抖阴社区

Chapter 7

16 0 0
                                    


Chapter 7

A blooming distraction




Nasa canteen kami ni Flor, at pareho kaming abala sa pagkain. Si Janine, nasa kabilang side ng table, nakatambay at may hawak na isang malaking pizza.







Si Lev, tulad ng usual, tahimik lang sa kabilang dulo ng canteen, kasama ang ibang mga kaibigan. Hindi ko na siya pinansin o tinapunan ng kahit anong emosyon ngayon.






Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyari ang lahat ng yun, at hindi ko kayang mag-isip tungkol sa mga nangyari sa amin.







Habang nakatunganga ako, iniiwasan ang mga titig ni Lev, bigla akong nakaramdam ng vibration mula sa phone ko. Isang bagong message mula kay Kiel.







"Haven, kailan tayo magkikita? May gusto akong iparating sa'yo."







Basa ko lang ang message niya, pero hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero kahit message lang ramdam ko ang seryoso .








Hindi pa kami ganoon ka-close, at hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya.





"Sana man lang humingi siya ng tulong sa akin ." sabi ni Flor habang sinisipat ang phone ko. "Marami pa naman akong alam tungkol sayo teh!“






"Ewan ko nalang sayo Flor." sagot ko, tinitingnan si Lev mula sa gilid ng mata ko. "Ex-crush ko lang Kiel."

"Aysuss ex crush nga diba so pwedeng bumalik ulit ang nararamdaman mo teh!" tanong ni Janine, hindi na napigilan ang pagtawa.





"Hindi nga promise hindi ko na siya gusto." sagot ko, medyo tumaas na ang tono ko. Hindi ko talaga kayang magpaliwanag pa. "Let's just focus on the project."







Nagpatuloy kami sa pagkain, at habang nag-uusap, hindi ko na muling inisip si Kiel hanggang sa...







Nakita ko siya. Si Kiel. Mismong siya na ang naglakad papunta sa mesa namin, hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Hindi ko inaasahan na dadalhan niya ako ng ganoon.







Lumingon ako kay Flor, at si Janine, parehong nagtakang tumingin sa akin. Si Kiel, nakatayo sa harapan ko, medyo kinakabahan at nag-aalangan.







Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya't naiwan akong nakatitig lang sa mga bulaklak na hawak niya.







Never let You Go Where stories live. Discover now