抖阴社区

Chapter 6: Living with Guilt

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero anak ko siya.

Anak ko siya. At ngayon, wala na siya.

Naalala ko tuloy, noong minsang tahimik siyang umiyak sa likod ng pintuan, kasi sinigawan ko siya sa harap ng mga bisita dahil lang sa basag na baso. Ni hindi ko siya tinanong kung okay lang siya.

Naalala ko nung hindi ko siya sinipot sa dance recital niya, dahil mas pinili kong samahan si Jamaica para mamili ng mga damot nito. Sabi ko, wala namang kwenta 'yung sayaw niya.

Ang dami kong pagkukulang. Ang dami kong sinayang na pagkakataon para iparamdam sa anak ko na mahal ko siya.

Pero huli na.

Hindi na niya maririnig ang sorry ko. Hindi na niya mararamdaman ang yakap ko. Hindi na niya mararanasan ang pagmamahal na ngayon ko lang naisip ibigay.

"Trisha..." bulong ko, habang nakatingin sa kisame.
"Patawad. Patawad anak, kasi huli na 'tong lahat."

At doon, bumigay na ako. Lumuhod ako sa tabi ng kama ni Lorencio, at sa unang pagkakataon, hindi dahil sa galit-kundi sa isang luhang hindi matatapos kahit buong buhay ko pang umiyak.


































- Jamaica -

I'm just staring at my crying mother, habang si Dad naman, abala sa panalangin niya. We're here lighting votive candles. Praying for our health, for our family, and most especially, for Trisha's soul.

I don't really understand what's happening. Kanina lang, masaya pa kaming pumasok sa ospital. Parang isang regular na araw. Pero paglabas namin, it felt like someone hit them with a brick of guilt and grief. They're always like this. Pretending. Performing.

I hope you're doing well there, Trisha. You deserve the peace you were always longing for. You deserve the kind of heaven this world never gave you.

"Are you done na, anak?" mom asked gently.

I nodded. "I prayed for your sister. I prayed for her forgiveness. I prayed that hindi na siya galit sa atin... and that she'll keep watching over us."

"She will forgive you, Mommy. I promise." I smiled. Soft and sweet. She doesn't need to know what I really meant.

Nagsindi ulit ng kandila si Mommy, kaya naisipan kong lapitan si Daddy. Pero hindi siya nagdarasal para sa amin ni Mommy, o para kay Trisha. He's praying... for himself.

"Sana hindi pa ito ang huling katapusan ko, pangako itatama ko ang mali..."

Babalikan ko na sana si mom, but then I heard something I wish I didn't.

"Pangako... hindi ako mamamatay, Trisha, nang hindi nalalaman ang totoo. Yun ang magiging bawi ko sa kasalanang nagawa ko sa'yo. Huhukayin ko ang nakaraan, para sa'yo."

What did he mean by that? What truth? What past?

"Jamaica... Love, let's go," tawag sa amin ni Mommy.

Napatingin sa akin si Daddy. He smiled like everything was okay. Sinakyan ko na lang siya, ngiti para sa ngiti.

He was really into something...

"What do you guys want for lunch? My treat," biglang tanong ni Daddy.

"I want sinigang, love," sagot ni Mommy.

Sinigang? Trisha's favorite. Ironic. How ironic.

Mas hilig ko talaga Japanese food, kahit minsan ko lang kainin ang mga lutong bahay, I still enjoy them.

You Can't Run, It's Always Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon