抖阴社区

Chapter 8: Reminisce

Magsimula sa umpisa
                                    

Natawa siya. "Corny mo."

"Hindi ako corny. In love lang talaga."

And just like that, she laughed. Yung tawang sinsero. Yung tawang sinasabay sa kanta.
Tumingin siya muli sa labas ng bintana, sabay sabing:

"Walang sagot sa tanong... kung bakit ka mahalaga."

Tahimik ako.

Pero sa isip ko, sigaw ng puso ko:

"Sana ganito na lang palagi."

------------------------------------------------------------

1:30 PM

Sa wakas, nakarating na kami sa Antipolo. Mainit ang araw, pero hindi siya nakakairita-parang tamang init lang para sa magandang araw na pinlano mo nang matagal.

Una naming pinuntahan ang Antipolo Cathedral.

Pagpasok namin, agad kong naramdaman 'yung katahimikan. Hindi lang yung tahimik na literal-kundi yung peace na parang hinahanap mo sa gitna ng ingay ng mundo. Mataas ang kisame, may mga ilaw na dumadaan sa stained glass windows, at ang hangin-presko, kahit tirik ang araw sa labas.

Tumingin ako sa gilid. Siya.

Nakatayo sa harap ng altar, nakayuko, tahimik na nagdarasal. Hawak ang maliit na kandila, pilit pinapanatili ang apoy sa kabila ng mahinang hangin. Parang may sinasabi ang mukha niya, pero hindi ko mabasa.

Sa isip ko: Kung magiging kami, dito ko siya gustong pakasalan.

Tahimik kong bulong 'yon sa sarili ko. At habang tinitingnan ko siyang nananalangin, sigurado akong hindi lang para sa sarili niya ang dasal niya. Baka para sa pamilya niya, sa mga pangarap niya, sa kapayapaang matagal na niyang gustong maramdaman.

Ako? Ipinagdasal ko siya.

Na sana, matahimik na ang puso niya. Sana hindi na siya lumuha gabi-gabi. Sana 'yung pagmamahal na hinihintay niya, madama na niya. At sana, kahit papano, ako 'yung makaramdam nun para sa kaniya.

Hindi niya alam, pinicturan ko siya. Dahan-dahan, gamit 'yung camera na binili ko talaga para sa araw na 'to.

She's stunning.

Hindi nakakasawang titigan. Yung tipong kahit ilang ulit mo siyang makita sa araw, laging may bago kang makikita.

"I'm done praying," sabi niya, sabay lingon sa'kin, hawak pa rin ang isang natunaw nang kandila.

Tumingin ako sa kaniya. At sa utak ko biglang tumugtog yung "Sa Bawat Sandali."

"Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko."

Sakto. Kasi siya talaga 'yon.

Hindi ko napansin na napako na pala ang tingin ko sa kaniya.

"Hey!" sabay tapik niya sa braso ko. "Let's go!"

Napangiti lang ako. Nakakadistract ka talaga, Trisha.

2:30 PM

Pinto Art Museum

Ang ganda ng lugar. Puti ang bawat dingding, may mga bintanang malalawak na hinahayaan ang araw na pumasok. Maaliwalas, parang hindi sa Pilipinas.

Tahimik pero hindi nakakainip. Parang isang malaking pahina ng coffee table book, at kami 'yung naglalakad sa gitna ng kwento.

Pumapasok kami sa bawat gallery, tinitingnan ang mga painting, mga sculpture, may mga kwento sa likod ng kulay, hugis, at linya. Pero siya pa rin ang obra maestra sa paningin ko.

You Can't Run, It's Always Behind YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon