Prologue
I never believed in ghosts—not the translucent, white-sheeted kind that haunted old buildings. But I believed in the ghosts of people, of places, of unfinished stories. The kind that settle quietly in the corners of my silenced heart, reminding me they were never truly gone.
"Tangina," bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga bubog na kumalat sa sahig.
It was a framed photo of me and my mother, but now it's shattered. Matalim ang tingin ko sa litrato habang pinupulot ko ang malalaking piraso ng bubog.
Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, 'yong nag-iisang tanong na paulit-ulit tumatakbo sa isip ko, hindi pa rin nabibigyan ng sagot.
Why did she leave?
My dad was a loving husband to her. I was an obedient son. Araw-araw ay nag-iisip ako ng paraan para maiparamdam sa kaniyang mahal ko siya, at alam kong gano'n din si Papa. Walang pagkakataong hindi kami sumunod sa gusto niya, pero ang tanging hiling namin na huwag niya kaming iwan, hindi pa niya napagbigyan.
My dad begged on his knees. I cried hard, desperately pulling her back to the place we once called home. Pero kahit anong luhod at iyak mo, kung matagal nang hindi ikaw ang pinili ay gagawa at gagawa sila ng paraan para makaalis sa buhay mo.
Her memory still haunts me, and I wonder if she suffers from this kind of pain, too? Probably not. Baka nga mas gumaan pa ang buhay no'n.
Matapos niya kaming iwan, everything became different. My dad spent his nights in different casinos and bars, while I learned to smoke and drink. He never stopped me, and I never stopped him either. We didn't give a damn to each other anymore. We lived under the same roof but we barely spoke, almost forgetting we existed—forgetting that we were once a family.
Pagkatapos kong ligpitin ang kalat ay bumaba ako ng kwarto. Dumiretso ako sa labas at binasura ang sirang frame, kasama ang litrato namin ni Mama. Hindi ko na kailangan 'yan.
"Umalis ka nga rito, tangina mo ka!" dinig kong sigaw ni Papa rito sa labas kaya napatingin ako. Kausap niya si Tito James, kaibigan niya. "Nanunumbat ka? Kung isusumbat mo rin pala 'yong pera mo, sana hindi ka na lang nagpa-utang!"
"Ipapatawag ko ang pulis kapag hindi ka nagbayad, Edgar. Ipapakulong kita." banta niya kay Papa.
"Sige, ipakulong mo! Walang pumipigil sa'yo! Gusto mo bang ako pa mismo magsumbong sa pulis, ha?!" Umamba si Papa ng suntok sa kaniya kaya tumaas ang kilay ko. Humalukipkip lamang ako habang pinapanood sila. He's probably drunk.
Lumayo si Tito James sa kaniya at bumalik sa sasakyan niya. Nakita ko ang pagsulyap at pag-iling niya sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin.
Nang makaalis si Tito James ay bumaling sa akin si Papa. "Anong tinapon mo?"
I shook my head. "Saan ka galing?" pag-iiba ko.
He let out a sarcastic laugh. "May pakialam ka?"
"Wala," I replied coldly. "Nagtataka lang ako kung bakit pumunta si Tito James dito."
"Putangina no'n. Masyado nang mayabang. Ipalamon ko pa sa kaniya ang pera niya," umiiling-iling niyang sabi at naglakad na papasok ng bahay.
"Pa, susi. Aalis ako," I said, a bit irritated with how he walked. Hindi naman ako gano'n maglakad kapag lasing.
Hinagis niya sa'kin ang susi, hindi pa umabot sa kamay ko kaya pinulot ko sa sahig. Before leaving, I messaged my friends 'inom' and tossed my phone to the backseat. I drove to Theo's house to kill some time.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...