抖阴社区

Chapter 8: Reminisce

8 2 0
                                    


- FLASHBACK - 2 YEARS AGO BEFORE TRISHA'S DEATH

- Michael -

"Sa tingin mo, bro, magugustuhan niya kaya ito?" Itinuro ko ang necklace na hawak ko, nanginginig pa yung kamay ko. Silver minimalist necklace na may heart pendant. Parang simple lang, pero I know it's the perfect gift for her. Kasi maputi siya, and bagay na bagay sa kanya. Sigurado akong magugustuhan niya, pero may pag-aalinlangan pa rin.

"Oo nga, bro. Sure na sure ako! Parang inlove na inlove ka na kay Trisha niyan, ha?" Asar ni Xian.

"H-Hindi! I mean... it's her 18th birthday, gusto ko lang gawing espesyal yung araw niya, before ako umalis papuntang Canada."

"What? Pupunta ka ng Canada?!" Gulat na tanong ni Xian, tumayo siya at lumapit sa akin.

"Oo... Ayaw ko mang pumunta ng Canada kasi iniisip ko si Trisha, dahil wala siyang makakasama rito, wala nang mag-aalaga sa kanya, pero kailangan ko to, bro. Scholarship kasi, tapos hindi ko na kayang humingi ng pera sa parents ko. Gusto ko rin matutong maghirap, maghanap ng sarili kong paraan."

"Bro, sigurado malulungkot si Trisha niyan. 'Di lang malulungkot, iiyak 'yan nang sobra-sobra" Sagot nito.

Napaupo ako. Ang sakit pakinggan, kasi alam ko. Alam ko na magiging mag-isa siya. Wala na siya magiging takbuhan sa tuwing pinapahirapam siya, tuwing pinaparamdam sa kaniya ng mundo na wala na siyang kakampi. At ako ang tangi niyang kailangan at takbuhan sa tuwing pinaparamdam sa kaniya' yun. Nandito ako para sa kanya, pero hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. May pangarap ako na hindi ko pwedeng isakripisyo. "I have to, Xian. I need to."

Naputol ang usapan namin nang biglang nag-ring ang phone ko.

Si Trisha.

Agad kong sinagot, kasi hindi ko gawaing pinaghihintay siya. "Yes, are you ready na ba?"

Naririnig ko sa kabilang linya yung malalim na paghinga niya. "Yes, Michael. I am. Thank you. Sunduin mo na ako rito."

Iyon na yung moment na tinanong ko sa sarili ko, Bakit ba ako natatakot umamin? Bakit ba hindi ko magawa? Nasabi ko na ito sa sarili ko dati na kakayanin ko, kumbaga take the risk or lose the chance, pero... baka biro lang sa kanya, baka magmukha lang akong tanga.

"Bro... Bakit hindi ka pa umamin kay Trisha? Nasa legal age ka naman na, kaya mo na siyang buhayin, e!" Biro ni Xian, lagi talagang hindi seryoso sa buhay.

"Alam ko, bro... Pero baka kapag umamin ako, baka magtawanan lang kami. Baka isipin niya lang yun as a joke." Medyo iniiwasan ko na yung mga tingin ni Xian. Pero deep down, ramdam ko yung sakit na hindi ko kayang sabihin sa kanya. Di ko rin naman masabi, hindi ko alam kung bakit?

"Bro, baka naduduwag ka lang. Puwede rin na gusto ka rin ni Trisha, pero baka nag-aantay lang siya na ikaw mismo yung umamin sa inyong dalawa, yung hindi ka nagbibiro. Hindi ba?"

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Xian. Wala rin naman akong maisasagot doon. "Una na ako, bro. Ayaw kong pinaghihintay ang babae."

"Ano 'to, bro? Gentle man code, ha?" Biro ni Xian, halatang-halata ang pang-aasar niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. I stood up, dala ang mga regalo ko for Trisha.

Ramdam at alam ko na kahit gaano kasakit, kailangan ko pa ring magpatuloy, para sa future namin. Alam kong masakit, pero ito yung kailangan ko gawin. Gusto ko na balang araw, kami lang ni Trisha, magsasama kami, magkasama sa lahat, kahit pa masakit ngayon.

Ito na lang ang tanging panghahawakan ko para magpatuloy.

Dahil para sa kaniya, handa kong gawin ang lahat.

You Can't Run, It's Always Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon