- Unknown -
Maibabalik ko rin ang lahat. Hindi man ngayon, pero malapit na...
*COUGH*
Mahina sa una, pero unti-unting lumalakas. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya, dahan-dahan, pinagmamasdan kung paano siya nagpipilit huminga. Nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata. Malabo, namumugto, nanginginig. Alam kong nasasaktan siya. Alam kong sinusubukan niyang labanan ang sakit na nilikha ko. Pero hindi pa sapat.
Mas matagal, mas masarap. Mas mabagal, mas masakit.
Hinila ko pababa ang telang nakapasak sa bunganga niya. Basang-basa na ito sa laway, pero hindi lang iyon ang laman nito. May kasama pang mas matindi. Isang bagay na unti-unting sisira sa kanya, mula sa loob palabas.
"P-please..." naputol ang tinig niya sa isang basag na hikbi. Nanginginig ang labi niya, parang gustong humingi ng awa kahit alam niyang walang darating na tulong. "Let me go... I didn't do anything wrong para maranasan 'to..."
Katahimikan.
Nakangiti akong yumuko, inilapit ang labi ko sa tenga niya, at bumulong. Mabagal, malamig, walang kahit anong awa.
"Mali ka."
Bago niya pa maintindihan ang ibig kong sabihin, itinulak ko siya pabalik. Mahigpit, marahas. Nadinig ko ang tunog ng kanyang katawan na bumagsak sa sahig. Nanginginig ang buong pagkatao niya, pero hindi siya makasigaw. Hindi siya makagalaw. Hindi na niya alam kung ano ang mas malala-ang sakit sa katawan o ang takot na gumagapang sa kanyang utak.
At doon nagsimula ang tunay na laro.
After 1 Week
- NEWS UPDATE! -
BALITA: ISANG BANGKAY ANG NATAGPUANG PUTOL-PUTOL SA LOOB NG MALETA
Isang malagim at hindi makataong krimen ang natuklasan kamakailan, nagdulot ng matinding pangamba at takot sa publiko.
Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng isang lumang maleta, ang kanyang katawan ay putol-putol, walang awa at walang pagsisisi ang kamay ng gumawa nito. Ngunit hindi lamang iyon ang sinapit ng biktima. Sa labas ng maleta, natagpuan din ang kanyang ulo... wala nang mata, wala nang dila, wala nang tenga, parang sinadya upang iparating ang isang mensahe.
Ayon sa imbestigasyon, ilang araw na itong nagnanana at inuuod sa loob, naglalabas ng matapang at hindi makayanang amoy na siyang nakatawag ng pansin sa mga residente. Sa loob ng maleta, may natagpuang isang papel, isang mahalagang piraso ng ebidensya na hindi pa inilalabas ng mga awtoridad upang mapangalagaan ang integridad ng imbestigasyon.
Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima. Hindi pa rin malinaw kung sino siya, ngunit sinisiguro ng mga pulis na makikipag-ugnayan sila sa mga pamilya ng mga nawawalang kababaihan sa lungsod.
Isang tanong ngayon ang bumabalot sa publiko: sino ang may gawa ng karumal-dumal na pagpatay na ito? At bakit tila may mensaheng nais iparating ang may sala?
Habang lumalalim ang imbestigasyon, binibigyang alarma ang lahat ng kababaihan na mag-ingat. Dahil sa panahong ito, hindi na ligtas ang kahit sino.
11:00 PM
- Grace -
I just wish... hindi siya ang anak ko. Hindi si Trisha ang iniisip ng utak kong nasa loob ng maletang iyon.
Isang linggo na siyang nawawala. Isang linggo ng tulog na hindi mahimbing, ng hapunan na hindi masubo, ng panahong tumigil ang mundo pero mas lalo akong nababaliw.

BINABASA MO ANG
You Can't Run, It's Always Behind You
HorrorSunod-sunod ang mga brutal na pag-atake. Walang awa, walang iniwan na bakas kundi takot. Pero nang mawala si Trisha Carnegie, hindi na lang ito basta krimen. Isang pamilya ang nawawasak, at isang misteryo ang bumabalot sa pagkawala niya. Habang luma...