"And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing's gonna stop us now...""Grabe, Pat! Galing mo pa rin sa kantahan!"
Tumawa ako pagkatapos niyang kunin ang mic sa akin. "You're indeed a singer, Pat," sabi niya, sabay kindat.
"You're biased."
"I'm honest," he shot back, grinning.
He's Andrew-my boyfriend for five years. Sobrang sweet, sobrang supportive. And despite his busy schedule, he never fails to make time for me. Kaya siguro I'm still this in love with him.
"So, do you think pasok na ako sa The Voice?" biro ko.
"Yes, why not? Kung alam lang ng buong mundo kung gaano kagaling ang girlfriend ko sa pagkanta."
Napangiti ako. Iba talaga kapag siya ang nagbibigay ng compliments-parang automatic, nagiging buo ako ulit.
Singing has always been my escape. Kapag stress ako, I sing. Kapag masaya, I sing louder. It's my therapy. Parang alak. Nakaka-relax. Nakakawala ng sakit sa dibdib. At si Andrew, he never gets tired of hearing me even if it's the same songs, same lyrics, same emotions.
"Let's go home, Pat. Late na," he said, taking the mic from my hand and turning off the karaoke.
"I don't want to go home yet..." mahina kong sagot. "Hindi pa okay sa bahay. Can I stay with you? Bukas uuwi ako sa amin, promise."
Napahinga siya nang malalim, then shook his head. "Sorry, love. May pasok ako bukas, and I can't take you home either."
"Eh kaya ko naman umuwi-"
"No," he said, more firmly this time. "Kalat ngayon 'yung balita. Mga babaeng kinikidnap. Natatagpuan nalang sa ilog-hubad, puro saksak. At ayaw kong mangyari sa'yo 'yun."
Bigla akong natahimik.
Ayaw na ayaw niyang umuwi akong mag-isa, kahit kayang-kaya ko naman talaga. Ayaw niya ring pupunta ako sa kanila nang mag-isa. Sa totoo lang, sa mga ganitong moments, nai-inlove ako lalo sa kanya. Strict, pero out of love.
11:30 PM
We're driving down the highway, city lights slowly giving way to the quiet calm of trees and dim lamp posts.
The window was down, and the air outside was cold and gentle. Pinipilit kong i-absorb ang sandali. Yung presensya niya, yung musika sa radyo, yung paraan ng paghawak niya sa manibela. Everything felt so right.
If only this moment could last forever.
"Ganda ng gabi," bulong ko.
Tumango siya. "Oo. Parang ikaw."
Napatawa ako. "Corny."
"Totoo," he said, reaching for my hand and kissing it lightly.
Something in his voice, his touch felt different. Parang may lungkot. Parang may bigat. Pero baka ako lang 'yon. Maybe I was just tired. Maybe I've watched too many sad movies.
Then suddenly...
"Fuck, we ran out of gas!"
"What?! Kakapagas lang natin kanina!" bumilis ang kabog ng dibdib ko. "Baka kulang 'yung nilagay ni kuya?"
"Impossible. Let me check the engine."
He stepped out and gave me the lock the doors signal. I nodded and obeyed, kahit medyo kinakabahan na ako.
Tinignan ko siya habang tinitingnan ang hood ng sasakyan. Ilaw lang ng street lamp ang nagbibigay ng liwanag. Everything else felt still. Too still.
But he was there, and I trusted him. My heartbeat calmed a bit.
His silhouette under the soft light was beautiful. Minsan naiisip ko, how lucky am I to be loved by him. If there's one person I'd marry in this lifetime, it would be Andrew.
And maybe... if this was our last night on Earth, I'd still choose to be here. With him.
"I love you, Pat," sigaw niya mula sa labas.
"I love you more!"
"That's impossible," he smiled. "I win."
Napangiti ako, pero unti-unti na ring bumibigat ang mga mata ko. Pagod na siguro.
I let myself drift off.
With that same song still ringing in my head...
"And if this world runs out of lovers
We'll still have each other..."In my dreams, he was wearing a white suit. I was in a long, flowy dress. Flowers all around us. He held my hands and looked at me with eyes full of warmth.
"You're the only one I'd ever want to marry," he whispered.
And before I could even say "I do"...
...darkness.
But it was warm.
And safe.
And his voice was the last thing I heard.
- Police (Ace) -
"Ano'ng nangyari rito?" tanong ko, habang unti-unting nilalapitan ang sasakyang tila naging altar ng isang masaker.
"They were murdered, Sir. Brutally. No sign of the murder weapon. No CCTVs. No witnesses. Walang nakakita. Walang nakarinig."
Sumikip ang dibdib ko habang sinusuyod ng mata ang paligid. Madilim, tahimik. Wala kang ibang maririnig kundi ang ugong ng hangin at ang tunog ng sapatos namin sa malamig na semento.
"Who reported this?" tanong ko ulit."May dumaan, Sir. A delivery guy. He said napansin niyang may kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Madalas siyang dumaan dito sa madaling araw, pero ngayon lang siya may nakitang ganito. Curious siya kasi wala namang gumagawi rito sa ganitong oras.
Nang sumilip siya, may babae raw sa loob. Walang galaw. At may lalaki sa ibabaw ng hood-duguan."
Rose, my sister, stood beside me. Tahimik siya sa una, hanggang sa hindi na niya napigilan.
"This... this can't be real. Hindi 'to totoo. Ace, 'yung ganitong eksena... parang pinunit mula sa bangungot o horror film, pero mas masahol pa," she said, her voice cracking.
Tiningnan ko siya, at doon ko lang napansin na nanginginig ang kanyang mga kamay.
Dahan-dahan akong lumapit sa sasakyan. Doon ko sila nakita. Ang katawan ng babae, nakasandal sa passenger seat. Ang ulo niya, nakalawit sa gilid. Mata niya'y nakadilat pa rin, walang liwanag, walang kaluluwa. Halos hindi na siya makilala. Kulang na lang ay durugin ang buong mukha. May hiwa sa kanyang leeg sobrang malalim, halos maputol. Ang katawan niya'y basang-basa sa dugo, tila iniwan para ipakita kung gaano siya pinahirapan bago bawian ng buhay.
Pero ang mas matindi ay ang katawan ng lalaki.
Nasa hood siya. O, mas tamang sabihin, nahati siya.
Ang itaas na bahagi ng katawan niya, nakapulupot sa windshield. Para bang pilit siyang pinilit manatili roon. Ang mga daliri niya'y nakabaon sa gilid ng salamin, waring huling-huling hawak sa buhay. Walang dila. Basag ang bungo, tumulo ang utak sa gilid ng kotse, hinayaan lang na lumamig sa hangin ng madaling araw. Ang ibabang kalahati niya, ilang metro ang layo, hiniwa nang marahas, initsa na parang wala lang.
Pareho silang walang dila, at tenga.
Ang sahig ay parang batis ng dugo. Amoy kalawang, putok, at lansa. Puno ng bahid ng sakit, sigaw, at paghihirap.
Walang basag na bintana. Walang senyales ng sapilitang pagpasok.
"Parang sining," bulong ni Jack, ang partner ko. "Isang grotesque na obra ng demonyo. Hindi ito gawa ng ordinaryong kriminal."
Tumahimik kami. Wala ni isang pulis ang nagsalita. Wala kaming alam kung paano sisimulan ang imbestigasyon. Pero alam naming lahat sa presinto na ito ang pinakamatinding krimen na natanggap namin.
At habang nakatayo ako sa harap ng sasakyang iyon, habang tinatanaw ko ang dalawang katawan, may bumabagabag sa akin. Hindi lang dahil sa brutalidad ng pagpaslang. Kundi dahil sa nararamdaman kong kilabot na hindi ko maipaliwanag.

BINABASA MO ANG
You Can't Run, It's Always Behind You
HorrorSunod-sunod ang mga brutal na pag-atake. Walang awa, walang iniwan na bakas kundi takot. Pero nang mawala si Trisha Carnegie, hindi na lang ito basta krimen. Isang pamilya ang nawawasak, at isang misteryo ang bumabalot sa pagkawala niya. Habang luma...