*••~📂~••*
39.
Tahimik ang paligid habang nasa loob ako ng mini van ko. Maulan ngayon sa labas, at wala akong ibang ilaw kundi 'yung liwanag na nagmumula sa laptop at monitors ko. I've been digging into the agency archives for almost two hours now, at hindi pa rin ako makampante.
Hindi ako sigurado kung may makukuha ba akong impormasyon dito, pero susubukan ko pa rin. At kung may makukuha man ako rito, sa tingin ko ay makakatulong iyon para maipakulong namin ni Skylar ang mga magulang ni Perzeus.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n silang tao, na kaya nilang gawin ang bagay na 'yon. I don't have any clue but I think they orchestrated everything behind the scenes. And all this time, nagtatago sila sa imahe ng pagiging mabait, ng pagiging kaibigan ni Director Navarro na sarili kong ama. Tangina. Nakakadiri.
Mas lalo akong nasusuka sa ideya na masaya pa ako habang kausap sila, na pinuri ko pa sila, na welcome na welcome sila sa agency... pero sa likod ng lahat ng 'yon, sila pala 'yung dahilan kung bakit nawala ako. Kung bakit si Skylar at ang pamilya niya ay nasira.
They made our lives hell. They took everything. They ruined everything.
And now... this is the only way to fix it.
Putting them in jail is the only way. Walang ibang solusyon. Hindi sapat na malaman lang ang katotohanan. Kailangan nilang managot. Kailangan maramdaman nila ang sakit ng ginawa nila.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa mouse, pinilit kong pigilan ang panginginig ng kamay ko. I have to keep going. Kung ito na ang simula ng pagbagsak nila, I'll make sure it happens with my hands on the keyboard.
They won't get away with this. Not anymore.
Nagpatuloy naman ako sa pagtipa sa keyboard ko hanggang sa tuluyan kong mabuksan ang system ng agency. Napansin ko naman doon ang isang file, isa sa mga pinaka-restricted sa buong archive.
[CASE: MCP-014 | STATUS: CLOSED]
It took a few bypass commands, but eventually, nag-open din ang file. Doon pa lang, parang may kung anong bigat na sa dibdib ko, dahil ang unang bagay na lumabas?
Isang litrato na medyo grainy at halatang luma. Pero kahit luma, kilala ko 'yung mukha niyon.
Agad kong kinuha 'yung litrato ko nung bata na nakuha ko sa dati naming bahay saka agad na ikinumpara iyon sa litrato sa screen. At tulad ng iniisip ko, ako nga ang nasa litratong iyon.
Sobrang bata ko pa sa larawan at halatang nasa isa hanggang dalawang buwan pa lang. May caption din sa ilalim niyon na nakuha agad ang atensiyon ko.
Subject: Gregorio Salvien Navarro
Status: Missing Person. Presumed Dead.
Hindi ako agad nakagalaw. Para akong natulala at parang may unti-unting gumuguhit sa loob ng utak ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa kahit nanginginig ang daliri ko.
Subject went missing during a high-level gathering.
Suspected abduction.
No confirmed suspect.
Case status: inconclusive.
Bumukas ang sumunod na file... transaction logs iyon. Mga trail ng pera na dinala through fake companies and ghost accounts. May pattern na obvious sa akin bilang isang hacker. Isa itong clean-up operation.
Pinasasara nila 'yung kaso sa pamamagitan ng pera. Pero kahit obvious ang patterns, wala pa ring pangalan. Lahat ng sender at receiver IDs ay naka-redact.
Then may lumabas na corrupted audio file. Inayos ko naman iyon gamit ang custom tool ko. Ilang segundong katahimikan muna bago ko tuluyang narinig ang boses. Malabo iyon at hindi mabilis makilala ang sinumang nagsasalita.
YOU ARE READING
Alluring Remedy
Random[Boys' Love ? ??] Ezekiel Warren is a freelance programmer who loves hacking for fun, until one mistake lands him in a classified government system. Meanwhile, elite agent Perzeus Vaughn expected a dangerous hacker, not a clueless guy who barely k...
