Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tinuon ko lang ang atensyon ko sa ginagawa. Nang matapos ako, tumayo ako para bilangin ang mga package.
Siniguro ko ring tama ang mga gulay at ang bilang ng laman kada kahon. Gano'n na rin ang mga address para walang mali. Paulit-ulit kong ginawa 'yon para masigurong wala akong nakaligtaan. Mamaya, dumating na naman si Jaja, ibang pitchel naman ang nilalagyan.
Puta. Pinandidilig ba niya ang mga 'yon sa halaman at ang dami niyang kinukuha?
Nakailang balik siya. Pumangalumbaba ako sa mesa at pinanood siyang punuin ang pang-apat na pitchel. Ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko na muna siya papansinin dahil una, galit pa ako at pangalawa, baka mauwi na naman kami sa away. Pero hindi ko mapigilan, sinuway ko rin ang sarili ko.
"Hoy," tawag ko na agad naman niyang nilingon. "Nakakailang puno ka na. Anong ginagawa mo sa tubig?"
Kumunot ang noo niya. "Ano bang ginagawa sa tubig, kinakain?"
Putanginang pilosopo na 'to ah.
"Nakakatawa ka?" angal ko.
I saw how he rolled his eyes on me. "Iniinom, malamang."
"Ang bilis naman maubos at nakakailang balik ka rito. Ikaw ang umiinom o 'yong mga halaman?"
"Kaming lahat," he responded. "'Yong naunang dalawa, si Ken, Stef, Henry at Kuya Alejandro lang ang nakaubos. 'Yong pangatlo, para sa aming natitira, at ito, extra."
Talagang nag-explain pa.
Tumango na lang ako at hindi sumagot. Wala naman akong reklamo. Pero parang muling nabuhay ang inis sa kaibuturan ko nang makita ko siyang nakatayo roon at nakatingin sa'kin.
"Ano?" singhal ko. Para kasing tanga.
He let out a sigh as he picked up a cup and filled it with water before placing it on my table.
"Uminom ka rin ng tubig, masyadong mainit," malumanay niyang sabi.
Tumango ako ulit at nagkunwaring may inayos sa mesa. He just stood there, as if waiting to see something.
Nagkamot ako ng ulo. "Magtrabaho ka na."
Umiling siya. "I'm not leaving until you drink your water."
Bumuga ako ng hangin sa kakulitan niya. Dinampot ko ang baso at ininom ang kalahati.
I wiped the side of my lips. "Okay na?"
"Ubusin mo."
"Mamaya na ulit 'yong kalahati! Lumabas ka na nga!" inis na taboy ko sa kaniya.
Tumango lang siya at umalis na, bitbit ang pitchel. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na siya. I checked my hand and gently caressed it to see if it still hurt. Mabuti at hindi na gaano. The numbing effect of the medicine is slowly kicking in.
Ginamit ko muna ang phone dahil wala naman na akong ibang gagawin. Mamayang hapon, pagkatapos mananghalian, hihingi ako ng panibagong trabaho.
At ang gagong Jaja, bumalik pa talaga para masigurong inubos ko ang tubig. Pero ngayon ay kasama niya si Dominic.
Nakita ko pa lang silang papasok, ininom ko na agad ang tubig. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jaja habang palapit silang dalawa sa akin.
"Nagugutom ka na ba?" Dom asked.
Inilingan ko siya. "Naiinip lang," I answered honestly.
"Okay. Mag-phone ka," barumbadong niya. Hindi ba talaga nila ako pagtatrabahuin?!

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa