Naglakad ako papunta sa highway. Tumambay ako sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang mga sasakyang dumadaan. Halos alas nuebe na, pero marami pa ring nasa daan. Siguro aalis pa, o 'yong iba, pauwi na.
I sighed and took my phone out. I tapped the camera and tried to record a video of the busy street.
I miss going to school. I miss being a student. I miss the casual friendships I built within my block—and of course, I miss learning about film. Kahit hindi naman ako kasing galing ng karamihan sa university namin, hindi naman ako kailanman naging pabaya.
I made a promise to myself that after all the crap I'm going through right now, I'll become a successful filmmaker. I won't care if I don't make my family proud... I'll make myself proud. Dahil ako lang naman ang naniniwala sa sarili ko.
Simula nang pumunta ako rito sa Isabela, parang ang bagal ng araw. Tatlong linggo pa lang ako rito pero pakiramdam ko, isang taon na. Time is moving too slowly, and it's making me hold my breath just thinking about how many days are left before I can finally go home.
I did a pan movement to capture everything. It is one of the simplest yet most effective camera movements in filmmaking and photography. It is when camera stays in a fixed position and rotates left or right, like turning your head side to side. The camera does not move forward, backward, or sideways—it only pivots horizontally.
Pagkatapos kong mag-record ng isang clip, lumipat ako ng pwesto. I zoomed in the camera for a moment to record again, this time focusing on the vehicles to give them more emphasis.
I fiddled with my lips while watching the clips I recorded. Ganito siguro ang pagkakaabalahan ko minsan. Pagbalik ko sa Manila, i-co-compile ko lahat at gagawa ng short film. Para na rin sa memories.
Kinabukasan, siniguro kong uminom ng gamot bago ako pumunta sa bukid. Nalaman nila Kenneth na kagagaling ko sa check-up at pinagbabawalan na agad akong magtrabaho.
"Kaya pa naman sa isang kamay ah," pagmamaktol ko.
"Ako pipilay d'yan para hindi mo na rin magamit," banta ni Henry.
"Sana hindi ka na pumasok at nagpahinga na lang," dagdag ni Dominic.
Pucha. Puro pahinga na lang. Nababagot ako kapag puro pahinga. Kaya nga ako nandito para magtrabaho tapos pagpapahingain ako?
"Kahit taga-assist na lang," pamimilit ko pa rin.
Inilingan ako ni Stefano saka tumabi sa gilid ko. "Alam mo, Julian, kung nalaman lang ni Tita na may ganyan ka, hindi ka rin no'n papayagan pumasok dito."
Inismiran ako ni Henry. "Hindi niya ba nakikita 'yang namamaga mong kamay, ha?"
Umiling ako. "Hindi ko pinapakita. Baka mag-overreact." Nagkibit-balikat ako.
"Eh, tanga ka pala eh. Malamang mag-o-overreact 'yon kung ganyang parang pinalobo ang kamay mo."
Hindi ko alam kung hindi ba namamalayan ni Tita o wala lang siyang pakialam. Malaki na ang kamay ko dahil sa pamamaga dahil iyon ang side effect ng gamot bago tuluyang gumaling. Ewan. Pinapalala muna bago gamutin. Mabuti na nga lang at hindi na masyadong sumasakit.
"Dito ka na lang sa loob ng farmhouse. Kung gusto mo, ikaw ang mag-ayos nitong mga resibo para sa mga deliveries bukas tapos bilangin mo na rin lahat ng mga package. Gusto mo?" tanong ni Kenneth sa akin.
Bumuntong-hininga ako at pumayag na lang. Wala rin akong magagawa dahil kung pipilitin kong gumawa ng mabibigat na trabaho ay baka hindi gumaling ang kamay ko.
Habang abala ako sa pag-aayos ng mga resibo sa mesa, nakita ko si Jaja na pumasok sa loob para manguha ng tubig. Nilagyan niya ang buong pitchel. Lumuhod siya sa icebox para manguha ng yelo roon at maingat na tinanggal ang plastic para ilagay rin sa pitchel.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa