Sa moment na 'yon, napasabi ako sa sarili ko ng, Lord, pagbigyan n'yo lang ako. Isa lang. Isa lang. Siya na sana.
Hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya papakawalan. Ipagdadamot ko siya sa iba dahil siya ang bibiya na gusto kong akin lang.
Pumwesto na siya sa passenger seat, bitbit ang mga regalo. Pero 'di pa rin niya binabanggit yung jar. Okay lang. May tamang oras para sa lahat.
Pero ako... kailangan ko nang paghandaan ang oras kung kailan sasabihin ko sa kanya.
Na aalis ako.
Na iiwan ko siya-for now.
Pero sa bawat sulat sa jar na 'yun, nando'n ang pangako: Babalik ako. Para sa'yo. Para sa atin.
.........
Habang nasa byahe kami, pinagmamasdan ko lang siya. Ang araw, malakas ang sikat pero parang siya pa rin ang pinakaliwanag sa mundong 'to.
Nakangiti siya habang nagsasalita-tungkol sa mga nangyari sa kaniya kamakailan. Halo-halo raw. May lungkot, may saya, may nakakatuwang moments, at 'yung mga tipong "wag mong ikukuwento sa iba ha" moments.
Ang dami niyang sinasabi pero kahit isang segundo, hindi ako napagod makinig.
Kasi boses niya? Para sa'kin, yun ang paborito kong musika.
Yung tipong kahit may 99 songs sa playlist, siya lang yung gusto kong pakinggan on repeat.
Bigla niyang pinindot 'yung car stereo.
Tumugtog agad ang "Sila" by SUD-yung kanta na lagi niyang binabanggit sa'kin. At gaya ng dati, parang bumagal ang oras. Lahat tumahimik, maliban sa boses ni Sud at sa tibok ng puso ko.
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo...Tumingin siya sa labas ng bintana, pero alam kong ramdam niya 'yung kanta. After a few seconds, binalik niya ang tingin sa'kin.
"You know..." putol niya sa katahimikan.
Di ako sumagot. Hinayaan ko lang siya. Kasi minsan, kailangan lang ng isang katahimikang punong-puno ng damdamin.
"...I like that part," sabay ngiti niya habang umuulit ang chorus.
"I know," sagot ko, naka-focus pa rin sa kaniya. "Lagi mong sinasabi 'yan."
"Maliban diyan." Tumingin siya sa'kin. "I dedicate that song to you."
Tumigil ang mundo ko.
Parang may fireworks kahit tanghali. Ang puso ko? Kiniliti ng langit.
"Bakit?" tanong ko, 'di maitago ang kilig.
"Kasi..." Huminga siya nang malalim. "You've always been there. Kailangan man kita o hindi. Nandiyan ka. Walang tanong-tanong. You're always ready to fall with me. Kahit pa sabay tayong mahulog... o masaktan."
Tumulo ang init sa dibdib ko papuntang puso.
"Alam mo 'yung pakiramdam na may taong hindi mo kailangang tawagin pero darating?" she continued. "Ikaw 'yun. Kaya kahit sinong dumating... walang papantay sa'yo."
Tangina. Kung pwede lang tumalon palabas ng kotse para mag-cartwheel sa kalsada sa sobrang saya, ginawa ko na.
I looked at her, slowly. "Trisha... you don't know how much that means to me."
She smiled.
"Ikaw ang pahinga ko," sabi ko. "Ikaw ang playlist ko sa bad days. At kahit araw-araw pa siyang ulanin ng problema, basta boses mo ang naririnig ko... okay na 'ko."

BINABASA MO ANG
You Can't Run, It's Always Behind You
HorrorSunod-sunod ang mga brutal na pag-atake. Walang awa, walang iniwan na bakas kundi takot. Pero nang mawala si Trisha Carnegie, hindi na lang ito basta krimen. Isang pamilya ang nawawasak, at isang misteryo ang bumabalot sa pagkawala niya. Habang luma...
Chapter 8: Reminisce
Magsimula sa umpisa