抖阴社区

Chapter 6: Living with Guilt

11 2 0
                                    

- Ashley -

"I miss you," bulong ko kay Michael habang nakaupo sa tabi ng kama niya. It's been one month simula nung nangyari 'yung aksidenteng 'yon.

Napatunayan na rin na si Trisha nga ang natagpuang katawan.

Ang lala ng naranasan niya sa kamay ng kung sino mang gumawa nun sa kaniya.

"Be careful," paalala ng doktor sa mahinahong boses. "He can hear you, but don't expect him to respond the way he used to. Hindi pa siya makakapagsalita, pero he might show signs through slight movements, like a twitch, a blink, or a change in breathing."

"Sorry, Doc. I just... really miss him," sagot ko, hawak pa rin ang kamay ni Michael.

"It's okay," ngumiti ang doktor. "Nakakagaan sa pasyente kapag naririnig nila ang mga mahal nila sa buhay. Nakakatulong sa recovery."

Tumigil siya sandali, naging seryoso ang mukha. "When we first examined him, the injury to his head was severe, may internal bleeding at halos wala nang activity sa ilang bahagi ng utak. We honestly weren't sure he'd survive. But now? He's proving us wrong."

Huminga ako nang malalim. Pinisil ko nang marahan ang kamay niya.

"Michael... naririnig mo ba 'ko?" tanong ko, tinig ko halos pabulong.

Tahimik sa loob ng kwarto. Pero maya-maya, bahagyang gumalaw ang hintuturo niya.

Napatigil ako. Napatitig.

"He responded," sabi ng doktor, bahagyang nakangiti. "That's a really good sign."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. "I miss you so much... thank you for staying."

"Iiwan ko muna kayo, I have something to check outside. Ipatawag mo na lang ako sa nurse ko if you have concerns or may problem kay Michael." Sabi ng doktor habang iniaayos ang clipboard niya.

"Yes po, Doc. Thank you." Tumango ako.

Ngumiti siya saglit at lumabas na ng kwarto.

Tahimik.

Tumingin ako kay Michael. Ang daming tanong sa isip ko. Bakit? Bakit siya nadamay? At higit sa lahat... bakit sila magkasama ni Trisha nung gabing 'yon?

Alam kong kasalanan ko rin 'to.

Kung hindi lang talaga ako sumama kay Sean nung araw na 'yon... kung hindi ako nagpatangay sa galit ko... baka hindi nagkaganito si Michael. Baka... kasama ko pa rin siya ngayon, gising, masaya, at buo.

Napag-alaman ko kasi noon lang-na si Michael at Trisha, nagkagustuhan pala noon. At hindi ko alam 'yon. Hindi niya sinabi. At ewan ko ba... kahit matagal na raw 'yon, bakit ang sakit?

Bakit kasi sobrang close pa rin nila?

Yung tipo ng closeness na kahit hindi mo sabihin, ramdam mong may history. Kahit paulit-ulit niyang sabihing "ikaw ang mahal ko," hindi mo mapipigilan isipin, "Paano kung may nararamdaman pa rin siya para sa kanya?"

Hawak ko ang kamay niya. Nilapit ko 'to sa labi ko at hinalikan.

"I'm sorry, baby..."

Bulong ko habang napapikit ako. Tuloy-tuloy ang tulo ng luha ko.

"Dapat sinabi ko... dapat kinausap kita. Pero pinili kong manahimik. Pinili kong saktan ka in a way na hindi ko akalaing magiging ganito kalala ang balik."

"Galit ako noon... kasi nagsinungaling ka. You told me na childhood friend mo lang si Trisha, na wala kayong naging something. Pero totoo pala, may nangyari noon. At kahit tapos na 'yon, kahit ako na ang girlfriend mo ngayon..."

You Can't Run, It's Always Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon