Ngumisi si Jaja sa gilid niya. "Gusto mo ng gagawin?"
Mahina siyang sinapak ni Dom sa sikmura bilang suway sa kaniya.
"Ano?" I asked to ease Dom's worries about me.
"Mag-phone ka," Jaja repeated Dom's words.
Inirapan ko siya. "Tangina ka." Akala ko pa naman seryoso. Hayop talaga 'yan.
Muli siyang nakatanggap ng sapak kay Dominic kaya umalma na siya.
"Ano? Para hindi siya mainip dito," pagdadahilan niya pa.
"Nag-uumpisa ka na naman ng away," sabi ni Dom.
"Depende na sa kaniya kung paano niya tatanggapin 'yon." Tinignan ako ni Jaja.
Well, sorry , bro. But everything you say just pisses me off.
Pagdating ng hapon, pagkatapos naming mananghalian, sumama na ako sa kanila sa labas. Umaangal pa sila pero nangako naman akong hindi ako magtatrabaho. Naiinip lang kasi talaga ako sa loob ng farmhouse at walang nakakausap.
While they all worked on their own, I took out my phone to record again.
"Record lang ako saglit, ha? Hindi ko naman i-po-post. Sa'kin lang," paalam ko sa kanila at natawa.
"Para saan?" Henry asked.
"Wala," I answered. "Na-miss ko lang mag-record."
I zoomed the camera in to Stefano. Pagkatapos ay nilipat ko sa mga punong sumasayaw dahil sa hangin. Pa-hapon na kaya unti-unti nang nawawala ang araw. Saka ko naman tinapat sa mga pananim sa 'di kalayuan.
Habang fino-focus ko, nahagip sa frame si Jaja na naglakad para kumuha ng tubig.
Inis kong binaba ang camera at sinamaan siya ng tingin. Ang papansin talaga.
Tumaas ang kilay niya sa akin, nagtataka sa reaksyon ko. Maang-maangan pa siya.
Binuksan ko ang photos ko at inayos ang clip. I cut out the last part where Jaja walked into the frame.
Pagdating ng alas cinco, hindi namin inaasahan ang pagbuhos ng malakas na ulan. There hadn't been any rain for almost a week, but it suddenly poured today.
"May mga bagong tanim pa naman," Kenneth muttered beside me.
Sayang. Paniguradong hindi mabubuhay ang mga 'yon sa lakas ng ulan ngayon. Malulunod lang.
We were stuck inside the main farmhouse. Buti pa si Kuya Alejandro at ang ilang trabahante, nakauwi ng maaga kanina. Mas maaga kasi silang dumarating dito kaysa sa amin kaya mas maaga rin silang umuuwi. Mabilis din nilang natatapos ang trabaho nila.
"Ligong-ligo na 'ko, Kuya," sabi ni Stef kay Kenneth. "Ihatid mo na 'ko, naka-tricy ka naman."
"Sabay na rin ako," pagsali ni Henry.
"Sabay-sabay na tayong lahat," si Dominic.
Lumingon si Jaja sa kanila. "Ngayon na? Umuulan pa."
"May tricycle naman," sagot ni Stefano.
"Ngayon na tayo umuwi, baka mas lumakas pa 'yan mamaya, mas lalo tayong hindi makakalabas," saad ni Dominic pero hindi sumang-ayon si Kenneth.
"Hindi tayo kasyang lahat sa tricycle."
"Naka-motor ako. Okay lang sa'kin na mabasa. Sinong angkas ko?" tanong ni Jaja sa amin.
Malamang si Kenneth ay sa tricycle dahil siya ang magmamaneho. Si Stefano, doon na rin sasakay dahil siya ang unang nag-aya. Si Henry, malamang ayaw magpakabasa nito.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa