抖阴社区

Chapter 8: Reminisce

Magsimula sa umpisa
                                    

------------------------------------------------------------

Tanghali. Tirik ang araw, pero hindi ako alintana sa init. Naka-park ako sa tapat ng gate nila Trisha, hinihintay siya. Naka-on ang aircon ng kotse pero pakiramdam ko mas malamig pa rin 'yung kaba sa dibdib ko.

Nasa passenger seat yung mga regalo ko-cake na paborito niya, isang bouquet ng red and white roses na may nakasukbit na maliit na card, ang gift kong necklace, at isang malaking jar na puno ng messages.

Hindi lang ito basta jar. Laman nito lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya araw-araw. Words of affirmation. Kasi alam kong 'di ko siya palaging mapuprotektahan, lalo na sa mga nangyayari sa kanila. Pero kahit wala ako sa tabi niya, gusto kong maramdaman niyang may kakampi siya. May taong hindi siya iiwan.

Mahirap. Ang hirap. Ayokong iwan siya. Nangako ako, 'di ba? Pero minsan, kailangan mong lumayo para mapatunayan mo kung gaano mo kamahal ang isang tao.

Canada. Scholarship. Pangarap. Para rin 'to sa amin. Para sa kinabukasan namin-kung sakali man.

Hindi ako aalis para layuan siya. Aalis ako para balikan siya... at ituloy ang pangarap naming dalawa.

Then I saw her...

Pucha!

Ang ganda.

Parang bumagal ang oras. Parang sa pelikula... yung tipong may background music na mabagal tapos umiikot yung camera.

Yung araw, parang siya yung sinisikatan. Suot niya 'yung wine red corset dress na hapit na hapit, para bang tinahi talaga para sa kaniya. Yung tela, kumikintab sa ilalim ng liwanag ng araw, pero kahit anong liwanag noon, natatalo ng liwanag ng mukha niya.

Naglalakad siya papalapit. Parang bumabagal ang mundo. Yung hakbang niya, steady, confident. Naka-black heels siya na may gold details, bawat tapak niya sa semento, parang heartbeat ko na sumasabay sa bawat hakbang.

May suot siyang puting sling bag, simple pero ang elegante. Gintong hikaw na may pulang puso, at kwintas na parang isang bulaklak na may sariling kwento. Parang isang eksena sa pelikula, pero mas totoo. Mas ramdam.

Tangina! Napakaganda niya. Barbie doll na may puso. Yung buhok niyang itim, tumatalbog sa balikat niya. Yung kilay niyang perpekto na parang iginuhit ng langit. Yung mata niyang doe eyes, parang nangungusap kahit wala pang sinasabi.

"Hi, Michael..." Nahihiya pa siyang ngumiti. "A-ayos ba 'to? Hindi naman OA?"

Tangina ang hirap magsalita.

"Ang... ganda mo... sobra." Mahina kong sabi, pero totoo. Sobra.

Nagkibit-balikat siya, natatawa. "A-ano ka ba! Hahaha!"

"Tara na," sabi ko, pilit na tinatago yung kilig ko. "Ayoko masayang 'tong date! este, birthday celebration mo pala."

Nakakahiya. Pero totoo. Gusto kong ituring itong date. Kahit hindi ko pa sinasabi, mahal ko na siya.

Binuksan ko agad ang pinto ng kotse para sa kaniya. Gentleman, syempre. Bago siya pumasok, inabot ko yung cake, bulaklak, necklace, at 'yung jar.

Tumingin siya sa akin, gulat na gulat. "OMG! Michael! Grabe ka! THANK YOU!" Tapos niyakap niya ako. Hindi lang basta yakap, 'yung tipong mahigpit... yung parang ayaw ka na niyang bitawan.

Hinawakan ko siya pabalik. Ang bango niya. Amoy rosas. Yung fresh, yung tipo ng amoy na gugustuhin mong paulit-ulit na lang sa damit mo.

Tumingin ako sa kanya, habang nakangiti siya na parang batang nakatanggap ng pinakagusto niyang laruan.

You Can't Run, It's Always Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon