Napahinga naman ako nang malalim nang maiwasan ko ang atake niyang iyon. Ngayon ay ramdam ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Paglingon ko naman kay Atlas, nakita kong sumugod siya at tumira ng suntok papunta sa tagiliran ni Perzeus. Umiwas doon si Perzeus, sabay bawi ng malakas na pagsuntok kay Atlas, pero hayop, parang wala lang iyon sa kaniya, sumabay lang siya sa tama, tapos umikot nang mababa para subukang sipain ang mga binti ni Perzeus.
Sakto naman ang pagtalon ni Perzeus, at dahil nga umikot si Atlas ay napunta si Perzeus sa likuran niya. Hindi naman nagdalawang isip si Perzeus na tumira ng isang malinis na suntok papunta sa batok ni Atlas, pero mabilis niya iyong naiwasan sabay dakma sa braso ni Perzeus at pinilipit ito.
For a second, it looked like Atlas had the upper hand, kaya naman naisipan kong iwan muna si Baste at agad na nagmadaling lumapit sa gawi nila Perzeus.
I took advantage of the distraction, dashing toward Atlas and landing a solid kick to his side, making him release Perzeus.
"Nice timing," Perzeus said before cracking his neck.
Huminga naman ako nang malalim. "We should try to split them up."
"No need." He glanced at Baste, who was already coming at me again. "Let's switch," aniya at walang pagdadalawang-isip na humarang sa harap ko at sinalubong ang galaw ni Baste gamit ang braso niya, habang ako naman ay kumilos na papunta kay Atlas.
Now it was my turn.
Atlas was strong, but I was faster. Iniwasan ko ang unang atake niya saka mabilis na umikot palayo bago bumawi ng isang suntok doon sa tadyang niya. I heard him grunted, but it wasn't enough to slow him down.
He reached for me, but I twisted. I used his own momentum against him as I grabbed his arm and flipped him onto the ground.
He barely had time to react before I pressed my knee against his chest, finally pinning him down. "Got you," nakangising sabi ko saka agad na pinindot iyong button sa suot niyang vest.
Ilang segundo pa ang lumipas, napansin ko na ang pagngiwi ni Atlas dahil malamang ay naramdaman na niya iyong boltahe na dumaloy sa katawan niya mula roon sa vest.
"N-not bad," aniya naman, maluwag na tinanggap ang pagkatalo.
Halos habulin ko ang hininga ko matapos kong patumbahin si Atlas. At nang lumingon ako, nakita kong hindi pa rin tapos si Perzeus at Baste sa laban nilang dalawa.
Baste wiped his mouth with the back of his hand before smirking. "It's been a while since we got a training like this," he said.
Perzeus raised an eyebrow before stepping forward. "Stop talking and get on with it already."
Then, in a blink of an eye, they clashed. Again.
Si Baste ang unang kumilos. Diretso ang suntok niya sa mukha ni Perzeus pero sa huling segundo, tumagilid lang si Perzeus at naiwasan 'yung atake na parang wala lang. Bago pa makabawi si Baste, nahawakan na ni Perzeus ang pulso niya at agad iyong pinilipit.
Ngunit hindi man lang natinag si Baste. Imbes na lumaban pabalik, pinaikot lang niya ang katawan niya saka tinarget agad ang panga ni Perzeus nang makawala siya.
YOU ARE READING
Alluring Remedy
Random[Boys' Love ? ??] Ezekiel Warren is a freelance programmer who loves hacking for fun, until one mistake lands him in a classified government system. Meanwhile, elite agent Perzeus Vaughn expected a dangerous hacker, not a clueless guy who barely k...
File 08
Start from the beginning
