Chapter 1First Clash
“Ikaw na talaga ang matalino sa matalino, Haven,” ani Florence o mas kilala naming lahat bilang Flor habang sabay kaming bumaba ng stage ng auditorium.
Kakakatapos lang ng presentation ng research project namin at halatang proud na proud siya. Ako naman, pagod pero satisfied.
“Grabe ka talaga,” dagdag pa niya habang tinatapik ang braso ko.
“Parang ‘di ka kinabahan kahit isang beses.”
“Ewan ko sa’yo,” sagot ko sabay tapik pabalik, medyo malakas kaya napa-“Aray!” siya.
“Hindi naman ako ganun katalino—”
“Charot! Ang humble mo pa,” sabat ni Janine, ka-group din namin.
“Eh kayo ni Haven ang utak ng grupo, ‘no!”
Ngumiti na lang ako habang inaayos ang mga papel sa gilid ng stage. Pagod ako pero sulit. Mukhang impressed naman ang mga profs.
“Ay, meryenda tayo!” biglang yaya ni Flor.
“Tara, gutom na ako,” sang-ayon ni Janine.
“Canteen?”
Habang naglalakad kami pa-canteen, may narinig kaming malakas na hiyawan mula sa gym.
“Uy may laro,” sabi ni Janine, sabay tayo sa gilid ng pintuan.
Sumilip kami at nakita ang scoreboard dikit ang laban.
“Si Lev ata ‘yan oh,” sabi ni Flor habang tumuturo sa isang player. “Captain daw ‘yan ng team.”
“Si Lev?” napakunot-noo ako. “Yung mayabang na akala mo kung sino?”
Ngumiti lang si Flor. “Gwapo naman kasi, hay.”
“Psh. Gwapo nga, rude naman. No thanks,” sagot ko agad.
Biglang nagsigawan ulit ang mga tao. Buzzer. Tapos na ang laro. Maya-maya, lumabas ang ilang players, halatang bad trip.
“Natalo ata sila,” ani Janine.
“Kaya siguro ang init ng ulo,” dagdag ni Flor.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pa-canteen nang bigla—
Bam!
May malakas na bumangga sa likod ko. Napa-atras ako. Muntik na akong matumba kung ‘di ako agad nahawakan ni Janine.
“Hoy! Ano ba!” sigaw ko sabay lingon.
At napatigil ako.
Si Lev. Pawisan. May towel sa balikat. Mukhang ‘di pa rin nakaka-move on sa laro.
“Hindi ka ba tumitingin kung saan ka dumadaan?” bungad niya, halatang inis.
“Excuse me?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Ikaw tong parang tren kung makabangga. Tapos ako pa sisisihin mo?”
“Ano bang problema mo?” mas lalo siyang nairita. “Hindi mo naman alam kung anong nangyari—”
“Exactly. At hindi ko rin inaalam, kasi wala akong pakialam. Pero obvious naman, natalo ka lang kaya ganyan ka makasungit.”
Nakita ko kung paanong nagbago ang expression niya. Parang nagpipigil. Pero hindi ko siya tinantanan.
“Alam mo, kung ganyan ka sa teammates mo, ‘di nakakapagtakang talunan kayo,” dagdag ko pa, diretso lang ang tingin.
“Hindi mo ako kilala, kaya huwag kang mag-assume,” matigas niyang sagot, pero halata sa tono niya ang pagpipigil.
“Good. At ayokong makilala ka,” sagot ko bago ako tumalikod.
Tahimik kami habang naglalakad pa-canteen. Pero nang makalayo na kami, biglang sumabog sa tawa sina Janine at Flor.
“Girl! Ang tapang mo!” tili ni Janine. “Si Lev yun! As in varsity-captain-heartthrob-Lev!”
“At ano naman kung siya yun?” umirap ako. “Hindi ako fangirl, ‘no.”
“Teka lang ha, aminado kaming mayabang siya, pero grabe ‘yung exchange niyo kanina para kayong... enemies-to-lovers starter pack!” tukso ni Flor.
“HUY!” napatigil ako. “Hindi kami magiging anything. Sa totoo lang, kung may tao akong ayaw makasama, siya ‘yon.”
Pero habang kinukuwento nila ulit ang pangyayari, hindi ko maiwasang maisip ‘yung mukha niya habang inis na inis.
At kung bakit kahit asar siya… may parte sa akin na parang gusto pa siyang asarin ulit.
Pero hindi. Hindi ko siya gusto. Bwisit siya. Period.
alwaysysougtsz143

YOU ARE READING
Never let You Go
RomanceCadence Haven Castillo, a kind and hardworking second-year college student and member of the SSGL, was an honor student with a bit of an attitude. She didn't trust basketball players, believing they were only interested in games. Meeting Lennox Za...