Ang hirap na hindi magselos.
Huminga ako nang malalim, pilit tinatanggal ang bigat sa dibdib.
Selosa talaga ako. Kasi kapag mahal mo, ayaw mong may kahati. Ayaw mong may ibang babae na kayang hawakan ang parte ng puso niyang dapat para sa'yo lang.
"Pero promise, love. Magbabago ako. I'll be better. I'll listen more. I won't let my pride ruin us again."
Pinisil ko ang kamay niya, hoping na maramdaman niya 'yon.
"I just need you to wake up. I'll do anything para lang manatili ka sa akin. Lahat... gagawin ko."
Muli akong napaiyak, habang ang puso ko, sabay sa bawat tibok, umaasa.
9:30 AM
- Grace -Wala na si Trisha. Wala na ang anak ko.
Sinubukan ko siyang protektahan. Akala ko, sapat na 'yung mga bawal ko, 'yung mga payo kong hindi niya naman hinihingi, 'yung mga salita kong akala ko'y pagmamahal. Pero hindi pala. Sa halip na maprotektahan ko siya, naging kulungan ako ng kalayaan niya.
Ginawa kong impyerno ang buhay ng sarili kong anak.
Isang impyernong patuloy akong sinusunog sa konsensya, kahit wala na siya. Isang impyernong magpaparamdam sa 'kin habang buhay, kahit pa siguro ako na lang ang matira sa mundong 'to.
Pero huli na ang lahat para magsisi. Dahil kahit anong pagsisisi ko, kahit ilang dasal o luha pa, hindi ko na maibabalik ang anak ko.
"Jamaica, ihanda mo na yung mga damit ng Daddy mo. Para ayan ang susuotin niya pag-uwi."
"Okay, Mom," sagot niya, mahina pero ramdam ko 'yung pag-unawa niya sa bigat ng sitwasyon. Tumayo na siya at pumasok sa kwarto naming mag-asawa.
Makakalabas na ng ospital si Lorencio. Sa wakas.
Pero hindi ito simpleng paglabas. Dahil may sugat siya. Sugat na siya mismo ang may gawa.
Yung putok ng baril?
Oo, si Lorencio ang may gawa noon.
Pero hindi niya binaril ang dalawang pulis.
Sinubukan niyang barilin ang sarili niya.
Wala pa ring may alam kung bakit. Kung anong nagtulak sa kaniya. Ang sabi lang nila, pinigilan siya nina Ace at Jack. Pero nauna na ang unang putok.
Tumama sa tiyan niya.
Ako? Wala ako sa sarili noon.
Umiiyak. Hysterical. Sumasambit ng "Hindi totoo." Dahil ang anak kong si Trisha... nahanap na. At wala nang buhay.
Isang bangkay na lang ang niyakap ko sa punerarya.
Isang katawan ng anak kong hindi ko na muling maririnig magsalita.
Hindi ko na muling mayayakap. Hindi ko na masasabihang, "Sorry, anak. Sana noong buhay ka pa, minahal kita nang tama."
Naramdaman ko na lang ang mainit na luha sa pisngi ko. Paulit-ulit. Hindi nauubos.
"Mom? Is this okay na?" Nilingon ko si Jamaica na may hawak ng t-shirt at pantalon.
"I brought a shirt and pants for Dad. Hindi fitted para makahinga 'yung sugat niya."
Tumango ako. Mahina, halos wala nang lakas. "Yes, anak. Thank you. Ayusin mo na rin sarili mo, dahil after nito... sisimba tayo. Ipagsisimba natin si Trisha."

BINABASA MO ANG
You Can't Run, It's Always Behind You
HorrorSunod-sunod ang mga brutal na pag-atake. Walang awa, walang iniwan na bakas kundi takot. Pero nang mawala si Trisha Carnegie, hindi na lang ito basta krimen. Isang pamilya ang nawawasak, at isang misteryo ang bumabalot sa pagkawala niya. Habang luma...
Chapter 6: Living with Guilt
Magsimula sa umpisa