Chapter 9
At the end of the day
Mainit pa rin kahit hapon na. As in ‘yung tipong kahit kakaligo mo lang, feeling mo may buhangin pa rin sa likod ng tenga mo at batok.
Literal na malagkit pa rin kahit todo ligo ka na sarap na lang mag-aircon buong araw.
Nasa ilalim ako ng malaking beach umbrella, hawak ‘yung bote ng tubig na halos hangin na lang ang laman.
Sa harap ko, todo laro pa rin sina Flor, Janine, Kiel, at ‘yung iba naming kasama sa beach volleyball parang wala silang pake sa init.
Ako? Wala na ngang energy makisama, parang natutuyo na rin utak ko. Grabe ‘yung araw, nakakasuya.
Tapos ‘tong bote ng tubig, wala na ngang laman, niloloko pa ako. Sana man lang may malamig na buko o siomai sa tabi, kahit paano.
Si Lev? Nasa gilid lang, nakaupo sa bangko, pinapatuyo ‘yung buhok habang nagsa-swipe sa phone niya na parang may sariling mundo.
Pero ilang segundo lang ‘yun… kasi biglang may lumapit na babae.
Di ko siya kilala. Maputi, naka-shorts, nakangiti habang nakatitig kay Lev. Sabay upo sa tabi niya.
Napakunot-noo ako. Sino siya? Kaibigan? Kaklase? O—
Tumingin si Lev sa kanya, tapos ngumiti rin ‘yung bihirang ngiti na hindi ko madalas makita.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong kirot sa dibdib ko. Hindi ako selosa, okay? Hindi. Pero...
Napatingin ako sa bote ng tubig ko. Wala naman akong uhaw, pero bigla ko na lang itong sinipsip, kahit hangin na lang laman.
“Shit, Haven,” tawag ni Flor habang papalapit. Basa pa ‘yung buhok niya, pero sobrang saya.
“Grabe, ang galing ni Kiel mag-spike. Parang model, ang dating. Iba ka talaga.”
“Hala siya,” sabay upo ni Janine sa kanan ko. “Alam mo ba, after niyang maglaro, ikaw agad hinanap. Tapos sabi niya, ‘Asan si Haven, baka nauuhaw na siya.’ AHHH—girl, sagutin mo na ‘yan.”
Tumawa ako. “Ang OA niyo. Nag-aabot lang ng tubig, kilig agad kayo?”
“Grabe ka naman, pero aminin, lakas ng appeal at gwapo si Kiel!” sabi ni Flor, sabay kindat.
“Pero kung si Lev kaya ‘yung nag-abot ng tubig, kilig to the max ka, no?”
Bigla akong napatingin ulit sa direksyon ni Lev. Wala na ‘yung babae — saan siya napunta? Pero si Lev, balik na ulit sa phone, parang walang nangyari.
Bakit ba affected ako? Buti na lang at hindi siya tumingin sa amin.
Kung hindi, baka mas lalo akong mapahiya. Bumalik ako sa dalawa, pilit ang ngiti.
“Hindi, bakit naman ako kikiligin? As if!” sagot ko, sabay labas ng isang fake na tawa. “Tigilan niyo nga ako!”
“Hindi daw? Ay sus, pakipot pa — halatang may gusto ka, teh! Wag kami!” sabi ni Janine, sabay tawa.
“Si Kiel, inferness, grabe ang karisma niya. Pero si Lev? Bakit parang ang laki ng epekto niya sa’yo?”
Suminghap ako. “Gaga ka ba? Wala akong pakialam kay Lev.”
Pero bakit parang ang hirap mag-convince sa sarili ko?
“Talaga ba, tehh?” tawa ni Flor, mukhang nagdududa. “Kasi ha, kung si Lev, sure akong ibang level ng kilig ‘yan.”

YOU ARE READING
Never let You Go
RomanceCadence Haven Castillo, a kind and hardworking second-year college student and member of the SSGL, was an honor student with a bit of an attitude. She didn't trust basketball players, believing they were only interested in games. Meeting Lennox Za...