抖阴社区

Chapter 3

79 5 0
                                    

Chapter 3

"Good morning!" masiglang bati ni Tita nang makalabas ako galing sa kwarto. Naghahain na siya sa mesa habang si Tito Owen, nililinis ang kalan. Naabutan pa yata akong humihikab at kinukusot ang mata.

Kagigising ko lang kasi at balak ko sanang pumunta sa banyo para umihi at babalik din sa pagtulog, pero nakaluto na pala siya ng agahan. Ang aga talaga nagiging productive ng mga tao sa probinsiya eh 'no.

"Hello po," mahinang bati ko at yumuko pa nang bahagya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniya.

"Kagigising mo lang ba? Kain na tayo. Sama ka sa'min sa farm mamaya, ha?" Banayad ang boses niya habang kinakausap ako. I combed my hair using my fingers.

"Ah... Galing na po ako roon kahapon, Tita. Sinamahan po ako ni Henry."

"Ay, talaga? Mga anong oras kayo pumunta?"

"Hapon po," sagot ko. "Nilibot na rin po ako ni Jaja."

Correction, niligaw.

"Nako! Mabuti! Makakasundo mo ang mga 'yon. Lalo na si Jaja, mabait na bata 'yon. Halos ka-edad mo lang yata 'yon, kaya baka maging magkaibigan kayo."

Halos mapangiwi ako sa narinig. Saan banda ang mabait?! Sila lang talaga nakakakita no'n.

Nagpaalam muna ako para pumunta ng banyo. Naghilamos na rin ako ng mukha. Pagkalabas ko, nakaupo na sila at mukhang hinihintay ako. Balak ko pa sanang hindi muna kumain pero nakakahiya naman.

"Kain na, Julian," aya ni Tito Owen. Naglapag siya ng plato at hinila na rin ang upuang nasa tabi niya.

I pursed my lips and simply walked over to them. Hindi ako sanay. Madalas akong kumain mag-isa sa bahay. Nakakapanibagong makita na maayos ang mesa at maraming pagkain ang nakahain.

"Okay lang po. Ako na lang," tanggi ko dahil sila pa ang magbibigay ng kanin at ulam sa akin.

"Unang araw mo sa bukid ngayon, 'di ba?" Tito Owen asked. Tumango ako.

"Ayos. Kumain ka nang mabuti para hindi ka mapagod agad," dagdag niya.

"Hindi po ako sanay kumain nang marami sa umaga eh..." mahinang sambit ko.

"Bakit naman? Hindi ka ba nag-aagahan doon sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita.

Umiling ako at sumandok na ng kanin.

"Hindi po."

"Tanghalian at gabihan lang ang kain mo niyan," kumento ni Tito Owen at tinanggap ang sandok mula sa'kin para bigyan ng kanin si Tita.

I inhaled. "Minsan po. Pero madalas, tanghali lang."

Huminto si Tito Owen sa pagsasandok at mataman akong tinignan. Maski si Tita, napatingin na rin sa akin. Alam ko namang unhealthy 'yon pero madalas kasi ay wala rin akong gana kumain lalo na kung mag-isa ko lang.

"Nako, Julian, mabuti at hindi ka nagkakasakit?"

"Hindi naman po."

I'm well aware that they kept trying to converse with me and kept the conversation going, but I just didn't have the energy to talk a lot. At least not with them.

Susubo na sana ako nang ulam pero natigilan ako dahil nag-sign of the cross sila. Gago. Oo nga 'no. Nakakahiya.

Pinaglapat ko ang palad ko at yumuko habang nagdadasal si Tito.

"Amen." Nang matapos sila ay nakita ko ang pagngiti ni Tita sa akin, parang natatawa sa kalagayan ko.

Konti lang ang kinuha kong pagkain at binagalan ko na lang ang bawat subo ko para masabayan ko pa rin silang matapos.

Memory LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon