Chapter 9
"Anong balak ng kapatid mo na kuning kurso sa college?" tanong ko kay Jaja.
Nandito kami sa labas ng bahay nila, sa madilim at maliit na hardin ng lola niya. Dahil gabi na, ang nagsisilbing liwanag na lang namin ay ang buwan at ang streetlight sa tapat ng gate nila. Nakaupo ako sa kahoy na upuan samantalang si Jaja, nakaupo sa malaking bato na nasa tapat ko lang.
Umangat ang tingin niya sa akin. "Sabi niya no'ng junior high school siya, engineering daw. Agricultural Biosystems din, kagaya ko. Pero ngayong senior high na siya, na-impress lang siya sa kwento ni Stefano, biglang nursing na ang gusto. Hindi ko alam sa taong 'yon, pabago-bago ng desisyon." Tumawa siya.
"Gano'n talaga," sambit ko. "Makakapag-decide din 'yan ng totoong gusto niya."
"Paano kapag hindi?"
"Oh, anong kinatatakot mo? Baka hindi mag-college?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umiling siya sa akin. "May gusto naman siya, kaso nga hindi permanente. Baka pagtungtong ng kolehiyo, magpalipat-lipat bigla ng kurso..." nag-aalala niyang saad.
I let out a chuckle to reassure him and remind him not to take things too seriously.
"Ano naman kung gano'n? Kung doon niya makikilala ang sarili niya at kung ano talagang gusto niya?"
"Hindi ba siya mahihirapan do'n?"
I shrugged. "Hindi ko alam... Baka, siguro. Matatagalan pa siyang maka-graduate, pero 'di ba ang mahalaga naman, nagpapatuloy siya? And what matters is that he's making an effort to figure out what he truly wants."
Tumango siya. "Oo nga, pero kung may magagawa naman kami una pa lang para maiwasan niyang mahirapan, bakit hindi, 'di ba? Hindi naman ako nagkulang sa pagbibigay ng advice sa kaniya ngayon pa lang."
Napatango rin ako. Tama rin naman siya. Ramdam ko kung paano siya nag-iigat na hindi ma-pressure si Arjo, 'yong nakababata niyang kapatid.
"May girlfriend na ba 'yan?" I asked out of the blue.
"Ha?" Tinignan niya ako, halatang gulat sa tanong ko. "Sino? Si Arjo?"
"Oo."
"Gago. Wala pa."
Mas lumawak ang ngiti ko. "Bakit wala? Pinagbabawalan mo?"
He grimaced before shaking his head. "Hindi ah. Hindi naman na siya bata para pagbawalan ko pa. Hindi ko alam kung bakit wala pang pinapakilala sa'min..."
"Baka nahihiya?"
Muli siyang umiling. "Kanino naman? Sa amin? Malabo. Sobrang open namin sa isa't isa."
"Eh ikaw?"
Tinignan niya ako. "Hmm?"
"'Di ka pa nagpakilala sa kanila ng kahit na sino?"
Nagsalubong ang kilay niya. "Ipapakilala nga sana kita ngayon."
"Ano?"
My heart hammered because of his answer. Hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba kaming dalawa sa pinag-uusapan namin o hindi. Tangina niya talaga.
"Ibig k-kong sabihin, kasintahan, g-gano'n!" agad na agap ko, nauutal pa dahil sa kaba.
"Ah..." He chuckled. "Akala ko kahit sino eh..."
"Tangina mo," kalmado kong sabi at iniwas ang tingin, pilit na kinakalma ang sarili.
Sabi ko na nga ba, hindi kami nagkakaintindihan. Kinakabahan talaga ako sa mga sagot niya. Ang sarap niyang suntukin minsan dahil sa pagiging lutang niya.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...