*••~📂~••*
08.
"Who do you want?"
Iyon ang tanong ko kay Perzeus nang hindi inaalis ang tingin kay Atlas at Baste. Lahat kaming apat ngayon ay alerto at binabantayan ang isa't isa dahil pareho kaming walang ideya sa kung sino ang unang susugod sa amin.
"I'll take Atlas. You handle Baste," he answered. And the moment Perzeus finished speaking, Baste immediately lunged at us.
I barely had time to react before he was in front of me. Sobrang bilis ng kilos niya at halos manlamig ako nang walang ano-ano'y nakalapit na siya agad sa puwesto ko. Lumihis siya pakaliwa at biglang pinaikot ang katawan niya saka mabilis na siniko ang tagiliran ko na agad ko rin namang naiwasan. Takte. Muntik na ako roon.
Kasabay niyon ay kumilos na rin si Atlas. Agad siyang lumapit at mabilis na umatake kay Perzeus na madali lang din naman nitong na-block. Nang makahanap naman ng tiyempo si Perzeus ay binago niya agad ang posisyon ng kaniyang katawan, saka siya bumawi ng isang mababang sipa papunta sa binti ni Atlas.
Atlas sidestepped before smirking. "Not bad."
"I know," Perzeus answered before giving Atlas a serious look.
Ilang saglit lang, naramdaman ko na ulit ang presensya ni Baste. Pagharap ko, agad akong yumuko para makaiwas sa atake niya, pero bago pa ako makabawi, nahuli na niya ang kamay ko sa ere. Tiniyempuhan niya ng liko para mawalan ako ng balanse. Napangiwi ako, pero ginamit ko 'yung momentum para gumalaw at makawala sa pagkakahawak niya. Mabuti na lang dahil mabilis lang din akong nakawala mula roon.
Samantala, sina Atlas at Perzeus naman ay tuloy lang sa matinding palitan ng mga suntok. Sa sobrang bilis ng mga atake at depensa nila ay halos hindi ko na iyon masundan. Para tuloy akong nanonood ng dalawang machine na parehong kinakalkula ang galaw ng bawat isa.
Meanwhile, Baste didn't give me an inch of space. Muli siyang lumapit sa akin, at hindi gaya kanina, mas mabilis ang naging pagkilos niya ngayon. Agresibo ang galaw niya pero halata kong kontrolado pa rin niya iyon. Inasinta niya ang tuhod niya sa sikmura ko pero naiwasan ko iyon. At muntikan na akong tamaan nang biglang isang sipa ang sunod niyang pinakawalan.
I jumped, narrowly avoiding it. But the moment I landed, he was already moving again.
Damn it. He wasn't just fast. He was fucking relentless.
I barely had time to steady myself. His foot slammed against the ground as he lunged forward, closing the distance between us in an instant.
Sinubukan kong salubungin ang atake niya, pero ang gago, pineke ako. 'Yung kanang kamay niya ay gumalaw na parang susuntok sa mukha ko, pero sa huling segundo, 'yung siko niya ang dumiretso sa tagiliran ko.
Napangiwi naman ako at napaatras na lang dahil sa bigat nung tama niyon sa akin. Anak ka ng pitumpu't pitong puting tupa. Masakit 'yon ah!
Pero siyempre, wala na akong oras para magreklamo pa kaya ininda ko na lang iyon.
Hindi naman ako tinigilan ni Baste. He pressed forward then threw a sharp knee towards my gut again. Nakaiwas naman ako sa huling segundo, pero bago pa ako makabawi, may panibagong atake na agad siyang pinakawalan.
YOU ARE READING
Alluring Remedy
Random[Boys' Love ? ??] Ezekiel Warren is a freelance programmer who loves hacking for fun, until one mistake lands him in a classified government system. Meanwhile, elite agent Perzeus Vaughn expected a dangerous hacker, not a clueless guy who barely k...
