*••~📂~••*
22.
"Do you see him when you look at me?"
Iyon ang mga katagang unang lumabas sa bibig ko sa oras na magkalakas loob akong magsalita. Gusto ko siyang magpaliwanag. Gusto kong malinawan sa mga nangyayari. Gusto kong masagot ang lahat ng mga katanungan na bumabagabag ngayon sa isip ko.
"What are you saying?" sagot naman niya.
"That picture..." sabi ko at itinuro iyong ibinaba niyang framed photo. "Si Skylar 'yung kasama mo 'di ba?"
Nakita ko ang pagbaba ng adam's apple niya, senyales na napalumod siya. Tahimik din siyang tumungo, tila walang balak na sagutin ang tanong ko.
Pilit akong tumawa saka tumingala para pigilan ang luhang hindi ko alam na malapit na pa lang bumagsak. Tangina. Ang sakit ah. Parang pinipiga ang puso ko.
Bakit naman gano'n? Kung kailan nagkalakas loob na akong kausapin at umamin sa kaniya, saka pa nangyari 'to?
Napatingin siya sa akin, and I saw the panic in his eyes. Hindi 'yung panic na nahuli ko siya. Panic na parang nasasaktan din siya sa iniisip ko.
"Ezekiel..."
"All this time, I thought you cared about me," I cut him off. "But maybe I was just... filling the space he left behind."
Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan. It was like he was scared that if he moved too much, whatever was left between us would completely break.
Namayani ang katahimikan sa lugar kung nasaan kami. Parang biglang lumamig ang hangin kahit wala namang nakabukas na aircon. Perzeus didn't respond right away. Nakatingin lang siya sa akin, as if trying to process the weight of what I just said.
I hated how my voice shook. I hated that I even had to ask. Pero mas lalo kong kinamuhian ang posibilidad na tama ako.
He took a slow breath. Isa. Dalawa. Parang sinusukat kung gaano kalalim ang dapat niyang itapon para sagutin ako.
"I did love Skylar," biglang sabi niya sa gitna ng katahimikan namin. "And losing him almost destroyed me. He was reckless, like you. Brave, like you. But he wasn't you."
Napakurap ako. Hindi ko in-expect na aaminin niya 'yon. Alam kong mahal niya si Skylar, pero iba pala 'yung marinig sa mismong bibig niya.
Perzeus took a step closer. Mas malapit na siya, at ako naman, hindi ko alam kung dapat ba akong lumayo. "I followed you because I was scared. Not because you reminded me of him, but because I didn't want to lose you too."
Tahimik akong nakatingin sa kaniya, hindi alam kung anong isasagot. Sobrang bigat na ng mga salitang binibitiwan niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib ko, hindi ko matukoy kung masakit o masaya. Pero hindi ko kayang magsalita. Wala akong lakas.
"Do you think..." nagsimula siyang magtanong, ngunit naputol din agad. "Do you think that's the only reason?"
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, kaya pinili ko na lang na maghintay. Hindi ko nga kayang sagutin ang mga tanong ko, paano ko pa sasagutin ang kaniya?

YOU ARE READING
Alluring Remedy
Random[Boys' Love ? ??] Ezekiel Warren is a freelance programmer who loves hacking for fun, until one mistake lands him in a classified government system. Meanwhile, elite agent Perzeus Vaughn expected a dangerous hacker, not a clueless guy who barely k...