抖阴社区

Chapter 8

26 0 0
                                    

Chapter 8

Sunburned Feelings


"Class, may announcement lang. May beach trip tayo next weekend for project presentation and team bonding. Required ang lahat," sabi ni Sir Robles, sabay ayos ng files sa harap.

Biglang nag-iba ang atmosphere ng buong klase. Ang ingay ng bulungan, sigawan, at halakhakan. Halos lahat excited. Pero ako?


Napakunot lang ako ng noo habang tinitingnan ang schedule ko sa phone. Parang hindi ko pa yata kayang mag-bonding at mag-enjoy sa mga ganitong bagay.


"Ha? Beach trip?" tanong ni Flor, sabay tawa. "Ay, naku! Excited na ako!"



"O my god I'm excited na!!“ ani  ni Janine habang naghahagikgik. "Teka, mag-swimsuit  tayo total sa beach ang punta!“


“Pero meron pang project.“ sagot ko, pero hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Hindi ko kayang maging seryoso habang tinitingnan ko yung excitement ng mga kaklase ko.




Habang nagaayos kami ng mga gamit, napansin ko si Lev, na parang walang pakialam. He was just there, quietly doing his thing.


Si Kiel naman, ang pinaka-excited sa lahat, nag-umpisa nang mag-text sa grupo, tinatanong kung sino ang pupunta. Seryoso siya sa pag-aayos ng mga gagamitin.

Pagdating namin sa beach, amoy agad ang maalat na simoy ng hangin at ang lakas ng alon.

Medyo mainit, pero masaya kasi relax na relax na ang vibe.


Si Flor at Janine, abala sa pag-aayos ng mga gamit nila.

“Haven, kapag kailangan mo  sunscreen meron ako!” sabi ni Flor, sabay bigay ng bottle. “Para hindi ka magka-sunburn!"


"Sure, sure," sabi ko, habang sinisimulang mag-take off ng mga sapatos. Medyo naiinis lang ako dahil masyadong tirik ang araw mainit sa balat, pero hindi ko na pinansin.



Laking gulat ko na pati si Kiel, abala sa pagsusuot ng board shorts at nag-pose para magpicture. "Sana all pogi!" sabi ni Janine, nagtawanan naman kaming lahat.




Si Lev, hindi nagsalita. Hindi siya maingay, kaya hindi ko na siya pinansin.

Maya-maya, nagkakaroon na ng bonding. Si Kiel, aba, hindi na nahihirapan makipag-bonding sa lahat.





Habang ako nung una, medyo nahihirapan pa ako mag-adjust, pero nang magsimula ang mga laro, nag-enjoy din ako.


"Ready ka na ba mag-surf?" tanong ni Flor habang tinatanggal ang towel niya at naglalakad patungo sa water.

Never let You Go Where stories live. Discover now