Chapter 10
Kumunot ang noo ko kay Jaja nang abutan niya ako ng isang maliit na helmet.
"Bakit 'yan?" I asked.
Inangat niya 'yon. "Isuot mo."
"Bakit pa? Hindi naman tayo naghe-helmet kapag nagba-byahe pauwi sa San Isidro. 'Wag na. Nakakairita sa ulo," angal ko.
He clicked his tongue and stepped closer to me. Hinila niya ang balikat ko para mas mapalapit ako sa kaniya, saka marahas na isiniksik ang ulo ko sa helmet. Dumaing ako at iniwas ang ulo ko pero pilit niyang sinasalpak ang helmet sa'kin.
"Aray ko!" Sinapak ko ang kamay niya. "Hindi na nga kasya, pinipilit mo pa!"
"Galaw ka kasi nang galaw, paano ko maisusuot nang maayos sa'yo?" reklamo niya pabalik.
Umirap ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Nilalayo ko pa rin ang ulo ko sa kaniya.
Inis siyang napabuga ng hangin, saka hinawakan ang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa kaniya.
"Huwag na kaya 'no? Para kapag naaksidente tayo sa daan, ulo ang mapupuruhan sa'yo," pagsusungit niya at namaywang gamit ang kanang kamay.
"Akin na," sambit ko at inagaw ang helmet sa kaniya. Mabilis kong naisuot sa'kin 'yon kaya tinignan ko siya para magbintang kung bakit hindi niya maisuot-suot sa'kin iyon kanina pa.
"Tss."
Tumalikod siya sa akin at dinampot ang isa pang helmet na nakapatong sa motor niya saka sinuot din 'yon.
I let out a chuckle, loud enough for him to hear it.
"Tanginang 'yan, sa gabi ka lang talaga mabait," pang-aasar ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin, bahagyang nakatingala at kinakabit ang strap clip sa ilalim ng baba niya. Nakapako lang ang mariing tingin niya sa akin.
"Sa gabi ka lang kasi hindi maarte," he shot back.
I raised my middle finger then slammed the visor down with a glare.
"Kumapit ka kaya?" sabi9 niya nang makasakay kami sa motor niya. "Ingatan daw kita sabi ni Lola," habol niya pa.
Kinagat ko ang ibabang bibig ko bago ako kumapit sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nginingiti-ngiti ko rito... 'yong bilin ni Lola, o 'yong kapit ko sa kaniya.
"Kung 'di niya sinabi—"
"Ihuhulog kita."
"Ihuhulog saan?" makahulugan kong tanong kaya niyugyog niya ang motor para yata ilaglag ako.
Humalakhak ako nang malakas.
Hindi ko namalayan kung paano kabilis lumipas ang mga araw. Parang sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, naging payapa ako. Sa tingin ko, itong nakaraang linggo ang isa sa pinakamasarap na bahagi ng buhay ko.
Dumating ang biyernes at hindi ko alam kung bakit nandito na naman ako sa bahay nila Jaja. Sa totoo lang, sa buong linggo, apat na beses akong nagagawi rito sa Santiago para lang bumisita sa kanila.
Pagpasok ko sa gate, naabutan ko siyang nag-aayos ng kung ano sa motor niya. Ngumiti ako nang mapalingon siya sa akin pero ang sinukli niya ay kunot-noo.
Ang bait talaga.
"Bakit?" tanong niya sa bigla kong pagdating at tumayo nang tuwid. Inabot niya ang pamunas sa gilid at nilinisan ang kamay.
"Napadaan lang. Para rin malaman ko kung buhay ka pa," I joked and chuckled.
"Pwede mo naman akong i-text," kunot-noo pa rin niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...