*••~📂~••*
06.
Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba 'tong nangyayari o ano. Ayaw kong mag-isip ng kung ano pero tangina, pansin na pansin ko ang palaging pagsunod sa akin ni Perzeus tuwing lalabas ako.
It actually took me a few days to notice. At first, I thought it was just me being paranoid. After all, being stuck with a team of elite agents messed with your head. But as the days passed, the feeling didn't go away.
Masaya naman ako dahil kahit papaano ay malaya akong nakakalabas at nakakapasok sa quarters. Hindi nila ako pinagbabawalan o ano. I guess, it's because I had been there long enough that they didn't bother trying to lock me in anymore.
It's been exactly 1 week since the incident at the convenience store happened. But after that incident, I can always feel his presence everytime I'm going out.
Wherever I fucking went, he was there!
Ang unang beses ay nung nagpunta ako sa isang café. Kakaupo ko lang habang hawak 'yung kape ko nang maramdaman ko 'yung presensya niya. Pasimple akong tumingin sa paligid habang kunwari hinahalo ko 'yung inumin ko, at ayun siya, nakaupo sa may bintana habang tinatapik-tapik ng daliri niya 'yung tasang nasa harapan niya. Pasimple rin siyang sumusulyap-sulyap sa akin.
Nung una, pinagsawalang bahala ko na lang. Baka kasi coincidence lang? Baka nagkataon lang din siguro na gusto niyang magkape, 'di ba? At saka sino ba naman ako sa kaniya para bantayan niya?
But then, it happened again.
At the fucking bookstore! I was flipping through a random thriller novel when I caught a glimpse of him by the entrance. Hindi siya nakatingin sa akin, at hindi rin naman siya gumagala para masabing may gusto siyang bilhin sa bookstore. Nothing, the fucker's just standing there.
Umalis ako nang walang kahit anong binili. Pero paglabas ko, sinundan niya ulit ako. And it wasn't just those two places.
Sa park? Nandoon din siya. Nakasandal sa puno habang maya't maya ang pagsulyap sa suot niyang wristwatch.
At sa palengke? Ilang stall lang ang layo niya sa akin. Nagkukunwari pa ang gago na chinecheck niya iyong mga prutas.
Sa mall? Sa dami kong store na napuntahan, lahat ng iyon ay nakasunod siya sa akin. He's always at the distance, laging pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Kung isa nga lang akong sindikato at siya ang naatasang magmanman sa akin, mapupurnada agad ang misyon nila dahil masyado siyang halata.
Ano kayang tumatakbo sa isipan ng isang 'yon? Iniisip pa rin ba niyang tatakas ako? Tangina. Eh matagal ko na ngang tanggap na opisyal na akong miyembro ng team. Isang buwan na nga ako sa quarters, ngayon pa ba niya iisipin na tatakas ako?
At saka kung gusto kong tumakas, matagal ko na sana iyong ginawa. Hindi ako tatagal nang ganito sa quarters kung gusto ko talagang umalis. Tanga rin talaga eh.
Inaantok pa akong lumabas mula sa kwarto ko, na nakuha ko rin matapos ang isang linggong pagtitiis ko sa living room. Medyo magulo pa ang buhok ko nang naglakad ako papuntang kusina, pero agad din akong napatigil nang may marinig akong nag-uusap doon.
Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko na hindi ko dapat marinig ang kung ano mang pinag-uusapan nila roon. Pero dala ng kuryosidad, dahan-dahan akong lumapit at patago silang pinakinggan. Sinilip ko sila at nakitang kumpleto silang anim na naroon. Para silang may pinagmi-meeting-an dahil lahat sila ay seryoso ang mukha.
At ang isa pang kapansin-pansin, si Yssa na halata ang iritasyon sa hitsura. Kaharap niya ngayon si Perzeus na nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang hitsura niya. Pero base sa atmosphere ng silid, alam kong seryoso ang pinag-uusapan nila.
YOU ARE READING
Alluring Remedy
Random[Boys' Love ? ??] Ezekiel Warren is a freelance programmer who loves hacking for fun, until one mistake lands him in a classified government system. Meanwhile, elite agent Perzeus Vaughn expected a dangerous hacker, not a clueless guy who barely k...
