzza

"Ako ang Mama ni Ayra, hija pero bukas ko pa daw siya makikita ulit pagkatapos ng napakahabang panahon. Ang sabi nitong si Xenon at Danner ay susurpresahin daw ninyo si Ayra" pagkekwento pa ng ginang habang hawak pa rin nang marahan si Lyzza. Tila ito naglalambing.

Habang nakatitig si Lyzza sa ginang ay hindi niya maiwasang maluha. Unang-una kasi ay masaya siya para sa kaibigan na si Ayra dahil makakasama na nito ang ina.

Hindi alam ni Lyzza ang kwento kung bakit naging ulila si Ayra nang mahabang panahon ngunit tsaka niya na lamang aalamin iyon. Ang mahalaga ay magkakasama nang muli ang mag ina. Hindi na magiging ulila ang best friend niya.

Pangalawa naman ay dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Agnes sa anak na si Ayra. Gustong maiyak ni Lyzza dahil habang hawak siya ng ginang ay doon niya lamang napagtanto kung gaano siya kasabik sa haplos ng isang ina.

Hindi niya kailanman naranasan ang ganoon. Lumaki siyang ang tingin niya sa mga kamay ng kanyang Mama Minda ay isang instrumentong mapanakit at hindi kailanman makakapagdulot ng pag aaruga at kalinga.

"P-pwede ko po ba kayong yakapin, Aling Agnes?" tanong ni Lyzza habang humahangos. Hindi niya na napigilan ang sarili at niyakap na ang ginang nang tumango ito bilang tugon.

Tahimik na napaiyak si Lyzza ngunit hindi katulad noon ay umiiyak siya dahil sa saya. Ngayon lamang kasi siya nakaramdam ng kapayapaan sa puso niya sa piling ng isang ina.

Kahit na may pagtataka ay niyakap siya pabalik ng ginang at hinaplos-haplos ang kanyang buhok.

"Tahan na, hija. Kayong mga kaibigan ng anak ko ay parang anak ko na rin" ani ng ginang

"Salamat po, Aling Agnes" ani ni Lyzza nang makabawi. Nginitian niya ang ginang bago muling magsalita, "Sorpresahin na po natin si Ayra. Ano po ang gagawin ko?"

-
LunaToMySol

PROJECT: Capture [PROJECT SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon