"Okay, Mom."
But the truth is...
Hindi lang si Trisha ang nawalan ng buhay.
Pati kami. Kami rin.
Nawalan kami ng pagkakataong bumawi. Nawalan kami ng karapatan na ayusin pa ang mga pagkukulang namin.
At si Lorencio? Hindi ko alam kung dahil ba sa konsensya niya kaya niya ginawa 'yon, o dahil sa bigat ng katotohanang...
Siya ang isa pang dahilan kung bakit tuluyang nawala si Trisha. Hindi dahil binaril niya ito-hindi. Pero dahil sa lahat ng kasalanan niya bilang ama.
Sa pananakit. Sa kawalan ng malasakit. Sa pagiging isang estrangherong kailanma'y hindi naging haligi.At noong nawala si Trisha, doon lang niya naisip na hindi siya naging ama.
...
At ako? Ako ang ina. Dapat ako 'yung unang lumaban para sa kanya.
Pero ako 'yung una niyang tinalikuran.
Dahil kahit kailan, hindi niya naramdaman na kampi ako sa kanya.Ang sakit.
Ang sakit na hindi ko siya naipaglaban...
Hanggang sa huli.Hospital Room 302
Tahimik sa loob. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang tunog ng makina at ang paghinga ni Lorencio.
Lumapit ako sa kaniya, mabigat ang bawat hakbang. Hindi ko alam kung galit pa ba ako, o gusto ko na lang umiyak sa harap niya.
Pagmulat ng mga mata niya, mahina siyang nagsalita.
"Buhay pa pala ako."
Umupo ako sa tabi niya, tinitigan ko ang lalaking minsan kong minahal.
"Himala nga." Malamig kong tugon.
Saglit siyang natahimik, pero 'di nagtagal ay nagsalita ulit. At sa bawat salitang binibitawan niya, parang unti-unting pinipiga ang puso ko.
"Galit ka sa 'kin? Hindi lang naman ako ang may kasalanan kay Trisha."
"Oo, lagi ko siyang binubugbog. Lagi ko siyang ikinukulong. Ginagamitan ko siya ng kung anong madampot ko. Hanger, sinturon, minsan latigo pa nga. Pero Grace, hindi lang ako ang nagkulang."
"Ikaw din."
Napatigil ako. Parang may pumalo sa dibdib ko.
"Alam mo ba ang lagi kong naririnig sa anak mo kapag nag-uusap sila ni Michael? Sabi niya, mas masakit ang pakiramdam ng tinataboy kaysa sa sinasaktan. Na mas ramdam niya 'yung sakit ng mga salitang galing sa nanay niyang dapat sana'y kumakampi sa kanya."
"Kapag tinatawag mo siyang pabigat, malandi, walang kwenta, kahit wala siyang ginagawa kundi subukang magpabibo sa harap mo... akala mo ba hindi niya nararamdaman 'yon?"
Napakapit ako sa palda ko. Pinipigilan kong humagulhol. Dahil totoo. Lahat ng sinabi niya, totoo.
"Sabi mo noon, ginagawa mo lang 'yon para maturuan siya. Para maging matatag siya. Pero hindi mo napansin, Grace, na hindi siya lumalakas, unti-unti siyang nawawala. Paunti-unti, pinapatay natin siya, hanggang sa tuluyan na siyang nawala."
Wala akong nasagot. Umiiyak lang ako. Tahimik, pero sunod-sunod.
Kasi totoo 'yung sinasabi niya. Hindi ko pinili si Trisha. Palagi kong pinipili ang sarili kong galit, ang kahihiyan, ang pagod. Palagi ko siyang sinisisi na siya ang dahilan kung bakit ako stressed, kung bakit hindi ako mapakali, kung bakit sumasakit ang ulo ko.

BINABASA MO ANG
You Can't Run, It's Always Behind You
HorrorSunod-sunod ang mga brutal na pag-atake. Walang awa, walang iniwan na bakas kundi takot. Pero nang mawala si Trisha Carnegie, hindi na lang ito basta krimen. Isang pamilya ang nawawasak, at isang misteryo ang bumabalot sa pagkawala niya. Habang luma...
Chapter 6: Living with Guilt
Magsimula sa umpisa